Chapter 22

27.9K 844 23
                                    

Kira’s POV


"Kakakain lang natin kanina pero nandito ulit tayo sa cafeteria." sabi ni Thunder kayna Johann. Nasa cafeteria kaming lahat ngayon at kapag sinabi kong lahat, kasama sina Cassidy. Nasa isang malaking lamesa kami dito at pinagtitinginan at bulungan na kami ng mga estudiyante.

"Okay lang yan, tingnan mo nga 'tong si Charlie nakain pa rin ng chocolate." sabi naman ni Dylan. Napatingin naman ako sa katabi kong tahimik lang na nakain. Tsk. Itong Kevin na'to. Nakain na at lahat pero wala pa ring ekspresyon ang mukha.

"Bakit nga ba nasa iisang table tayong lahat?" nakataas ang kilay naman na tanong ni Cassidy.

"Ewan. Arte mo talagang babae ka, maganda nga 'to eh. Sabi nga nila mas marami mas maganda." sagot naman ni Yuki sa kanya. Lagi nalang nag aaway 'tong dalawang to.

Napatingin naman ako kay Alex na tahimik lang din na nakain. Parang siya lang din mag isa at walang paki elam sa paligid niya. Napatingin naman ako sa table di kalayuan sa amin.

Lumamig agad yung ekspresyon ng mukha ko nang makitang nakatingin din pala sa akin sina Andrea at Felix. Nginisian ako ng dalawa at ibinalik nalang ang focus sa pagkain nila. Tsk. Those two, kailangan ko agad malaman kung bakit sila nandito.

Base on their action mukhang ako yung dahilan. There's a big possibility na ako nga yung dahilan o sadyang nandito lang sila para mag aral ng tahimik.

"Pinsan, lalamig na yang soup mo!" napatingin naman ako kay Thunder nang magsalita siya saka napatingin sa soup ko. Kumain naman na ako kasi baka nga lumamig, sabi nga nila masamang pinaghihintay ang pagkain.

"Kira, malabo ba talaga yang mata mo o trip mo lang mag salamin?" tanong ni bigla Dylan at nag kibit balikat nalang ako. Pero syempre disguise ko lang itong salamin, hindi lang naman talaga 'to basta basta na salamin. This glasses is personally made by me.

Kaya nitong makita at malaman ang background ng isang tao. It has a super small switch at yun yung pipindutin mo para ma-activate. Hindi ko lang ginagamit pa dahil wala naman akong pag gagamitan.

Pede ko siyang gamitin kayna Felix but no, ibang paraan nalang ang gagamitin ko para malaman yung pakay nila.

"Eh ikaw Johann panget, malabo ba talaga yang mata mo?" tanong ni Cassidy kay Johann.

"Yes and please, stop calling me panget. Hindi ako panget." sagot naman ni Johann at tumaas naman yung kilay ni Cassidy. Tsk. May mag aaway.

"So sinasabi mong pogi ka? Kapal ka, panget ka kaya!" mataray na sabi ni Cassidy dito at nangunot naman yung noo ni Johann saka matalim na tiningnan si Cassidy na hindi naman nagpatalo. Sinamaan rin niya ng tingin si Johann.

"Im not, im handsome. Maraming babae nga yung nahuhumaling sa akin. Baka bulag ka at hindi mo makita iyon." sabi ni Johann. Well, totoo naman yung sinasabi niya. Pogi nga naman siya at maraming babae ang naghahabol sa kanya.

"Oy, tigil niyo na yan! Baka mamaya magbatuhan na kayo ng pagkain, eh. Sayang naman yung mga ibabato niyo." singit naman ni Charlie pero nagsalita rin si Yuki.

"Hayaan mo nga sila! Pakielamero ka rin, eh." sinamaan naman siya ng tingin ni Charlie at itinuro pa talaga niya si Yuki gamit yung tinidor na hawak niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapa poker face sakanila. Promise, pag ako nainis sakanila mag handa na silang tumakbo.

"Che! Eh sa gusto ko makielam eh. Tsaka ang bad mo talaga! Lagi mo nalang aking inaaway. Hmp!" hindi ko nalang pinansin yung bangayan nila. Napatingin naman ako kay Thunder na busy sa kinakain niya.

Napabuntong hininga nalang tuloy ako sa isip ko. Paano ba nangyaring napasama ako sa mga 'to? Tsk.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo kaya naman napatingin silang lahat sa'kin,"Ms. Ganda, saan ka pupunta?!/ Oy pinsan!/ Nerd!/ Kira!" sabay sabay nilang tawag sa'kin nang mag lakad ako papaalis ng cafeteria pero di ko sila nilingon at hanggang sa makaalis na ako.

Pumunta nalang ako sa may garden ng school saka umakyat sa puno doon. Hays, ang boring. Napatingin ako sa cellphone ko at nangunot ang noo ko nang makitang may nag message. Tiningnan ko 'yon.


From: 09520943323
           Unknown number

I can see your every move, 01. Sobrang saya ko, hindi ko alam na magkasama pala kayo ni 02. Its like i was hitting two birds in one stone.



Saglit akong natulala. Siya 'to walang duda. Pero ayan nanaman yang 02 na 'yan. Napaka pamilyar niya takaga sa akin pero hindi ko maalala. Kung sino man yang si 02, kailangan kong alamin kung sino siya at kung anong koneksyon niya sa akin dahil ang sabi dito sa text ay magkasama daw kami.


Hindi na ako nag abalang tumingin pa sa paligid ko para tingnan kung may nakatingin nga ba o nagmamasid sa'kin. Nararamdaman ko naman eh. Tsk. Ever since tumawag siya sa akin ay alam ko nang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.


Sorry nalang siya dahil maingat at matalino ako.


"Long time no see, ate Kira." napatingin ako sa baba ng puno at nakita ko naman doon si Felix and promise, ang sarap sapakin ng mukha niya dahil nakakainis yung ngisi niya.

"What do you need?" tanong ko saka bumaba mula sa puno. Nilapitan naman ako nito saka inakbayan at hindi naman ako kumilos.


"Ate naman, wala man lang bang ‘i miss you lil bro’ diyan?" Napayukom ako ng kamao. Siya ang itinuring kong nakababatang kapatid pati na rin si Andrea nung nasa laboratory pa kami. Hindi lang naman kasi ako yung batang kinuha nila, marami kami doon. At lahat kami mga guinea pig nila. Mga laruan nila. Mga subject.

"Im serious Felix. Anong ginagawa niyo dito ng kapatid mo?" tanong ko ngunit hinalikan ako nito sa pisnge saka ako ngitian at iniwan nang mag isa. Hindi na ako magugulat sa pag halik niya sa pisnge ko, lagi naman niyang ginagawa sa'kin yon dati.

Nagawa naming makatakas noon nang dahil sa'kin. At nang dahil na rin sa mga puli. Nalaman kasi ng mga pulisiya kung nasaan ang laboratory, tinulungan nila kami pero nakatakas yung mga ibang scientists. Naaalala ko pa kung paano ko sila pinatay gamit lang ang mga kamay ko. Tsk.



Napabuntong hininga ako. Pupunta nalang ako sa Underworld mamaya.



























Sulat mula kay abnormal na otor:
Gabing gabi na gising na gising pa rin ako! May exam pa naman kami bukas xD. Pasensiya na sa mga typos and wrong grammar. Maraming salamat po sa pagbabasa! Labyu!

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon