Chapter 40

1K 34 2
                                    

Trisha's POV

Kinabukasan late na akong gumising. Nakalimutan ko tuloy na may pasok pa pala ako sa trabaho.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at nag-umpisa ng maligo.

Ilang sandali ay tapos na ako. Lumabas na ako ng banyo at agad bumihis. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba.

Pagbaba ko wala si mommy at tito kaya dumiretso na ako sa labas. Pumasok ako sa kotse ko at agad umalis.

Nakarating na ako kaya agad akong bumaba at pumasok sa loob ng opisina.

Dali-dali akong tumakbo para hindi ako maabutan ng boss namin. Baka itatanggak nya kasi ako kapag nakita nya akong ate na namn pumasok. Mawawalan ako nito ng trabaho. Kawawa si me.

Sobrang laki ng ngiti ko dahil hindi ako naabutan ng boss namin. Agad akong umupo sa pwesto ko at nilagay sa tenga ang headset. May tumawag agad eh.

Walong oras akong nakatuon sa trabaho. No lunch kasi maraming tumatawag.

After kong matapos lahat, dumiretso na ako sa baba nang dahan-dahan lumakad.

Paglabas ko agad akong pumasok ng kotse para umuwi na ng bahay. Baka busy si kendrick kaya hindi nya ako binisita.

Pagdating ko sa bahay, kumunot ang noo ko dahil maraming tao sa loob ng bahay. Kitang-kita sa bintana eh.

Pumasok na ako sa loob. Agad lumapit sa akin si mommy na umiiyak kaya doble anh kunot ng noo ko.

"Mommy anog nangyayari? Bakit ang daming tao dito? At bakiy ka umiiyak?"nalilito kong tanong.

"Anak..."sabi nya habang umiiyak.

"Mom sabihin nyo naman kung ano ang nagyayari"

"Anak ang daddy mo wala na"nagulat ako sa sinabi ni mommy. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Para akong tinamaan ng malaking bato.

"Hahha napakapalabiro nyo naman mommy. Sabi ni daddy hindi nya tayo iiwan kaya hindi yan totoo ang sinasabi mo mom"sabi ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Anak tama na. Okay lang na mawala ang daddy mo kesa makita natin syang naghihirap"sabi ni mommy habang niyayakap ako.

"Mommy hindi ko kaya. Alam kong nahihirapan na sya peru mom hindi ko talaga kayaaaahhhhh"sumigaw na talaga ako. Tumingin sa amin ang lahat.

Ilang sandali ng pag-iyak namin ay dumating si kendrick. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Lumabas kami ng bahay para makalanghap ako ng malamig ng simoy ng hangin.

Pumunta kami dun sa may mesa para doon na mag-usap.

Nang nakaupo na kami, tumulo na naman ang luha ko. Kaya nilapit nya ang upuan sa akin para matabi nya ako.

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang panyo nya habang patuloy parin ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Trisha magpakatatag ka. Hindi guati ng daddy mo na makita kang ganyan. Sige ka baka multuhin ka nya mamayang gabi"sinapak ko sya sa braso kaya napatawa kaming dalawa.

"Ahm.. trisha alam kong masakit peru kailangan mong magpakatatag. Mas mabuti nga na mamatay na yung daddy mo kesa makita syang nahihirapan. Diba ayaw mo nun. Baka oras na nya ngayon kaya kinuha na siya ni papa god. Wag kang mag-alala nandito naman ako palagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita pababayaan"

"Thank you kendrick ha. Ikaw palagi ang nagsasabi sa akin ng ganyan"sabi ko sabay yakap.

Kinabukasan hindi ako pumasok kasi nga sobra akong umiyak. Tuwing marinig ko ang ibang tao na nagsasalita tungkol sa daddy ko bumalik na naman ang lungkot na nararamdaman ko. Parang wala nang araw na magiging masaya ako. Gusto ko naman limutin lahat kaso hindi talaga mawala sa isipan ko eh.

Gusto ko tuloy bumalik ng korea para makapag move on na ako. Peru paano eh wala na akog pera.

Lalabas sana ako ng bahay kaso tinawag ako ni mommy. Dahan-daham akong lumapit sa kanya.

"Anak ok ka lang? Magkape ka muna oh"

"Wag na po. Ok naman po ako"

"Sigurado ka?"

"Opo. Sige po mom labas muna ako"

"Sige"nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang malaking araw na naka harap sa akin.

Pagkatapos kong tinignan ang araw, nilibot ko naman ang paningin ko sa ulap. Kumunot ang noo ko nang makita ang ulap na bumuo ng hugis tao.

Tumatak sa isipan ko ang wangis ng mukha ni daddy. Kaya sumimangot na naman ang mukha ko.

"Dad gagawin ko ang sinabi ni kendrick na magpapakatatag para sayo. Hindi man madaling kalimutan ka peru kailangan gawin para sa sarili ko. Wag kang mag-alala pa nandito ka naman palagi puso't isipan ko. I love you so much dad"sabi ko sarili ko habang tinanaw ang ulap.

Kinabukasan hindi na naman ako pumasok dahil hindi pa tapos ang burol ni daddy. Hinintay pa kasi ni mommy ang mga kamag-anak namin sa ibang lugar para naman makiramay.

Nasa loob lang ako ng bahay. Naka upo sa sofa habang nanood ng tv. Hinatiran ako ni mommy ng cookies at juice. Kinain ko ito hanggang sa naubos.

Nang nasawa na akong manood. Umakyat na lanh ako sa kwarto ko at natulog.

Kinabukasan na naman ganun parin ang ginagawa ko. Kain tulog kain tulog done. Wala kasi akong ibang magawa.

Kinabukasan ulit libing na ng daddy ko. Nakasuot ako ng white t-shirt habang si mommy naman ay white din.

Nasa tabi ko si kendrick habang nagdadasal si Fr. John. Pagkatapos magdasal ni Fr. John umalis na sya kaya nag-umpisa na silang tumapon ng isang pirasong bulaklak sa burol.

Huli kaming apat ni kendrick, mommy at tito. Ako lang ang may kulay blue na rose kasi blue ang favorite color ni dad. Pumatak ang maliit na luha sa mata ko. Pinunasan ko ito agad para hindi makita ni daddy. Alam ko kasing palaging nakatingin sa akin si daddy.

Pagkatapos ay umalis na kami at bumalik na sa bahay. Sa kotse ni derick ako sumakay samantalang si mommy ay kay tito derick. Sabay kaming lahat bumalik sa bahay.

"Trisha gusto mo kain muna tayo sa labas?"tanong ni derick.

"Wag na dun nalang tayo sa bahay"

"Sige"

Itutuloy...

Transferee Girl (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora