Chapter 3

49.7K 1.6K 52
                                    

||Kira||



"Hoy insan! Gumising ka na diyan!"

"H'wag ka ngang epal sa buhay at magandang tulog ko, Thunder."

"Aba naman, late na po kaya tayo! Baka nakakalimutan mong unang araw natin ngayon sa Elite University."


Napamulat ako ng mga mata dahil sa sinabi nito. Nakita 'ko naman siyang nakatayo habang nakapameywang pa malapit sa kama ko. Sadly, ngayon na matatapos ang maliligayang araw ko dahil babalik na ako sa pag aaral. Hindi na ako makakahiga sa comfy kong kama buong araw.


"Right. Muntik 'ko nang makalimutan. Tsk." bored kong sabi saka bumangon at nag inat inat ng katawan.


"Wag mo nga akong i-right right diyan! Male-late na tayo kaya naman bilisan mo na diyan!" napatakip nalang ako ng tainga. Daig pa talaga niya ang babae kung makasigaw.


Well, base on my research, 8:00AM ang simula ng klase at 7:30AM na ngayon kaya naman napaka imposibleng hindi kami ma-late. May tiningnan naman ako saglit sa cellphone ko saka napangisi.


Malapit lang naman yung school dito sa condo kong 'to to the point na pede na'tong lakarin pero kakain pa ako, maliligo, magbibihis saka mag aayos kaya naman siguradong male-late kami--"Maligo ka na agad!" sigaw ng isa. Okay, kikilos na ako bago pa mabasag eardrums ko--wait, what? Maligo na agad?


"Kakain muna ako." salungat ko sa sinabi niya. Hindi pedeng maliligo kaagad ako. Kakain muna ako. Hindi ba niya alam na isa ang breakfast o umagahan sa pinaka importante dahil dito nagsisimula ang araw mo?


"Late nga tayo pero kakain ka pa? Baka gusto mong matanggap 'tong malutong na batok ko? Maligo ka na at sa school nalang tayo kumain!" sigaw naman ulit niya pabalik pero hindi rin naman ako nagpatalo.


"Hindi mo ba alam yong katagang Food Is Life? Importante ang pagkain ng almusal. Ayoko kumain sa school, dito ako kakain."
Sabi ko ulit pabalik sa kanya. Hindi niya ata alam yung katagang Food Is Life. Meron pa ngang Food Is Love. Isa yan sa mga paboritong motto ng nakakarami. Palagi din akong sinasabihan ni mom na palaging kumain ng almusal dahil dito nagsisimula ang lahat.


"Male-late na nga kasi tayo! May punishment kayang ibinibigay ang school sa mga late ng estudiyante!"


"Okay. Fine. Maliligo na po ako, kamahalan." sarkastiko 'kong sabi sabay pasok sa banyo at nagsimula nang maligo kahit na alam kong hindi totoo ang sinabi niyang may punish-ment kapag late ka. Wala rin namang mangyayari kung patuloy kaming mag aaway, pampa-late lang yon lalo. Besides, to that guy, giving up an argument will be his last resolution.


"Thunder, sa labas mo nalang ako ng condo ko hintayin." may kalakasan kong sabi at dapat lang na sundin niya iyon kundi ay baka mabigyan 'ko siya ng black eye. Ayoko namang lumabas nang nandoon siya habang twalya lang ang naka balot sa akin. Kahit naman pinsan ko siya ay lalake parin ang mokong na 'yon.


Nag balot na ako ng twalya sa katawan saka lumabas ng banyo at paglabas ko ay wala na si Thunder doon. May nakita naman akong uniform na nakapatong sa kama 'ko. Napangisi nalang tuloy ako habang tinitingnan ang design ng uniform pero agad na napalitan ng pagsimangot dahil sa length ng palda.


Hindi panget ang design ng uniform. Actually, maganda siya pero sobrang iksi naman ng palda. Above the knee siya pero kahit na hindi siya ganon kaiksi ay hindi parin ako sanay magsuot ng mga ganito.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon