Chapter 38

17.8K 559 21
                                    

||Kira||




"So, anong meron?" taas kilay na tanong ni Cassidy. Were currently in the Kings HQ. Matapos silang tawagan ni Dylan ay dumating na din sila matapos lang ang ilang minuto. Muntik pa nga 'kong matawa kanina dahil nung dumating sina Alex, Yuki at Cassidy ay pareparehas silang nakasimangot.


Siguradong nag away nanaman sila.


"Well.. Ahh—.. I.." tula di matuloy tuloy na sabi ni Dylan na hindi alam kung saan titingin. Naalala 'ko tuloy yung kaninang tinawagan niya si Alex. Mukha siyang manliligaw na hiyang hiya sa crush niya. Torpe kumbaga.


"Help us." walang paligoy ligoy na sabi naman ni Kevin na siyang kinatingin naming lahat sa kanya.
Naghintay ako ng ilang segundo para tingnan kung may idudugtong pa siya sa sinabi niya pero napa 'tsk' nalang ako dahil wala na'tong sinabi pa.


Pabitin talaga eh.


"Dylan's mom and siblings are in danger. Kailangan namin ng tulong niyo para iligtas sila." ako na ang nagpatuloy dahil nahiya naman ako kay manyak. Napatingin naman sila sa akin habang nakakunot ang noo. Sigurado akong nagtataka sila kung bakit ba nandito ako ay di hamak na nerd lamang ako.


"Mamaya na kayo magtanong. Kailangan na muna nating mag plano." malamig na sabi ni Kevin na ikinatango 'ko naman. Wala kaming oras ngayon para sa question and answer portion.


"Teka nga, sino ba kasing may sabi na tutulong kami ah? Eh bigla nalang kami hinila nitong ni bruha dito eh." masungit na sabi naman ni Cassidy habang si Yuki ay tahimik lang. Kay subo subo kasing lollipop.


"Cassidy na—"


"Di ikaw ang kausap ko." napatahimik naman si Johann dahil sa harsh na pagsabi non ni Cassidy at napa facepalm nalang naman ako sa isip 'ko. This meeting is not going anywhere, pakiramday ko'y patuloy pa rin silang mag aaway away hangga't wala kaming ginagawa.


"At paano naman kami makakatulong sa inyo?" tanong naman ni Yuki at tila may na-realize naman sina Charlie. Hindi gangster o ano pa man sina Yuki, sigurado akong 'yan ang iniisip nila. Tiningnan ako nina Kevin at Dylan dahil ako ang nagsabing papuntahin sila dito.


Napabuntong hininga naman ako.


"You might not believe what im about to say but all i will speak is just the truth." seryoso kong sabi at pakiramdam ko naman ay medyo naging tense sila, "Nakikita niyo naman sina Cassidy minsan na naglalaban hindi ba?" tanong 'ko kayna Kevin na ikinatango naman nila. Obviously. Sino ba naman di makakakita non eh halos buong Elite University ata viewer nila kapag naglalaban.


"Sa tingin niyo, bakit ang gagaling nila lumaban? Bakit marunong silang gumamit ng mga armas?" tanong ko pa. Napaisip namab sila at naramdaman ko naman na biglang kinabahan ang tatlong babae. Siguradong medyo napaisip din sila kung bakit nga ba ang gagaling lumaban nung iba.


I dont really want to do this. Pero kung ito lang 'yong paraan para masulusyan itong problemang 'to ay go na go ako. Ahh, ayoko pang tapusin ang pagtatago nila ng identity nila.


"That's because they are the Queens."


There, in-end ko na.


Silence.


"Ahaha! Ang gandang biro niyan Kira! Grabe, nakakatawa talaga!" hagalpak ng tawa ni Charlie pero tumigil nang mapansing siya lang ang maingay. Gulat ang ekspresyon nina Johann at Dylan habang si Kevin naman ay parang wala lang.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon