Chapter 18

1.5K 52 2
                                    


Trisha's POV

Pinag buksan niya ako ng pinto sa kotse.

Lumabas naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya.

"Kalimutan muna ang nangyari kanina"tangi nyang sinabi.

Hinawakan parin nya ang kamay ko papasok sa loob ng bahay nila.

Umakyat kami sa taas. At hinatid niya ako sa kwarto na tutulugan ko.

"Dito ka matutulog. Sorry kung hindi na muna kita masasamahan ngayon ha"sabi nya sabay hawak sa balikat ko.

"Ok lang. Salamat nga pala kendrick. Kung wala ka kanina ba- - -" tinakpan niya ang bibig ko.

"Diba sabi ko wag munang isipin yun. Halika samahan muna kita saglit sa loob"hinila nya ang kamay ko. Pinaupo nya ako sa kama.

"Kung may kailangan ka - - - -"napahinto sya nang marinig nya ang tiyan kong kumukulo.

"Hindi ka pa kumakain?"tanong nya.

"Hindi pa"tangi kong sagot.

Hinila na naman nya ang kamay ko. Dinala nya ako sa kusina at pinaupo sa upuan.

Napa wow ako nang makita ko ang kusina nila.

Alam nyo sobrang laki ng kusina nila. Aah peru hindi sobrang laki. Yung kunting sobra lang. HAHAH naguguluhan ako.

Ito na ang tama. Hindi sya malaki maluwag lang. HAHAH..

Isa-isa nyang nilagay ang pagkain sa mesa.

"Mmm.. ang bango. Ikaw ba ang nagluto nyan?"tanong ko habang aakma nang kakain sa sobrang bango.

"Hindi. Si nanay  tosing ang nagluto nyan. Sige na kumain ka na"sabi nya at umupo sa harap ko.

Paano ako makakain ng maayos eh nakatitig sya sa akin.

Baka magpapabayad pa sya sa kakainin ko.

"Ano? Titignan mo lang ba yan? Wala ka bang planong lusubin yan? Wag kang mag-alala hindi naman kita pababayarin nyan"napakunot ang noo ko dahil narinig niya ang sinasabi ng isipan ko.

"Ba't mo nalaman?agad kong tanong sa kanya.

"Wag ka na ngang tanong ng tanong. Kumain ka na dyan"sabi nya at umalis papuntang sala.

Yes! Thank you umalis na sya.

Time to lusob na trisha. Dapat kakain ka ng marami para kalimutan ang lahat ng masamang nangyari kanina.

Limang minuto lang akong natapos kumain.

Bigla namang lumapit si kendrick. Nakita kong nanlaki ang mata nya sa nakita.

*burp* napa dighay ako dahil busog na busog ako.

"Ubos na?"gulat nyang tanong.

"Oo heheh sorry naubos ko. Gutom na gutom kasi ako"sabi ko sabay ngiti.

"Ang lakas mong lumamon. Umakyat ka na sa taas para makapagpahinga ka na. Ako na ang bahala dito"hinarangan ko sya at nginitian.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan ko. Nakakahiya kasi kong magpapahinga lang ako na wala man lang ginagawa"natahimik sya. Kaya umalis sya at pumunta na sa kwarto nya para makapag pahinga na.

Sinimulan ko na ang paghuhugas.

Kunti lang naman huhugasin ko.

Pagkatapos kong hinugasan ang pinag kainan ko, pumunta muna ako sa sala para tignan ang buong bahay nila.

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon