Chapter 2

5.5K 129 7
                                    

Matapos ang pangayayring yun, tumungo ako sa lugat kung saan nagkakagulo ang mga tao.

Napag isipan ko na kung sino tatanungin ko dito. Tinalas ko ang mga mata ko kung sino pwede kong tanungin sa kanila.

Sana lang hindi masungit matatanungan ko.

"Miss, pwede po bang magtanong?" tanong ko sa babaeng dumaan sa harap ko.

"Don't talk to me! Don't tell me na hindi mo alam ang school na to. How poor you are" galit niyang sabi sa akin.

"Hindi ko nga po alam ang school nato. Kung tutuosin nga po bago lang ako dito" sabi ko.

"Im sorry I can't help you. Try to ask someone!" sabi niya.

Simpleng tanong lang naman yun bakit ayaw niyang sumagot?

May nakita akong lalaking papunta sa kinatatayuan ko kaya kahit masungit 'to sisikapin kong tanungin 'to.

"Excuse me po. Can I ask you something?" taray naka english ako ah.

"You didn't know me?" tanong niya.

Nagtatanong nga ako sa kanya bakit nagtatanong siya sa akin? Eh obvious namang hindi ko siya kilala ah.Tanga naman pala tong lalaking to eh.

"Hindi po. Transferee po kasi ako kaya magtatanong lang sana ako kung saan nakadikit ang mga lists ng mga students dito" mahina kong sabi sa kanya.

Nakatulala lang siyang nakatitig sa akin na sanhi ng pag kunot ng noo ko.

Habang nakatulala parin siya sa harapan ko, napansin kong maraming mga babaeng sumisigaw papalapit sa amin.

"Teka bakit po sila sumisigaw? Nag we welcome ba sila sa akin?" tanong ko.

"Wag kang assuming diyan. Walang estudyante dito na nag wewelcome sa mga bago. Sumisigaw sila dahil sa akin" sabi niya.

Nakaramdam ako ng hiya. Bigla bigla naman kasi akong nagtatanong eh, ayan tuloy nag assume ako.

"Bakit natahimik ka diyan? Sa susunod kasi wag kang assuming. Masakit kasing mag assume" sabi niya

"Chee! Tumahimik ka nga. Hindi ako assuming noh" sabi ko sa feeling gwapong lalaking to.

Maglalakad na sana ako papalayo sa bweset na lalaking yun kaso bigla siyang nag salita.

"Assuming girl! Doon mo mahahanap ang list ng mga students dito" sabi niya sabay turo sa side na maraming tao.

Highblood na ako sa lalaking to! Kung assuming ako eh di assuming. Eh ikaw feeler! Hmmp

"Thank you feeler!" sigaw ko sabay takbo.

Pumunta na ako sa tinuro ng lalaking feeling gwapo na yon.

Paano ako makakasingit nito eh ang dami nila.

Alam ko na! Yuyuko nalang ako sa ilalim para di nila ako masilayan na sumisingit.

Magandang plano to.
"Go Trisha! You can do it" sabi ko na naman sa sarili ko. Baliw na yata ako.

Sinugod ko na ang sarili ko sa ilalim.

"Aray! Aray! ang sikip naman. Dahan-dahan lang kayo, nasasaktan kasi ako dito sa baba"

Sa ilang segundo ay nakapunta na ako sa unahan.

"Nakakapagod. Sakit ng likod ko. Aray"

Inumpisahan ko nang hinanap ang pangalan ko.

Trisha Nueva......
Trisha Nueva......

"Ito nakita ko na, Room 12. Saan to? Nakakawalan na talaga ng gana. Hindi pala madaling mag transfer"

Umalis na ako dun at inumpisahan ng mag-isip kung saan ako una tutungo.

"Ayon ang room 1. 2? 3? 4? Nasan ang 5 up? Sa tingin ko nasa third floor ang room 12"

Inumpisahan ko nang tumungo dun. Inakyat ko hanggang third floor.

Nang makarating na ako dun, nakita ko agad ang room 9.

"Last room yung 12. Pagod na ako"

And lastly nandito na ako sa tapat ng magiging classroom ko.

Pumasok ako agad at nagtinginan ang lahat ng estudyante sa akin.

Para silang nakakita ng Miss Universe na naka rampa ah.

Nakaupo na ako ngayon sa upuan sa gilid ng bintana.
Ilang minuto ay may narinig na naman akong sigaw ng mga babae.

Nagkaguluhan sila dahil kay feeler boy. Ganyan ba talaga siya ka feeler? Para pagsigawan ng mga babae.

Habang busy ang mga babaeng nagsisigawan sa feeler na lalaking yun, busy rin akong naka tutig sa kaniya hanggang sa nahuli niya akong  naka titig sa kaniya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya baka iba pa iisipin ng kumag na 'to.

Lumapit siya sa akin at hinampas ang mesa sa upuan ko.

"Classmate ko pala si assuming girl" sabi niya sabay hawak sa buhok ko.

"Wag mo ngang hawakan buhok ko. Baka madumihan yan!" sigaw ko ng pagalit.

"Wow! Baka itong kamay ko ang madumihan sa buhok mo" sabi niya.

"Hoy FYI nag conditioner ako noh" pagmamayabang ko.

"Baka conditioner ng unggoy yan" sabi niya sabay tawa.

Tumawa ang lahat sa sinabi ng feeling gwapo na 'to. Akala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo pa asawa ko sa kanya, hayst.

"Lumayo ka na nga sa akin. Binu bweset mo araw ko eh" sigaw ko sa kaniya

"Oops galit na si assuming girl hahahaha" sabi niya

"Ngayong araw ko nga pa siya nakilala peru inis na inis na talaga ako sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko kapag nakita ko siya"

Umalis na siya sa harapan ko nang tumunog na ang bell.

Plano kong mag snack kasi gutom na alaga kong uod.

Naglakad na ako palabas ng room namin ng may biglang sumapid sa akin at natumba ako sa sahig.

Ang sakit ng kamay ko kasi naituko ko ito sa sahig.
At halos pa ng nakakita ay nagtatawanan sa akin.

"Aray! Ang sakit!"

"Ikaw na naman? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" sabi ko ng pasigaw.

"Bakit, alam ko ba na dadaan ka?" tanong niya.

"Kahit na pintuan yan eh. Alam mo na naman na may taong labas pasok diyan eh harang harang ka pa!" sigaw ko ulit.

"Hoy stupid girl don't try to yell at him, or you'll be kick" sabi nung joiners na babae.

Wala na akong sinabi sa babaeng joiners na yun. Umalis nalang ako sa harapan nilang lahat para maka iwas ng gulo.







Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now