Chapter 34

18.7K 563 4
                                    

Kira's POV


Nang makarating ako sa park ay wala akong nakitang kahit na isang tao. Mag gagabi na rin kaya naman madilim at tahimik. Tsk, pinapunta ako dito nina Felix pero sila 'tong wala pa. Kung sino yung nang imbita siya dapat yung unang nandito sa meeting place.


"Good evening ate!" napatingin ako sa likuran ko at bumungad sa akin ang nakangiting si Andrea at Felix. Hindi ako sumagot at umupo lang sa swing na nandito.


Umupo rin naman si Andrea doon sa isa pang swing na nasa tabi 'ko habang si Felix naman ay nanatili lang na nakatayo. Wala silang hawak na weapon pero sigurado akong may nakatagong patalim sa sapatos nila at may nakatagong baril sila sa loob ng damit nila.


"Buti pumunta ka ate! Akala namin ni Felix hindi ka na pupunta eh, masasayang lang yung effort namin ng pagpunta dito kapag ganon." masiglang sabi ni Andrea.


"Wala naman akong ginagawa kaya pumunta nalang ako." balewala kong sabi. Kung may makakakita nga sa amin dito ay aakalin nilang magkakaibigan o magkapatid kaming tatlo. Di nila maiisip na mamaya lang ay papaputukan na namin ng baril ang isa't isa.


"Tutal nandito na tayo, may gusto ka bang itanong sa amin ate Akira?"
Tanong naman ni Felix habang nakangiting nakatingin sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag tinginan sa kanya.


Oo nakangiti siya, pero kahit nakangiti siya ay iba ang sinasabi at pinahihiwatig ng mga mata niya pati na ng kay Andrea.


Napahinga naman ako ng malamim saka sinalubong ang mga mata ni Felix, "Bakit niyo sinusunod si Trey?"







Clein POV


"Ayos lang kaya yung babaeng 'yon?"

"Dapat di ko nalang hinayaang umalis eh!"


Para akong ewan na paikot ikot dito sa condo ni Akira na hindi malaman kung anong gagawin. Hindi na ako mapakali simula nung umalis si Akira at ang mas nakapag alala pa sa akin ay hindi niya dinala ang cellphone niya.


Nagulat nalang ako nung makita ko yung cellphone niya sa sofa, binansagang genius pero kinalimutan ang cellphone. Ano nalang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko siya mata-track dahil hindi niya dala yung cellphone niya!


"Ay cellphone!" nagulat ako nang may nag doorbell.


Kunot noo akong pumunta sa may pintuan saka iyon binuksan pero mas lalong nangunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang isang lalake.


"Who are you?" sabay naming tanong sa isa't isa. Pakiramdam ko tuloy nag taasan yung nga balahibo ko sa lamig ng boses niya idagdag mo pa yung malalamig niyang tingin. Parang isang maling galaw mo lang deadbols ka na.


"Where's Akira?" tanong nito habang diretsiyo at malamig na nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at nakipagtinginan din sa kanya. Mas lalo akong nagtaka dahil tinawag niyang Akira si Akira, oo 'yon yung totoong pangalan niya pero bakit alam ng lalakeng 'to ang totoong pangalan ni Akira? Baka mamaya kasamahan siya ni Trey.


"Walang Akira na nakatira dito." sagot ko. Nangunot ang noo nito ng panandalian pero bumalik din sa straight face.


"Condo 'to ni Akira. Who are you? Bakit ka nandito?" tanong nito. Sasagot palang sana ako pero bigla nalang itong pumasok sa loob ng condo at tinabig ako paalis sa daanan. Mabilis ko naman siyang hinabol.


"Oy! Bastos 'to ah bigla bigla ka nalang mamamasok ng condo ng may condo! Ako dapat ang nagtatanong kung sino ka bang lalake ka at bakit alam mo ang totoong pangalan ni Akira!" sigaw ko. Tumigil ito sa pagsusuri ng condo saka nakapamulsang tumingin sa akin.


"Im her boyfriend. Ikaw, sino ka?"
Straight face nitong tanong sa akin at hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay naasar ako sa sinagot niyang 'yon sa akin. Pero heck, boyfriend?! Walang ibinabalita sa akin ang babaeng 'yon na may boyfriend na siya!


"Clein, best friend niya ako." taas noo kong sagot. Nangunot naman ang noo nito pero nanatili paring nakatingin sa akin ng malamig at syempre hindi naman ako nagpatinag.


"Kung best friend ka lang niya, anong ginagawa mo dito?" malamig nitong tanong at talagang diniinan pa yung part na 'best friend ka lang niya'. Pinigilan ko ang sarili kong sugudin siya dahil doon.


This guy, inuubos niya ang pasensiya ko! Pede namang sabihin na 'kung best friend ka niya' hindi yung dinagdagan pa ng 'ka lang'! Tsaka magkaibigan naman lang talaga kami ni Akira, parang nakababata at nakatatandang kapatid na ang turing namin sa isa't isa!


"Dito ako nakitulog kagabi." sagot ko saka palihim na ngumisi nang makita kong tumalim ang tingin nito sa akin pero balik straight face din agad.


"I see. Pero kahit na best friend ka niya sa tingin ko hindi pa rin tamang nakikitulog ka sa condo niya." sabi nito at mukhang sinasadiya niya talagang gamitin yung salitang 'best friend's sa bawat sentence na sasabihin niya. Kung asaran ang gusto niya edi ibibigay ko sa kanya.


"Wala kayang mali doon. Mag best friend lang naman kami, hindi kami gagawa ng kung ano." nakangiti kong sabi. Talagang ipinakita ko sa kanya ang pinakamatamis kong ngiti.


"Pede mo bang sabihin nalang sa akin kung nasaan ang girlfriend ko?" tanong nito na talagang diniinan pa yung part na 'girlfriend ko'. Hindi naman ako nagpaasar.


"Hindi ko alam kung nasaan siya. Diba ikaw ang boyfriend niya? Dapat alam mo kung saan siya nagpupupunta." sabi ko nang hindi inaalis ang matamis kong ngiti para naman mas lalo siyang mainis at maasar sa akin.


"That's it. Im done. Just tell me kung nasaan si Akira bago ko pa maisipang patayin ka." malamig pa sa yelong sabi nito. Mediyo kinilabutab ako doon pero hindi ko pinahalata. Nakipagtitigan ako sa kanya kahit na sa loob loob ko ay mediyo kinakabahan ako sa pede niyang gawin.


"Hindi ko nga alam, ang kulit mo rin eh ano at asa ka namang mapapatay mo ako." sabi ko. Parang wala naman sa kanya yung sinabi ko. Napatingin ito sa may table na nandito sa living room kaya naman napatingin din ako doon pero naestatwa ako nang makitang nandoon yung itim na papel na galing kayna Felix at Andrea. Akmang kukunin ko na 'yon nang maunahan ako ni—wait, hindi ko pa pala alam ang pangalan ng lalakeng 'to.


"Akin na yan!" sinubukan kong kunin sa kanya yung papel pero bigo ako. Binasa niya yung nakasulat doon at nagulat nalang ako nang bigla niya itong pinunet.


"Hoy lalakeng yelo, bakit mo pinunet?!" inis kong tanong. Ibinato naman niya sa akin yung papel na ngayon ay nahati na sa dalawa dahil nga pinunet niya. Lumakad ito sa may pintuan.


"My name is Kevin, not lalakeng yelo." sabi nito bago umalis.


"That... Guy!" inis kong ibinato yung itim na papel sa kung saan saka padabog na umupo sa sofa. Kevin? Ang panget ng pangalan niya! Paano ba naging boyfriend ni Akira yung lalakeng 'yon? Napaka lamig ng pakikitungo, parang nakikipag usap ka sa robot! Baka nga hindi na tao yon eh. Kailangan ko talagang kausapin si Akira! Hindi ako papayag na maging boyfriend niya yung yelong lalakeng yon!


Tch!










Author's Note:

Guys, wala pong kasiguraduhan kung kailan ang update dahil baka mamaya ay ma-hit ko na ang wall at maubusan ng ideya. Pero susubukan 'kong mag UD kada linggo pero lilinawin 'ko ah, SUSUBUKAN ko. Meaning, hindi sigurado na makakapag UD ako. Kinakabahan din ako sa mga grades 'ko sa school lalo na't 3rd grading na, haha.

Yon lang at maraming salamat. Sa mga nagbasa nitong author's note hanggang dulo, i salute you!

Ps. Wag po kayong mahiyang mag ingay, share niyo po opinion niyo sa storya na'to maganda man yan o hindi para po ma-improve ko 'to. Maraming salamat ulit! Love lots!

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon