Chapter 2

52.3K 1.7K 107
                                    

||Kira||




"Pa, bakit po ganon yung suot niya?"

"Shh, baka marinig ka. Hindi mo na dapat pinapansin ang nga genyang tao."

"Pero ang weird. Ang init init na nga, balot na balot pa yung suot niya."


Napa face palm nalang ako sa isipan  dahil sa naririnig na bulungan ng mga tao dito. Lalo na 'yong usapan ng mag ama na nakatayo lang malapit sa akin.


Weird? Wala namang masama sa suot 'ko. Naka jogging pants lang ako, face mask na itim pero kita 'yong kalahati mg mukha, itim na gloves, jacket na itim tapos naka hoody ako, scarf na mediyo may kakapalan, salamin sa mata at rubber shoes. May suot din akong sumbrerong itim.


Fine. Aaminin 'kong weird nga itong suot ko lalo na at sobrang inia dito sa Pilipinas.


"Magkano po lahat?" Tanong 'ko sa cashier. Napatingin naman sa'kin ito na akala mo ay nakakita ng multo--which is not real. Nang tinanong ko kung magkano ang babayaran ay pautal utal itong nagsalita na para bang kapag gumawa siya ng mali ay katapusan niya na. OA.


Palabas na sana ako ng convenience store nang saktong bumukas naman ang sliding door at pumasok doon ang limang lalakeng nakasuot ng face mask. Napakunot ang noo ko. Ang suot nilang mga face mask ay natatakpan ang buong mukha nito at mga mata lang ang kita, yung tipo na sinusuot ng mga magnanakaw.


And, let me clear something, ang face mask na suot ko ay malayong malayo sa suot nila. Ang suot ko ay ang uso sa mga kabataan ngayon dahil sinusuot 'daw' ito kadalasan ng mga Kpop Idol. Ang natatakpan ay kalahati lang ng mukha mo.


"Holdap 'to! Wag na wag kayong gagalaw at aalis sa mga pwesto niyo kung ayaw niyong mamatay!" sigaw nung isa sa kanila.


Geez. Hindi ba pedeng paalisin muna nila ako bago sila mang holdap? Wala silang makukuha sa akin. Bukod sa perang pinangbayad ko na sakto lang ay wala na akong dala. Ah, excuse me for not caring, sigurado naman ako na ang balak lang ng nga ito ay ang magnakaw at hindi pumatay kaya hangga't hindi kami pumapalag ay hindi nila kami sasaktan.


"Hoy, ikaw! Babaeng balot na balot ang suot! Pumunta ka doon at ilagay lahat ng pera sa bag!" Tinuro nito ang cashier saka binato sa akin bigla ang bag na may kalakihan na kaagad ko namang nasalo.


Ako ba ang inuutusan niya?


Well, of course. Ako lang naman talaga ang balot na balot dito at higit sa lahat ay wala naman akong katabing babae. Alanganan namang may multo? Napabuntong hininga nalang ako. Nabara 'ko pa tuloy ang sarili.


Walang emosyon 'kong tiningnan ang limang holdaper na nasa harapan ko. Nasa harapan ko talaga sila dahil nga nang dumating sila ay malapit at papalabas na ako ng entrance ng convenience store.


"Bingi ka ba? Sabi ko, ilagay mo lahat ng pera doon diyan sa bag na ibinigay ko!" Inis na sabi nito nang hindi ako gumalaw. Nakaramdam naman ako ng malamig sa gilid ng ulo ko. Sugurado akong dahil iyon sa baril na kasalukuyang nakatutok sa akin. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.


"Who are you to order me?" Malamig pa sa yelo 'kong tanong. Hindi ko siya kaano ano at mas lalo namang hindi 'ko siya kilala. Wala siyang karapatan na utos utusan ako. No one does that. No one dares to order Akira Jade Alford.


Huminga ako ng malalim. Dahan daha. 'kong ibinaba sa sahig ang supot na naglalaman ng mga binili ko dito sa convenience store at siniguradong hindi yon madadali o ano pa man sa gulong magsisimula.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon