Chapter 42

17.2K 604 24
                                    

||Kira||



"So," panimula ni Cassidy, "Anong ginagawa niyong dalawa dito?" dugtong pa nito. Kasalukuyan kaming nakaupo ditong lahat sa may living room. Kasya kaming lahat dahil sobrang laki at lawak naman nitong sala namin. Hindi 'ko nga alam kung dapat na ba akong magplano sa mga oras na'to.


A. Abort mission.

B. Lame excuse.

C. Run.

D. Bahala na si batman.


Which one? Bawal manghula.


"Best friend ako ni Kira at pinsan naman siya ni Thunder. Binibisita lang namin siya. Kayo, bakit kayo nandito?" balik naman na tanong ni Clein kayna Alex. Nakita ko naman ang simpleng pagsulyap nila sa akin kaya naman napabuntong hininga nalang ako.


"School project." napatingin naman sa akin sina Clein at Thunder dahil sa sinabi 'ko at sa unang pagkakataon ay nagpasalamat ako na sa Elite University ako pumasok a magkakaklase kami nina Kevin kundi ay baka isang walang kwentang excuse naman ang masabi 'ko.


"Anyway, bumalik nalang kayong dalawa dito bukas. Busy kami." sabi ko.


"Kira-"


"Please." pagputol ko sa sasabihin ni Clein na ikinalaki ng mga mata nito. Pati nga mga mata ni Thunder ay nanlaki din. Pinigilan 'ko naman ang sariling mapairap. Minsan lang kasi ako magsabi ng 'Please'. Impernes, mukha silang kwago.


"Okay. Basta babalik kami bukas ah!" sabi ni Thunder at napangiti naman ako saka tumango. Parang ngayon lang tuloy ako ngumiti ngayong araw dahil sa dami ng nangyayari. Halos palagi na akong seryoso dahil iniisip ko 'yong tungkol kay Trey at Clerick.


"Ano na?" tanong naman ni Dylan nang makaalis na sina Thunder at Clein. Nagsalita naman ako.


"Let's go to the meeting room."









||Clerick||


"Nasaan sila ngayon?" tanong 'ko sa isa sa mga tauhan ko. Yumuko naman kaaagad ito bago sumagot.


"Nasa subdivision po na kung tawagin ay 'Sunrise Vil'. Napag alaman namin na may mansion doon si Jade." sagot nito at napangisi naman ako. So, she's underestimating me? Hindi sila nagtatago. Talagang sa isang open na open area pa sila tumuloy. Ang akala niya ba ay hindi ako aatake? Magsisisi siya.


"Tawagin ang Cards. Ihanda din ang mga hostages natin." madiing utos ko na kaagad naman nitong sinunod saka umalis. Matapos ang ilang minuto ay dumating naman na ang Cards. Ngumisi sa akin si Ace na para bang alam na ang dahilan kung bakit 'ko sila ipinatawag.


Napangisi rin naman ako.


"Im sending you guys to attack them. Siguraduhin niyo na mapapatay niyo kahit na isa lang sa kanila." madiin kong sabi at mas lumaki naman ang ngisi nito saka sila nag bow sa akin.


"Your order will be obeyed."











||Kira||


"What?!" react nilang lahat maliban kay Kevin matapos ng sinabi 'ko.


"You heard me right. Baka maya maya lang ay aatake na ang ama ni Dylan dito." paguulit ko sa sinabi ko kanina. Nasa meeting room ba kami at pagkapasok na pagkapasok namin ay sinabi ko kaagad ang plano ni Clerick. Im 100% sure na 'yon ang gagawin niya dahil iniisip niya na binabalewala ko siya lalo na't nasa mansion ko lang kami at hindu nagtatago.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon