Chapter 7

41.2K 1.2K 22
                                    

Kira’s POV


“W-wala po akong pera”

“Anong walang pera? Dito ka nag aaral at lahat ng nag aaral dito mayayaman! Ibigay mo nalang sa akin lahat ng alahas at pera mo pati narin ang sasakyan mo!” napailing nalang ako sa isip ko. Ang kulit din ng mga holdappers na’to, kasasabi ko lang na wala akong pera eh at yup, tama kayo ng basa, mga holdappers. Tatlo kasi silang nandito. Bakit ba lagi akong nabibiktima at nadadamay sa mga holdapan? Ang pinag kaiba, itong mga nanghoholdap na’to sakin nga-yon ay walang mask di tulad nung isang beses na may suot na mga mask yung mga holdaper.



“Hindi a-ako nagsisinungaling, w-wala po talaga akong p-pera” sabi ko ulit.



“Wag mo kaming pinaglololoko, ibigay mo na ang pera mo kundi ay malilintikan ka sa amin!” kuya, ilang beses ka bang inire ng nanay mo at napakakulit mo? Sabing wala kasing pera eh! Pag ako naubusan ng pasensiya sa mga to, uupakan ko na talaga sila. Bad day and bad mood na nga ako tapos dadagdag pa sila. Nag labas sila ng kutsilyo at ngumisi  kahit di naman bagay sakanila, lalo lang silang pumapangit.


“Ano nerdy?! Ibibigay mo ba o hindi?!” sigaw nung pinaka malapit sa akin. Naubos naman na ang pasensiya ko at naisip nang sipain siya pero bago ko pa siya masipa ay nakahilata na ito sa sahig, may nakatusok na needle sa leeg nito. Sleeping needle.
Napatingin naman ako sa taong nag bato nung sleeping needle na unti unting naglalakad palapit sa akin. Aura palang nito siguradong mangangatog kana sa takot.



“Leave. Leave before i f*cking kill all of you” malamig pa sa yelo na sabi nito pero sa akin nakatingin. Hindi niya inalis yung malamig niyang tingin sa akin hanngang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin habang yung dalawang holdaper naman na natiti-rang nakatayo pa ay tila natulala at natuklaw ng ahas.




“Hindi niyo ba ako narinig? I said leave, umalis kayo kung ayaw niyong mamatay at malibing ng maaga” kalmado ngunit nakakakilabot na sabi nito at hindi naman magkanda-ugaga yung dalawang holdaper sa pagtakbo paalis habang buhat buhat yung kasamahan nilang nawalan ng malay.



“Kevin” tawag ko sa pangalan niya.



“Anong ginagawa mo dito? Oras pa ng klase” malamig na tanong nito.




“Masama kasi yung pakiramdam ko kaya uuwi nalang ako, thanks for saving me from those holdapers” sincere kong sabi at pilit siyang nginitian. Tumango nalang naman ito saka ako tinitigan sa mata kaya napatitig rin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mga mata nitong kulay itim. Itim na itim ito at sa pagkakaalam ko rare ang ganito dahil minsan kahit itim ang mata ng isang tao may halo parin itong kaunting brown.


Nakakalunod yung mga tingin niya, parang tumatagos siya sa buong pagkatao mo.


“U-una na ako” Sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko iyon sinadiya, talagang nautal talaga ako sa hindi ko malamang dahilan. Damn. Hindi ako ganito. Ito ang unang beses na nautal ako ng dahil sa isang tao, ng dahil sa isang lalake.



Mabilis ko siyang iniwan doon sa parking lot at sobrang bilis parin ng pag lakad ko hanggang makarating na ako sa labas ng University. Great, ngayon kailangan kong mag commute. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang ang sarap tuloy batukan ng sarili ko. Napabuntong hininga nalang ako. Get a grip of yourself Kira. This is not you. Hindi ako ganito. Tinampal tamal ko ang sarili kong pisnge saka napabuntong hininga ulit. May problema talaga ata sa akin ngayon. Hindi ko nakontrol ng masyado ang emosyon ko ngayong araw.


Napabuntong hininga nalang ulit ako saka pumunta sa may kanto dito kung nasaan ang sakayan ng nga tricycle.


Sumakay na ako ng tricycle at sinabi kay manong kung saan ako pupunta hanggang sa nakarating na ako ng apartment ko. Agad akong sumalam-pak sa kama ko saka ko ipinikit ang mga mata ko hanngang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.


“Sh*t. Bilisan natin, paparating na sila!” rinig kong sabi ng isang boses lalake. Nakakarinig ako ng mga putok ng baril at gusto ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.


“Mauna kana Doc. Reyez, kami nang bahala dito” Rinig kong sabi ulit ng isa pang boses. Hindi ko man maidilat ang mga mata ko ay sigurado akong nagkakagulo ngayon sa paligid ko.


“Pero Doc. Sanchez!” Rinig ko namang sabi ng isang babaeng boses at sa isang iglap bigla nalang lumiwanag ang lahat at nakita ko ang isang batang babae na punong puno ng dugo ang katawan. Meron itong malade-monyong ngisi at punong puno rin ng bangkay ang paligid. A-anong nangyayari?


Napaartas nalang ako nang humarap at tumingin sa akin yung batang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanton kung sino ito.


Unti unti itong lumapit sa akin habang meron paring malademonyong ngisi sa mga labi. Nakangisi ito ngunit wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mga mata nito.


Halos mapaupo na ako sa sahig habang papalapit siya ng papalapit sa akin at ako naman ay unti unting naatras. Damn. Ito ang unang pagkakataon na natakot ako. Ramdam na ramdam ko yung sarili ko na nanginginig. Sh/t.


Just what the hell is happening?!


“Your scared? Hihi” kinilabutan ako sa boses nito at ang mas nakakatakot pa ay ang fact na iisa lang kami ng katauhan. Ang batang babae lang naman na’to na nasa harap ko ay ang batang ako. Muli akong napatingin sa paligid namin. Pinapalibutan kami ng mga bangkay at punong puno ng dugo ang sahig at mga pader dito. Ang batang babae ba na’to ang dahilan sa lahat ng ito? Ako ba? Ako ba ang may kasalanan ng lahat ng ’to?




“You dont remember? Im the one who killed all of them. Iisa lang tayo at ang ibig sabihin nun ay ikaw rin ang pumatay sakanila” sabi nito at malademonyong tumawa. Bullsh/t. Sumasakit na ang ulo sa kakaisip kung ano bang nangyayari at kung ano bang pinagsasabi nitong batang kaharap ko--nitong batang ako.


I didn't killed them! I--“Kira..!”


“Panget!” nagmulat ako ng mga mata at mukha agad ni Thunder ang sumalubong sa akin kaya naman natulak ko siya. Ayun, napaupo sa sahig ang loko habang masamang nakatingin sa akin kaya napa peace sign nalang ako. Siya rin naman may kasalanan ehh, ginulat niya ako.


“Kainis ka ah! Nga pala, anong pinapanaginipan mo at pawis na pawis ka kanina?” parang naging statue naman ako sa pwesto ko at natigila.


Bigla nalang rin rumihistro sa isip ko yung batang ako at yung kapaligiran namin na punong puno ng mga bangkay. Napalunok ako saka napakuyom nalang ng kamao. Anong ibig sabihin ng panaginip na ’yon? Ugh, pakiramdam ko tuloy ay hinahabol na ako ng madilim kong nakaraan.



“Wala lang yon, chismoso mo talaga” sabi ko nalang at sinimangutan naman niya ako. Tch, totoo naman yung sinabi ko ahh? Haha.

























Sulat mula sa otor niyong tamad na, abnormal pa: what's up madlang people?! Are you ready to party?! xD. Okay, seryoso na. Wala naman po akong masasabi sa ngayon dahil lutang ako. Maraming salamat po sa pagbabasa! Labyu! HAHA.











Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon