Chapter 37

1.1K 38 0
                                    

"Tita pasensya na kung nasira ko man ang kasal ni kendrick. At pati rin yung kasunduan ninyo"

"Okay lang Trisha. Hindi ko naman mapigilan ang nararamdaman ni kendrick para sayo. As a mother, I'll always support him. At Im so happy to have you with my son. Tuwang-tuwa nga ako na hindi natuloy ang kasal"

"Haha bakit po tita"

"Kasi kapag ikinasal ang anak ko, hindi ko na sya makikitang ngumiti.  Ikaw lang ang nagpapasaya sa kanya trisha. Wag na wag mo syang iiwanan ha"

"Hihi opo tita. Honest to Promise hahah"

"Haha ikaw talaga"

Kaya gusto ko ang mommy ni kendrick dahil lagi syang supportado kay kendrick.

Buti nalang ako ang pinili ni kendrick kundi hindi rin ako masaya habambuhay.

Nasa pool ako ngayon sa bahay nina kendrick. Umalis kasi si kendrick dahil niyaya syang lumabas ng mga kaibigan nya.

Gusto nya akong isama kaso ayaw ko kasi bonding magkaibigan nila yun kaya dapat hindi ako makisali.

Sobrang init na kaya naisipan kong maligo sa pool. Hinubad ko ang damit ko at tumalon na. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa napagod ako.

Kendrick's POV

"Mga tol uwi na ako. Baka hinihintay na kasi ako ni trisha sa bahay"

"Ano ka ba kendrick para ka namang hindi lalaki. Alam naman ni trisha na matatagalan tayo ng uwi diba. Uminom ka pa oh para malawa yang  pag-aalala mo"sabi ni derick.

"Sige na nga"hindi na lang ako tuluyang umalis. Tama naman si derick eh alam naman ni trisha na matatagalan ako ng pag-uwi. Mabait naman yung girlfriend ko eh hihi.

Sobrang rami na ang nainom kaya hindi ko na kayang itayo ang katawan ko. Gusto ko man tumayo kaso hindi ko kaya. Parang bumigat ang katawan ko.

Binuhat ako ni derick at jacob kasi hindi naman masyadong marami ang ininom nila. Una ng umuwi si jacob kasi ihahatid pa ako ni derick.

"Trisha mahal kita"

"Hindi ako si trisha tol si derick to. Wag k..ang mag-ala..la i..haha..tid na ki..ta"

"Ihah..atid? Saan, sa puso ni trisha hihi.."

"Nasa kanya na ang puso mo. Ihahatid kita sa bahay nyo ka..ya uma..yo..s ka"

"Sige aayos na ako. Hinihintay na ako ng asawa ko tol. Bagong kasal kami"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi pa kayo kinasal. Hindi ka pa nga nagpropose sa kanya eh"wala na akong nasabi kasi nakatulog na ako.

Ilang minuto ay nakarating na kami. Binuhat ako ni derick papasok sa loob. Nakita kami ni trisha kaya agad syang lumabas at lumapit sa amin.

"Bakit sya nalasing? Kendrick hali ka na"pag-aalala ni trisha.

"Ikaw ba si trisha? Ang babaeng mahal ko hahah. Hindi ikaw si trisha umalis ka!"sigaw ko.

"Ano ka ba tol si trisha yan. Sige trisha uwi na ako. Ikaw na ang bahala sa kanya ha"pamamaalam ni derick.

"Sige derick salamat. Ingat ka"

Inalalayan akong maglakad ni trisha. Hindi ko na kasi kaya eh.
Pagpasok namin sa loob natumba kaming dalawa sa sahig.

Tumayo sya at binangon ako mula sa sahig. Tumayo naman ako kaya madali lang akong nakatayo.

Humakbang na kami paakyat.

"Ang bigat mo kendrick. Umayos ka nga baka mahulog tayo"

"Hahah bakit na..man  ta..yo mahu..hu.log eh hindi na..man ta..yo uma..kyat ng puno wahahahaha"

"Ewan ko sayo kendrick. Nandito na tayo sa kwarto mo. Ayan, humiga ka na"

Humiga na ako sa kama ko. Umalis si trisha para kumuha ng bimpo para ipunas sa akin.

Sa ilanh sandali ay nakabalik na sya. May dala syang tubig at bimpo. Umupo sya saka ako pinunasan.

"Ang dumi mo naman kendrick. Saan ka ba napadpad ha. Nangitim na ang tubig oh. Aish~ itong lalaking to talaga oh"

Trisha's POV

Nilagay ko na ang tubig at bimpo sa mesa para bihisan sya. Hinubad ko ang damit nya na sobrang baho at agad itong pinalitan.

Limang minuto ko syang tinitigan sa mukha. I want to kiss him peru nahihiya ako. Boyfriend ko sy peru ewan ko ba kung bakit ako nahihiya.

Ang bastos ko naman kung ako pa ang humalik diba haha.
Sa kakatitig ko sa kanya nakatulog ako sa tabi nya.

Kinabukasan nagulat nalang ako kasi nasa kama na ako nakahiga. Bumangon ako na kumunot ang noo. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si kendrick. Nasan kaya yung lalaking yun.

Tumayo ako at akmang buksan sana ang pinto ng banyo nang biglang bumukas. Napaangat ko ang ulo ko nang bumukas iyon.

"Oyy andyan ka pala. Sige labas na ako, doon nalang ako sa kwarto ko mag c-cr"

"Dito na lang. Tapos naman akong gumamit eh"

"Sigurado ka ha sige na lumabas ka na naiihi na ako"

Lumabas na sya at ako ang pumalit sa kanya. Agad akong pumasok at umihi na.

Sa ilang sandali ay tapos na ako. Bago ako lumabas, huminto muna ako sa malaking salamin para tignan ang sarili ko.

Pagtingin ko sa mukha ko, nakita ko ang malakig muta sa gilid ng mata ko. Agad akong naghilamos para mawala ito sa mata ko.

Pagkatapos ay pinunasan ko na ang mukha ko saka lumabas. Paglabas ko ng banyo wala na dun si kendrick kaya lumabas na lang ako.

Dumiretso ako sa sala kasi rinig na rinig ko ang tunog ng tv. Agad akong tumabi kay kendrick na nanood ng tv.

Inakbayan nya ako kaya inakbayan ko rin sya. Ang sweet namin noh bleh hahah.

"Trisha maligo ka at magbihis"sabi nya.

"Bakit saan tayo pupunta?"tanong ko.

"Dito lang ang bahi mo kasi"

"Hoy! Hindi ako mabaho noh. Baka yang bibig mo ang mabaho naamoy lang ng ilong mo"

"Hahah joke lang yun trisha sungit mo naman. Seryoso to magbihis ka kasi lalabas tayo"

"Lalabas ng bahay?"

"Oo sige na umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis ka"

"Okay okay okay hintayin mo ako ah"

"Doon ako maghihintay sa mall!"

"Ano?"

"Joke lang sige na magbihis ka na"

Napakapalabiro talaga yung lalaking yun basta ako ang kaharap nya hahah.

Saan kaya kami pupunta? Buti naisipan nyang lumabas kasama ako.

Pagkatapos kong maligo at bumihis agad akong bumaba. Red dress ang sinuot ko. Yun kasi ang napili ko eh.

Pagbaba ko papuntang sala, nakita ko sa mukha ni kendrick na nagandahan chaarr haha nagandahan sa akin. Nanlaki kasi mga mata nya eh.

"Ang ganda naman ng girlfriend ko"

"Hindi naman hihih"

"Tara alis na tayo"

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now