Chapter 48

1K 24 0
                                    


Kendrick's POV

Nasa opisina ako ngayon. Busy'ng busy talaga ako sa work. Tama naman anh sinabi ni trisha nung isang araw eh. Busy na ako sa trabaho kaya hindi ko na sya maalagaan.

Hindi ko naman siya masisisi eh. Mommy naman kasi eh. Aalis na meron palang maraming aasikasuhin sa konpanya.

Sa bagay umalis naman si mommy dahil din sa work. Hindi ko rin sya masisisi.

Maaga akong uuwi ngayon dahil baka natutulog na naman si trisha. Nag iiba kasi ang mood nun. Hindi ko maintindihan.

Nakasakay na ako sa kotse pauwi ng bahay. At nang makarating na ako agad akong bumaba at pumasok na sa loob.

Bago ako pumasok, narinig ko ang tumatawang boses ni trisha kaya agad kong binuksan ang pinto.

Namalayan niya na binuksan ko ang pinto kaya lumapit sya sa akin.

"Bakit ka tumatawa mag isa? Baliw ka na ba?"

"Grabe ka naman sa akin noh. Nandito kasi kuya mo oh"

"Ano?"

"Hai bro kumusta?"

"Kuya? Bakit kayo umuwi? Akala ko hindi ka na uuwi"

"Sa totoo lang Im vacating here. I want to see you and mommy. By the way where's mommy?"

"Nasa qatar may ginagawang trabaho"

"Kailan sya babalik?"

"I don't know"

"Ahh okay. Uhmm hindi mo naman sinabi sa akin na nag asawa ka na pala. Inunahan mo ako hihihi peru malapit na rin akong ikasal"

"Ahh oo kuya. Gusto ko namang sabihin sayo kaso hindi ko alam kung paano. Wala kasi akong number sayo at wala na akong nakukuhang impormasyon tungkol sayo"

"Okay lang yun. Kumusta naman kayo?"

"Okay naman"

"Ang saya naman palang kasama tong asawa mo noh"

"Ayy oo kuya. Kaya ko nga 'to mahal eh"sabi ko sabay inakbayan.

"Kendrick!"

"Oh bakit?"

"Ang anak natin sumipa. Hawakan mo"

"Oo nga. Baby Im so excited to see you"hinawakan ko ang tiyan at ramdam na ramdam ko ang pagsipa nya.

After 2 days laging nagyaya sa amin si kuya na mamasyal kahit saan dahil gusto nya kaming maka bonding. Pumayag nalang rin ako at nagpaalam ako sa secretary ko na hindi muna ako papasok.

Pumunta kami sa baguio para magpalamig. Yun ang gusto ni kuya eh wala kaming magagawa.

Nandito na kami ngayon sa baguio. Si kuya parang ilang taong hindi nakakapasyal. Parang bata kung kumilos eh. At para bang adik hihihi..

Someone's POV

Namamasyal ngayon sila sa baguio. Kung saan saan sila pumupunta basta lang sumaya ang kuya ni kendrick.

Habang namamasyal sila, nakita ng kuya kendrick na maraming taong tumitipon dun kaya naisipan nyang pumunta dun.

"Kendrick dun tayo oh. Tara punta tayo"

"Sige kuya mauna ka na"

"Gusto mo kargahin kita?"

"Wag na kaya ko naman. Alalayan mo lang ako"

"Sige"

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Peryahan pala ang nakita ni daniel (pangalan ng kuya ni kendrick) kaya sya na eexcite.

"Kendrick sakay tayo. Im sure mah eenjoy kayo"

"Kuya pwede ikaw nalang. Babantayan ko kas......."

"Samahan mo na ang kuya mo okay lang ako dito. Sige na"

"Sigurado ka?"

"Oo"

"Sige maghintay ka lang dito ha"

"Mm.. mm.."

Tuluyan nang umalis si kendrick para samahan ang kuya na sumakay.

Sobrang saya ng kuya nya habang sumasakay. Para talaga siyang bata.

Pagkatapos nilang sumakay ay bumalik si kednrick kay trisha at niyakap.

"Tara uwi na tayo. Gagabihin na"sabi ni daniel.

"Sige kuya"

Naglalakad na sila pabalik sa kotse nila. Habang nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad, biglang nahimatay si trisha kaya sobrang nag-alala si kendrick.

"Trisha? Trisha. Gumising ka!"

"Trisha!"sigaw ni daniel.

"Kuya dalhin natin siya sa hospital!"

Dali-dali silang sumakay sa kotse at agad pinaandar.

Makalipas ang 20 minutes nakarating na sila sa hospital at agad pinasok sa loob habang kinarga ni kendrick si trisha.

"Dok tulungan nyo po sya"

"Dalhin mo siya sa loob"sabi nung doktor.

"Ano bang nangyari sa kanya?"tanong ng doktor.

"Bigla po kasi siyang nahimatay"

"Sige labas muna kayo. Nurse ipalabas mo muna sila"utos ng doktor.

"Sige po"

Kendrick's POV

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari kay trisha.

"Bro sorry ha. Nang dahil sa akin nahimatay sya. Hindi ko kasi sya inisip. Ang tangi ko lang inisip ay ang kasiyahan ko"

"Okay lang yun kuya. Gusto ka kasing hayaan ka na sumaya dahil hindi ka palaging masaya diba"

Pagkatapos naming mag usap ay agad lumabas ang doktor kaya tumayo agad kami.

"Kumusta po ang asawa ko?"

"Your wife is okay. Bakit nyo kasi sya pinahirapan? Tignan nyo tuloy nahirapan"

"Ang baby naman po kumusta?"

"Okay lang din"

"Sige dok salamat"

"Sige"

Pagkatapos naming mag usao ng doktor ay pumasok kami agad. Nakapikita pa si trisha kaya tinitigan ko lang sya.

Hindi ko na sinabi kay tita ang nangyari sa kanya kasi baka mag-alala pa sya.

Ilang sandali ay minulat na ni trisha ang mata kaya napaayos ako sa pagkaupo.

"Trisha okay ka na?"

"Oo okay na ako. Ang kuya mo nasan?"

"Im here trisha"

"Okay lang kami. Wag mo kaming aalahanin"

"Trisha Im so sorry. Because of me nahimatay ka. Kung inisip lang kita kanina hindi ka sana nandito ngayon sa hospital"

"Ano ka ba okay lang yun. Ang importante walang masamang nangyari sa akin"

"Salamat trisha"

"Walang anuman"

"Mamaya uuwi na tayo"sabi ko.

"Mm..mm.."

Itutuloy....


Transferee Girl (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ