Chapter 35

19.6K 568 14
                                    

||Kira||



"Bakit niyo sinusunod si Trey?"

"Dahil gusto namin." sagot naman ni Felix na siyang nakapagpainis sa'kin lalo na at nakangiti pa ito.

"Gusto niyo..?" patanong na bulong 'ko nalang habang pinipilit na pigilan ang sarili na sumigaw. "Wala akong panahon makipagsinungalingan. Sabihin niyo ang totoo." madiin kong sabi habang nakayuko dahil pinipilit 'kong kontrolin ang emosyon ko. Hindi maganda kung hahayaan kong kontrolin ako nito.


"But were not lying, were doing this on our own will. Hindi dahil inutos ni Trey." rinig 'ko namang sabi ni Andrea.


"Kung magsisinungaling kayo, wag sa'kin. You guys know, ayoko sa mga sinungaling." malamig na sabi 'ko. Sinabi ko sakanila noon sa laboratory na ayoko sa mga sinungaling. Alam 'ko naman na ayaw nila 'tong ginagawa nila at napipilitan lang sila dahil kay Trey.


"Nagsasabi kami ng toto—."


"Damn! Just tell me the truth!" halos pasigaw ko nang sabi sakanila sabay angat ng ulo 'ko at tiningnan sila nang daretsyo sa mata.


Hindi ako yung tipong pikunin at palasigaw. Im always calm, pero iba ngayon. Right now, i cant calm down. Feeling 'ko ano mang oras ay di ko makokontrol itong mga emosyon ko lalo na at involve ang mga taong mahal 'ko.


Mahalaga sa akin sina Andrea at Felix, parang tunay na kapatid na ang turing ko sa kanilang dalawa. Gaga-win ko ang lahat ng makakaya 'ko para matulungan sila at makaalis sa pagkakasakal ni Trey. Gagawin 'ko kahit ang kapalit pa nito ay ang buhay ko.


"Your eyes.. Its red." napakurap kurap ako sa sinabi ni Felix saka huminga ng malalim. Kumalma ka, Akira.


"Hindi niyo na kailangang sundin si Trey. Ililigtas ko ang mga magu—."


"Shut up! Sinusunod namin si Trey dahil gusto namin!" putol ni Felix sa sinasabi ko. Binato ako nito ng kunai na naiwasan ko naman. Sinalag ko yung sipa niyang dapat tatama sa mukha 'ko saka ako tumambling paatras sa kanya. Napayuko naman ako nang maramdamang nasa likod ko na pala si Andrea at handa akong suntokin.


"Tumigil na kayo!" sabi ko pero mukhang wala talaga silang balak na tumigil at pakinggan ako.


Napangiwi ako nang maramdaman ang likidong tumutulo sa kaliwang pisnge 'ko dahil hindi ko naiwasan yung patalim na ibinato ni Felix. Sinalag ko yung suntok ni Felix saka ko siya sinuntok sa sikmura dahilan para mapaatras siya ng kaonti.


Hinawakan ko naman yung binti ni Andrea para mapigil yung pag sipa niya sa akin saka ko siya tinulak dahilan para mawalan siya ng balanse. Pero mabilis nitong hinawakan 'yong braso ko dahilan para mawalan din ako ng balanse at napamura nalang ako nang maramdamang nasa likuran ko na si Felix.


Tatayo na dapat ako pero sinipa ako nito saka pinagdikit at mahigpit na hinawakan yung dalawang kamay 'ko. Nakaupo siya sa gilid ko habang si Andrea naman ay nakatayo na sa tabi niya.


"Sumama ka nalang sa amin." may inilabas na needle si Felix at sigurado 'kong isa itong sleeping needle. Hindi naman na ako pumalag. Sasama nalang ako, sa ganitong paraan ay malalaman 'ko din kung nasaan ang base nila. Tatakas nalang ako kapag nalaman ko na kung anong plano ni Trey.


Ituturok na sana ni Felix sa leeg ko yung sleeping needle nang, "F'ck." napamura si Felix at nabitawan 'yong sleeping needle. Napatingin ako sa taong bumaril sa kamay ni Felix at pakiramdam ko ay naistatwa ako sa kinalalagyan 'ko.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon