Chapter 33

20.6K 584 5
                                    

Kira’s POV


“Akira!” nagmulat ako ng mata nang may narinig akong tumawag sa akin.


“Akira!” napakurap kurap nalang ako nang dinamba ako ng yakap ng batang lalake na'to. Hindi ko siya mamukhaan dahil kulabo ang mukha niya.


"Thank god your awake!" masayang sabi nito saka humiwalay ng yakap. Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa isang kwarto kami, isang white room. Wala akong makitang kahit na anong kulay kundi white lang. Ang tanging gamit lang din na nandito at yung kama na hinihigaan ko.


"H'wag mo na ulit susubukang tumakas! Kung hindi ka nila kailangan sa experiment nila ay hindi sila mag dadalawang isip na patayin ka." sabi nung batang lalake na hinawakan pa ako sa magkabilang braso.


Kinurap kurap ko yung mga mata ko skaa tinitigan ang mukha niya at parang may himalang nangyari dahil unti unting lumilinaw yung mukha niya. "Kevi—."



"Akira!" nagmulat ako ng mata at bumungad agad sa akin ang mukha ni Clein at dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay naitulak ko kaagad siya.


"Masakit 'yon ah! Ikaw na nga 'tong ginigising diyan nanunulak ka pa." parang nagtatampong sabi nito na hindi ko naman pinansin. Nakatulog pala ako sa sofa ng condo 'ko. Pero di ko naman kasalanan na naitulak ko yang si Clein. Kasalanan niya 'yan kasi ang lapit ng mukha niya sa akin. Pede namang alugin nalang ako o tawagin ako ng tawagin.


"Ang lapit ng mukha mo eh." bored kong sabi saka humikab. Nitong mga nakaraang araw ay sunod sunod na yung mga panaginip ko—o mas magandang sabihing pagbalik ng mga memorya ko. Nagsimula 'to nung.. nung.. nung hinalikan ako ni yelo. Tsk, maalala ko lang yung lalakeng 'yon kumukulo na yung dugo ko. Kung nasaan man yung pervert na 'yon sana madapa siya.


Pinagtataguan nga talaga ata ako ng manyak na 'yon. Dalawang araw na ang nakakalipas pero kahit bakas ng anino niya ay wala akong nakikita. Ang lagi ko lang nakikita sa school ay sina Dylan. Sana nga di na bumalik yung jerk na 'yon.


"Kalma Akira, kawawa naman si bear." sinamaan ko ng tingin si Clein saka ibinato sa kanya yung hawak kong teddy bear. Hindi ako galit sa teddy bear ah, sisihin niyo yung manyak na Kevin. Dahil sa kanya nasisira ang araw ko.


"Ah eto, nakita ko 'yan sa labas ng pintuan mo kanina." may inabot sa aking papel na kulay itim si Clein. Kinuha ko naman 'yon saka binuksan at agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat doon.


Meet us.

—F and A.


"Pupunta ka ba?" tanong ni Clein.


"Yup. Tutal wala naman akong gagawin dito, pupuntahan ko nalang sila." sagot ko. Kahit hindi sabihin ni Clein ay alam kong nag aalala 'yan para sa akin at ayaw niyang puntahan ko sina Felix at Andrea. Yeah, its them. F stands for Felix and A stands for Andrea. Kahit hindi nakalagay sa sulat kung saan kami magkikita ay alam ko na kung saan sila hahanapin.


"Be careful." seryosong sabi sa'kin ni Clint bago ako umalis ng condo na sinagot ko nalang ng tango.


There's a 45% possibility na kasama nina Felix at Andrea si Trey pero pede din namang ang kasama lang nila ay ang mga tauhan ni Trey. Matalino si Trey, hindi siya yung tipo ng tao na basta basta nalang kikilos at magpapakita sa subject niya—sa akin. Siya yung tipong sigurista. Sinisigurado niya na ang lahat ay aayon sa plano at kagustuhan niya.


Pumunta kaagad ako sa park na malapit lang sa condo ko. Alam kong nandito sila dahil palagi saking sinasabi nina Felix at Andrea dati na gusto nilang pumunta ng park at maglaro. I dont know what happened to them, hindi ko alam kung bakit sinusunod nila ang mga utos ni Trey.



Nang makatakas kasi ako mula sa laboratory ay hindi ko kasama non sina Kevin, ako lang mag isa non. Hindi ko alam kung sino sino pa yung mga nakatakas. Gusto ko sanang balikan non sina Felix at Andrea para sama sama kami pero wala akong choice, hinahabol ako nung ibang mga scientists non kaya kailangan kong makatakas at makaalis doon ng mabilis.


Narinig ko yung plano nila.


Balak nilang mag lagay ng chip sa katawan namin, isang chip na may kakayahang kontrolin ang katawan mo. Gagamitin nila kami para sa masasamang gawain nila at kapag nalagay na yung mga chip na 'yon sa katawan namin ay hindi na namin magagawang tumanggi pa sa kanilang mga utos. Magiging manika nila kaming lahat.


Gusto nilang makontrol kami ng husto at masigurado na hindi kami susuway. Sinabi ko sa sarili ko noon na tama na, sapat na yung ginawa nilang pagpapahirap. Hinding hindi ako papayag na kontrolin nila ako—na kontrolin nila kami.







Andrea POV



"Onii-chan, tama ba talaga 'tong ginagawa natin?" nakayuko at malungkot kong tanong kay Felix. Sa aming kambal siya ang naunang lumabas kaya naman nakagawian kong tawagin siyang 'onii-chan' kapag may problema ako o kapag malungkot ako.


Tumigil naman muna si Felix sa paglalagay ng poison doon sa mga shuriken niya saka malungkot na tumingin sa akin. "Hindi ko na alam, Andrea. Ayokong gawin to pero wala tayong laban kay Trey." malungkot ding sabi nito saka napabuntong hininga. Me and Felix dont want to do all of this but we dont have a choice, tulad ng sabi ni Felix ay wala kaming laban kay Trey.


Kung kami lang ang mapapahamak ay hindi na namin gagawin ni Felix ang lahat ng 'to. Marami ng problema si ate Akira pero eto, dinadagdagan pa namin.



Mabait na tao si ate Akira. Para sa akin siya ang pinaka mabait na taong nakilala ko. I admire her, matapang siya, malakas at laging lumalaban at pinoprotektahan yung mga mahal niya sa buhay. Napaka talino niya pa at magaling sa pagpa-plano.



"Parating na si ate Akira sa meet up place natin. Tera na." sabi ni Felix saka tumayo mula sa pagkakaupo. Lalabas na sana kami ng kwarto ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng may suot na salamin at naka lab coat.


"Trey, anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Felix sa taong pumasok.


Napahawak nalang ako sa laylayan ng damit ko habang nakatingin kay Trey. Nakakatakot talaga siya kahit kailan, nakakatakot yung mga mata niyang walang emosyon. Parang mata ng isang demonyo na ano mang oras ay handa kang patayin kapag sinuway mo siya.


"Wala naman, napadaan lang. Gusto ko ring sabihin na sana wag kayong pumalpak sa plano niyong 'to." malamig nitong sabi habang nakatingin sa amin ng blangko. Nangilabot ako nang ngumiti ito saka inilabas mula sa bulsa ng suot niyang lab coat ang isang injection at ang weird dito ay may laman itong kulay pulang liquid.



"Kung sakali mang mawalan ng kontrol ang subject ko, gamitin niyo to. Papakalmahin siya nito at mawawalan agad ng malay." ibinato nito yung injection sa amin at nasalo ko naman ito. Napatitig ako dito. Nagbunga ang ilang taong page-experiment ni Trey sa amin—kay ate Akira.


Nagkaroon si ate Akira ng maraming abilidad na hindi kayang gawin ng isang normal na tao. Nagkaroon siya super speed, super strength, strong senses at marami pang iba. Sa madaling salita, hindi na siya normal. Pero hindi 'yon kayang kontrolin ni ate Akira ngayon lala na at nawala ang ilan sa mga ala-ala niya nung basa laboratory pa kami pero sa tuwing siyang nawawalan ng kontrol sa emosyon niya ay nagagamit niya 'to.


"Aalis na kami." malamig na sabi ni Felix. Unang lumabas ng silid si Felix at nakayuko naman akong sumunod sa kanya nang hindi na tumitingin sa likuran ko.



Ayokong lumingon, ayokong makita ang mga mata ng demonyong nakatingin sa akin.








Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon