Chapter 41

17.2K 549 34
                                    

||Kira||



"Ayos ka lang pre?" tanong ni Charlie kay Dylan na merong mga maliliit ng sugat sa mukha. Sumimangot naman kaagad si Dylan at hindi nakatakas sa pandinig 'ko ang mahinang hagikhik ni Alex.


"Oo." sagot nito kahit na naka simangot.


Nang sumabog ang building ay sinundo 'ko sila gamit ang isang Van. Tinadtad pa nga nila ako ng tanong kung saan ba ko nagpunta at kung ano bang ginawa ko pero ang sinabi 'ko lang sa kanila ay may importante kong ginawa. Which is true.


"Akala ko talaga mamatay na ako nun!" sabi ni Yuki habang kumakain ng kitkat. Silang lahat ay nakaupo sa likuran habang ang nasa harapan ay kami ni Kevin. Minaneho 'ko yung sasakyan papunta pero sabi ni Kevin ay siya na daw ang mag da-drive kaya siya ang driver namin ngayon.


"Gosh. Buti nalang talaga ay maganda ako." sabi naman ni Cassidy habang tinitingnan ang sarili sa salaminan ng hawak niya.


Napatingin naman ako sa katabi 'ko na nakatingin lang sa harapan dahil siya nga ang nagmamaneho. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat. I want to tell him that i already remember him. Pero alam kong hindi ito ang oras para doon. Kailangan muna naming hanapin si Clerick at ang mom at mga kapatid ni Dylan.


Mula sa salamin review mirror ay tiningnan 'ko si Dylan. Alam kaya niyang hindi siya anak ni Clerick?


"So, saan tayo pupunta?" tanong ni Johann na ikinatangin ko sa kanya pero pagtingin ko dito ay nakatingin ito sa akin at saka ko lang napagtanto na hindi lang siya kundi silang lahat except kay Kevin na nagmamaneho.


"Bakit sa akin kayo nakatingin?" kunot noo 'kong tanong sa kanila.


"Duh. Ikaw kaya ang parang taga plano namin ngayon kahit di namin alam kung saan mo ba natutunan lahat ng 'to." maarteng sabi ni Cassidy at ngumiwi naman ako .


"Tumuloy muna kayo sa bahay ko." sabi ko nalang. Pero hindi ko sila patutuluyin sa condo 'ko kundi sa isa sa mga bahay na pagmamay ari ko. Delikado rin kasi kung maghihiwalay pa kami. There's a 45% that one of us will get attacked once we got separate from each other. Alam ko kasing may hawak na alas si Clerick. The cards.


"Bahay mo? Baka hindi kami kasya doon." sabi ni Dylan.


"Sa mansion nalang kaya ni Lei?"
Suggestion naman ni Johann.


"Malaki yung bahay ko. Kasya tayong lahat." sabi ko at tumahimik naman na sila. Sinabi ko kaagad kay Kevin ang location ng bahay ko kaya nagsimula na itong magmaneho papunta doon. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng sasakyan dahil wala naman akong magawa.


Napapikit ako. Im already getting tired.


Una ay ang pagbabalik si Trey tapos ngayon ay dadagdag pa itong si Clerick at ang Three Star Mafia sa mga iisipan ko. Isama mo pa ang Cards na tinutulungan si Clerick. They wont really be that much of a bother, malakas ang confidence ko na kayang kaya silang talunin nina Kevin.


"Kira. Sure ka bang eto yung place?" tanong bigla ni Charlie habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa loob na kami ngayon ng isang subdivision. Puro malalaking bahay ang nandito dahil mga mayayaman talaga ang nakatira dito.


"Yes." sagot ko nalang.


Maya maya lang ay tumigil na kami sa tapat ng isang napakalaking mansion. Mas malaki ito kumpara sa mga ibang malalaking bahay na nandito.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon