Chapter 7

2.7K 77 4
                                    

Lahat kami ngayon ay bumati kay Maam Vera. English subject ang tinuturo niya.

Hindi ako nakikinig sa mga pinagsasabi niya kasi nakatingin lang ako sa bintana. Boring niya kasi magturo. Peru hindi pa naman siya nagturo.
Nagpakilala pa lang naman siya sa sarili niya.
Ngayon pa kasi siya pumasok sa ilang araw na ang lumipas.

Habang pinapakilala niya ang sarili niya, nagulat ako nang narinig ko ang pangalan ko. Bigla nalang ako tinawag ni Maam Vera.

"Trisha come here in front" sabi ni Maam.

"Ah bakit po Maam? May nagawa po ba akong mali?" sabi ko at bigla nalang nagtawanan ang lahat. Hindi ko kasi narinig ang pinagsasabi niya eh.

"Ano ka ba Trisha, tinawag kita para magpakilala dito sa harapan. Nabalitaan ko kasi na may bagong studyante dito at ikaw pala yun kaya hali kana"

Naku naman, kilala naman nila ako eh. Bakit pa ako magpapakilala. Aiisshh~

"Hi sa inyo at Good morning Maam. Alam kong kilala niyo na akong lahat dito kay medyo hindi na ako magtatagal pa. Im Trisha Nueva, 17 years old. Galing ako sa paaralang Pedro Calungsod, sa Taguig. Lumipat kami dito sa Pampangga kasi nag away ang mga magulang ko. Nahiwalay sa amin ang pinakamamahal kong Ama. Hindi ko tanggap na hindi na namin siya kasama peru kailangan kong tanggapin para magpatuloy ako sa pag aaral ko. At hindi ko akalain na dito ako pina aral ng Mommy ko sa isang malaki at magandang eskwelahan.
Gusto ko lang po sana na respetuhin niyo ako bilang isang bago dito. Alam ko naman na lahat kayo dito mayayaman at ako lang ang hindi. Masakit kasi para sa akin na nilalait ako. Yun lang ang masasabi ko Salamat sa pakikinig" sabi ko kunti lang  sasabihin ko peru parang umabot nang sampung minuto ah.

"Oh narinig niyo ang sinabi niya? Wag niyo raw siyang lalaitin dahil nandito siya sa paaralang ito para mag aral ng mabuti. Kaya dapat ganyan din kayo"

Habang nagsasalita sa haraoan si Ma'am ay bigla nalang tumunog ang bell senyales ng Snack Time

Hindi ko akalaing napanganga at napatahimik ko sila sa sinabi ko. Napaka drama ko ba kanina?
Parang sa mga mukha nila kanina, seryosong seryoso sila peru parang drama lang nila yun. Baka nga drama lang nila yun kanina para di sila mahalata ni Maam Vera. Baka aawayin na naman nila ako.

"Saan ako pupunta ngayon? Tapos na akong kumain eh. Hmm? Ah maglilibot nalang muna ako para maalam alam ko ang bawat sulok ng paaralang 'to. Teka, saan ako unang tutungo? Ah dun nalang" sabi ko sabay turo sa kabilang building. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa kabilang building habang naka headset. Music lover kasi ako simula nung naging fan ako ng BTS.

Habang naglalakad na ako sa kabilang building, maraming taong nagchichikahan, ang iba ay kumakain at ang iba ay iisang naka headset.

Sa sampung minuto kong pagglilibot dun ay naka ramdam ako ng kunting pagod kaya umupo ako sa gilid sa may hallway na may upuan at mesa.

Limang minuto na akong naka upo dito. Napaka boring ko. Habang nakaupo ako dito, bigla kong nakita si Kendrick sa hallway naglalakad papunta sa akin.

"Ano na naman ba ang pakay ng lalaking to?"

"Hi Assuming Girl. Drama mo kanina ah. Napabilib mo kaming lahat" sabi niya.

"Pwede ba tantanan mo na ako sa pagsasabi mo ng Assuming Girl" inis kong sabi.

"Eh totoo naman diba Hahaha" sabi niya sabay tumawa.

"Psh! Nakakainis ka!" inis kong sabi.

"Ganyan ba kayong mga mahihirap madrama para may maawa sa inyu ha, eh hindi niyo naman kami mauuto" sabi niya. Medyo hindi ko nagustuhan yung sinabi niya.

Transferee Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon