Chapter 6

3K 83 2
                                    

Kendrick's POV

Ang sarap maging gwapo. Sulit ang araw ko parati sa school, daming chiks.

Araw-araw akong nilalapitan ng mga magagandang babae at hindi lang ako, pati na rin ang mga kaibigan ko. Damay sila sa kagwapohan ko eh.

Maliban lang kay Trisha. Bago pa kasi siya dito. Im sure na kapag nagtagal na siya dito, kasali na siya sa mga chiks ko.

Nandito ako ngayon sa area naming magkakaibigan na lagi naming pinupuntahan kapag bored oh walang class time.

Pero mag isa lang ako ngayon dahil hindi ko nakikita ngayon ang tatlo kong kumag na kaibigan.

Habang nakaupo ako ngayon dito, nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko mapigilang tumitingin-tingin sa paligid eh.

Habang tumitingin ako sa paligid ay nakita ko si Trisha sa may hallway. Naka headset siyang nakaupo.

Natulala akong naka tingin sa kanya. Pero bakit? Dahil ba sa maganda niyang mukha?

"Teka bakit ko siya sinabihan na maganda? Nagagandahan ba talaga ako?" tanong ko sa isip ko.

Maganda naman talaga siya kapag no choice na ako HAHAHA.

Ito na seryoso na'to. Maganda naman talaga siya. Unang araw ko pa nga siyang nakita eh nahulog na ang puso ko sa kanya. Hindi ko lang sinabi sa mga tol ko kasi baka kukulitin nila ako.

Pero nung nalaman ko na may gusto si Kenneth kay Trisha, sobrang lungkot ko nun kasi may karebal ako at kaibigan ko pa. Ang tangi ko nalang ginawa ay kinukulit siya para mapansin lang ako.

Hay, first time akong nagkakaganito. Hindi ko kailanman na inlove sa isang babae noon. Iba nato ang nararamdaman ko ngayon.

Habang nag MMK ako sa isip ko tungkol sa feelings ko kay Trisha, ginulat na naman ako ng mga kumag kong kaibigan.

"Boohh! Hahaha nakakatawa mong magulat tol" pagtatawa  ni Derick.

"Mga kumag talaga kayo! Saan ba kayo galing? Alam niyo bang dalawang oras na akong naghihintay sa inyo dito ha" Hahah joke lang yun 30 minutes lang talaga ako naghihintay dito.

"Easy lang tol. Ito kasing si Jacob pabalik-balik sa CR, ang lakas kumain eh. Kahit ano-anu nalang ang kinakain" sabi ni Kenneth.

"Gasol yan eh" tawanan naming lahat.

                

Trisha's POV

Hmm anong book ba ang hihiramin ko?

Ito! Ito pa! At ito!
Saan dito sa tatlo ang uunahin ko? Maganda ang lahat ng 'to eh. Hay, basta hihiramin ko 'tong tatlo.

After kong nilista ang book na hiniram ko ay agad na akong lumabas ng library.
Nakita ko si Kendrick at mga kasama niya sa right side ko na naglalakad.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa room namin. Pero biglang nawala sa utak ko kung saan ako galing dumaan.

"Ano ba yan! Nakalimutan ko. Uminom ka kasi ng Memory Plus Trisha. Napaka limutin mo na"

Tumalikod ako at dahan-dahang naglakad pabalik sa dinadaanan ko. Iba kasi ang nadaanan ko.
Nakayuko lang akong naglalakad pero bakit ako yuyuko eh diba naging kaibigan ko na sila dahil sa nung nangyari sa isang araw.

Naglalakad nalang ako na parang hindi ko sila nakita. Sa gilid ng room ako dumaan. Nagulat nalang ako bigla dahil nung malapit na ako sa kanila ay hinawakan sandali ni Kendrick ang kamay ko.

Bumilog ang dalawa kong mga mata dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Dali- dali akong naglalakad habang tinignan ang kamay ko sabay kilig sa nangyari at hanggang sa may nabangga ako. Hindi ko alam kung sino siya. Unti- unti kong inangat ang ulo ko at isang poging lalaki ang nasa harap ko ngayon.

"Sorry po, hindi ko sinasadya. Wag mo sana akong saktan" pagmamakaawa ko.

"Ano kaba, bakit naman kita sasaktan eh ako nga 'tong nakabangga sayo eh. Dapat nga rin ako ang humingi sayo ng tawad" sabi nung lalaki.

"Ah kung magtatanong ka kung kumusta ako. Ok lang ako that's all bye" sabi ko sabay alis sa harap niya.

Umalis agad ako dahil nahihiya ako sa kanya.
Ang gwapo niya kasi, baka mauutal pa ako. Mahalata pa niya na nagagwapohan ako sa kanya.

Matapos ng klase namin buong araw ay umuwi na rin kami. Mag isa akong umuuwi. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako ng bahay.

"Hi Mommy ehere are you going?" taray naka english ako.

"Oh ba't ang aga mo?" tanong niya.

"Anong maaga? Ganitong oras naman talaga kami umuuwi ah" sabi ko.

"Ah ganun ba. Bibili ako ng grocery natin" sabi niya

"Pero ma bumili na ako kahapon" sabi ko.

"Kulang sa atin yun anak. Food lover ka diba. Bibili ako ng favorite food mo"

Yes! Favorite food ko ang bibilhin niya. Hindi na ako magtatanong pa baka mag bago pa isip ni Mommy.

"Ok Mom ingat ka" paalala ko.

"Sige anak. Bye"















Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon