Chapter 9

38.9K 1.2K 83
                                    

Kira’s POV

“Kainis naman oh, bakit ba ayaw mag bukas nitong account ko?”

“Wait, baka naman mabagal yung net ko--pero di naman eh. Eh bakit ganito to? Nakakaini--wait, bakit ba ako nagsasalitang mag isa?” napatampal nalang ako ng noo ko. Nasa may apartment ko na ako ngayon at nakaupo sa harapan ng computer ko.

Sinusubukan kong mag online sa BlackNet pero hindi ko magawa sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Hindi naman mabagal ang net ko dito sa apartment, mabilis pa nga to ehh. Napatigil naman ako nang may ma-realize. Hindi kaya may pumipigil sa akin na mag online? Napangisi ako. Bakit hindi ko kaagad naisip iyon? Tch, pumupurol na ata ang utak ko.

Nagsimula na akong akong pumindot ng kung ano ano sa computer ko hanggang sa may nakita akong pangalan. Bullet. Napa ‘Psh’ nalang ako. Ang Bullet ay hindi totoong pangalan, isa lang yang codename at ang codename na yan ay isa sa mga pinaka iinisan ko. Lagi niyang hina-hack ang system ko sa tuwing mag o-online ako.

Wala pang isang minuto ay nagawa ko nang i-hack ang system niya kaya naman nakapag online na ako.

Sigurado ako na nanlalaki na ang mga mata ng Bullet na yun ngayon at napapamura nalang. Pinatigil ko lang naman yung computer or device na ginagamit niya pero mga 30 minutes lang yon at magagamit niya na ulit ’yon. Nakita ko naman na may mga nag message sa akin.


****

From: Silent Nerd.
Jade! Nasaan kanang bruha ka? Bakit hindi kana nag o-online? Bumalik kana dahil ako na ang laging binibwiset ni Sapphire.

From: Sapphire.

Hey, bitch. Where the hell are you? Bigla bigla ka nalang hindi mag o-online. Nakaka punyeta to.

From: Grim Reaper.

Saan kana Jade? Hindi kana nag o-online. Miss kana ng grupo. Miss narin kitang asarin, haha.

From: Sapphire.

Bruha! Ano wala man lang reply? Na tigok kana ba diyan at di kana nag o-online? Masasapak kita kapag nagkita na tayo sa real life. Tengene nito.

From: Zeus.

Jade, anong ginagawa mo? Bakit di kana ang o-online? Baka may ginagawa kang kalokohan diyan?

From: Sapphire.

Hoy, Jadeeeee! Bruhang to, four weeks na wala parin akong reply! Pag nakita talaga kita bibigyan kita ng combo kick ko. Wengya to eh, baka naman deadbols kana diyan ah? Di ka pedeng mamatay. Ako dapat ang papatay sayo.

****

Napa face palm nalang ako habang binabasa ko yung mga message nila sa akin lalo na yung kay Sapphire. Sila yung mga kaibigan ko dito sa BlackNet at lahat ng nandito o gunagamit ng BlackNet ay hindi rin mga ordinaryong tao o yung mga basta basta lang.

Onti lang ang mga nakaka alam ng BlackNet. Mga assassins, yakuza, mafia, gangsters, hacker at iba pa ang mga nakakaalam lang ng tungkol dito, may rule din kasi na bawal ipagsabi, ipagkalat o sabihin sa iba ang tungkol dito kundi ay bibigyan ka ng parusa, parusa ng kamatayan. Walang nakaka alam kung sinong gumawa nitong BlackNet pero totoo daw itong parusa ng kamatay dahil may nag tangka nang suwayin ito dati at bigla nalang nawala na parang bula yung lumabag sa rule na yon, bigla nalang siyang nag laho sa BlackNet at pag sinabi kong naglaho, nawala nalang bigla yung account niya.

Gusto ko sanang subukan na labagin yung rule pero wag nalang rin. Hindi sa ayokong mamatay o takot ako, ayoko lang ng gulo sa ngayon. Haha.

Hindi ako takot mamatay dahil handang handa na akong mamatay bago palang ako pumasok sa magulong mundo na’to, handa na akong mamatay bago pa ako pumasok sa mundo ng mga mafia, assassins, gangsters, yakuza at iba pa dahil sa mundong ito, bawal ang mga mahihina. Bawal ang mga duwag at talunan. Bawal ang mga mababait.

In this world, you need to be dauntless. You need to be heartless and strong. Because this is a world where only the strongest remains.


“Tao po!” napatingin ako sa may bandang door way ko nang marinig ko ang boses ni Thunder, napatingin ako sa orasan. 5:30pm na pala, uwian na ng Elite University.

“Bakit di mo ako pinag buksan?” Napa irap ako dahil nasa harapan ko na si Thunder. Bakit ba ang bilis ng oras? Iingay na ulit tuloy dito sa apartment ko dahil nandito na ulit ang asungot na’to. Haha.

“May kamay ka kaya at hindi rin naman naka lock yung pinto ko kaya nga nandito kana sa harapan ko ngayon” sabi ko at inirapan naman ako nito saka umupo sa kama ko. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo dito sa upuan na nasa harap ng computer ko saka tumabi sa kanya.

“Umamin ka nga, bakla kaba?” seryoso kong tanong sa kanya at nanlalaki naman ang mga mata nitong tiningnan ako.

“Baliw! Ano? Ako bakla? Aba, mas lalake pa ako sa lalake eh! Tsaka maraming babaeng magluluksa pag naging bakla ako. Tch, sa pogi kong to magiging bakla ako?” sabi nito at kulang nalang ay liparin na ako sa kahanginang taglay niya.

“Wow, hangin nito. Sabihin mo maraming babae ang magsasaya. Ikaw pogi? Saang banda? Sa paa?” pang aasar ko sa kanya at sinamaan naman ako ng tingin ng mokong saka nagsimula nang dumaldal nang dumaldal pero di ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya dahil nasa pinto ng banyo ko ang atensyon ko ngayon.

Imagination ko lang ba ’yon o talagang may nakita akong taong nakasilip doon? Nakaawang kasi ng kaunti yung pinto ng banyo ko dito.

Tiningnan ko si Thunder na patuloy parin sa pag talak.

“Thunder, bili mo ako ng ice cream” utos ko sa kanya at magrereklamo pa sana siya nang samaan ko siya ng tingin kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis dito at bilhan ako ng ice cream. Palusot ko lang talaga iyon para umalis siya saglit dito.

Lumakad ako papunta sa harap ng pintuan ng banyo ko dito. “Hey jerk, i know your there” malamig kong sabi kasabay nang pagkawala ng emosyon sa mukha ko.

Bigla namang bumukas nang maluwag yung pintuan at may tatama dapat sa akin na dagger pero naiwasan ko ’yon. Napa atras ako habang sinasangga ang mga suntok at sipa nitong lalakeng naka mask ang buong mukha.

Akmang susuntukin ako nito sa mukha nang masalo ko ang kamao niya saka ko iyon pinilipit sa likod niya, hinawakan ko rin yung isa pa niyang kamay kaya naman ang nangyari ay nakasubsob na siya ngayon sa sahig habang nakaupo ako sa likuran niya at hawak hawak yung dalawang kamay niya.


“Who are you?” malamig kong tanong sa kanya pero wala akong nakuhang sagot kaya mas lalo ko pang hinigpitan yung pag hawak sa wrist niya dahilan para mapa sigaw at mapa mura ito sa sakit.

“Who are you and what do you need from me? Tell me or else, i will kill you” nilabas ko yung dagger ko saka ko ’yon tinutok sa leeg niya.

“N-no. Please dont k-kill me! Inutusan l-lang niya a-ako! Hindi ko pedeng sabihin kung s-sino siya dahi--aackk!” hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang isaksak ko na nang tuluyan sa leeg niya yung dagger ko at napuno  pa nga yung kamay ko ng dugo at natalsikan ng kaunti yung mukha ko sa may bandang pisnge. Madali akong kausap. If he will not tell me, then die.

Napabuntong hininga nalang ako. Ngayon kailangan ko pa tuloy linisin tong kalat na’to bago pa makabalik si Thunder. Naman oh, bakit kasi kung magpapadala sila ng tauhan eh sa mismong bahay ko pa? Dagdag kalat lang eh. Wait, pede kong chop-chapin nalang yung katawan niya tapos isilid sa sako para madali--pero kakalat yung dugo eh.


Well, meet my dark side. My brutal, cold, heartless, merciless and dauntless side of mine that you will never wish to see and meet because meeting me is like meeting your own death and messing with me is like digging your own grave.



























Sulat mula kay otor niyong abnormal pero cute: yup, cute ako. Bawal kumontra! Ipapahuli ko kay Kevin. HAHA. next chapter is Kevin POV kaya intay lang tayo! Wag lang aasa, baka masaktan xD.

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon