Chapter 3

4.6K 110 3
                                    

Kendrick's POV

Ang hirap talagang maging pogi. Lagi kasi akong hinahabol ng mga babae.

Hindi pa pala ako nagpakilala.
By the way Im Kendrick Cruz. Isa ako sa pinaka famous dito sa Elpido de University. May tatlo akong gwapong kaibigan pero mas pogi talaga ako kesa sa kanila. Ang tatlong kaibigan ko ay sina Jacob, Derick at Kenneth.

Im here now inside my classroom. Nagmumok-mok habang tinitignan ng mga babae except ni sa transferee girl na 'to.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell. Lumabas na ako sa classroom namin at gulat na gulat ako sa panggugulat ng mga kumag na'to.

"Boohhhh" pang gugulat nila.

"Ang galing niyong mang gulat ah. Bilib na bilib ako" sabi ko sabay tinawanan ako.

"Hahaha. Kami pa expert kami diyan" pagtatawa ni Kenneth.

"Psh kakainis! Hali na nga kayo. Nagugutom na ako" sabi ko sabay silang tinalikuran.

Pumunta kami sa canteen para kumain ng snack kasi gutom na gutom talaga ako. Ang dami kasing mga babaeng lumapit sa akin kanina kaya di ako nakapag snack kaya ayan tuloy gutom ang inabot ko.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, nakita kami ng lahat.
Dahil nakita nila kami sa canteen, nagsigawan na naman sila at si assuming girl lang ang hindi. Naka headset kasi siya.

Ang taas ng pila pero pinauna kami ng mga babae para bumili.
Nang nasa harap na kami ng tindera ay marami-rami ang pinili kong pagkain.

"Oy tol, ang dami naman yatang binili mo. Snack pa lang to tol" sabi sa akin ni Jacob.

"Pake mo,Gutom ako eh" sabi ko sabay iniwasan ng tingin.

"Haha nagpapagutom ka kasi kanina" sabi ni Derick.

"Paano ako maka kain eh ang daming babaeng lumalapit sa akin kanina" sabi ko.

"Stop talking na punta na tayo sa area natin" sabat ni Kenneth.

Habang papunta na kami sa area namin kung saan kami nag tatambay palagi, hindi parin kami tumigil sa pag kukwentuhan.
At di namin namalayan na habang nag uusap kami ay ubos na pala ang pagkain namin.
Habang busy kaming tumatawa, hindi namin namalayan na iba na pala ang tinitignan ni Kenneth.

"Oy Kenneth. Sinong tinitignan mo diyan sa taas?" tanong ni Jacob sabay itong tinapik.

"Ha um wala" pagsisinungaling ni Kenneth.

"Eh kanina ka pa namin napapansin. Yung babaeng yun ba ang tinitignan mo?" tanong ni Derick sabay turo ni Trisha na naka upo sa may bintana sa 3rd floor.

"Oo ang ganda niya no" sabi ni Kenneth.

"Tol classmate ko yan" singit ko.

"Weh di nga"

"Ulol ka pala eh. Kung ayaw mong maniwala eh di wag. Di naman kita pinipilit" sabi ko.

"Ang bilis mo namang magtampo tol. Joke lang yun sa akin. Alam ko naman talaga na classmate mo siya. Nakita ko kasi kayo kanina nag aaway" sabi ni Kenneth.

"Ok" tanging sinabi ko.

"Pero tol seryoso ako, anong pangalan niya?" seryosong tanong ni kenneth sa akin.

"Aba ewan ko. Assuming girl tawag ko nun" sabi ko.

"Bakit assuming girl?" tanong na naman niya.

Transferee Girl (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt