Chapter 20

30.9K 900 62
                                    

Kira’s POV




"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko. Were in the school garden, hindi ko alam kung ano naisipan ni Kevin at dinala niya pa ako dito. Siguro ay importante ang sasabihin niya sa akin na kailangan ay kaming dalawa lang talaga.



"I just want to ask you some questions." malamig na sabi nito at nangunot naman ang noo ko pero agad ding napatango. "Shoot." sabi ko.



"H-hindi mo ba ako kilala?" tanong nito sa akin at hindi ko lang kung saan ako nagulat. Kung sa fact ba na nautal siya o dahil sa itinanong niya sa akin. Sira ata 'tong lalakeng to eh, malamang kilala ko siya. Hindi naman ako magpapahila sa kanya ng ganito kung hindi ko siya kilala. Tch.



"Hey, i know what your thinking. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo ba ako kilala o namumukhaan bago ako pinakilala ni Dylan sayo?" and again, mediyo nagulat nanaman ako dahil ang haba ng sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na ‘May himala!’ pero wag nalang, baka magalit sa'kin eh. Sarap ko tuloy batukan sa mga pinag iiisip ko.



"No. Bakit? Nagkakilala na ba tayo dati pa?" kunot noo at nagtataka kong tanong dito. Napaiwas naman ito ng tingin saka umiling.



Napailing nalang ako sa isip ko. May nakain ata tong lalakeng 'to, bigla nalang naging kakaiba yung kilos niya eh. Hindi naman yan ganito, hindi siya yung tipo na iiwas ng tingin. Siya yung titingnan ka ng malamig sa mga mata.



Tinanong niya pa kung mamumukhaan ko ba siya. Weird.


"Umamin ka nga Kevin.." napatingin ito sa akin na para bang iniintay yung sasabihin ko.



"Naka.. Langhap ka ba ng katol?" pa seryoso kong tanong dito at muntik na akong humagalpak ng tawa nang umawang pa ang bibig nito ng kaunti habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Sinamaan ako nito ng tingin.



"Crazy." sabi nito pero tinawanan ko lang siya. Nakakatawa din 'tong lalakeng to kahit sobrang lamig ng pakikitungo. Pikunin din kasi.



"But, sigurado ka ba na hindi ko talaga ako kilala noon pa? Wala ka bang naalala tungkol sa akin?" kunot noo at seryosong tanong ulit nito sa akin. He's being weird again. Ang random ng tinatanong niya.





“01, mangako ka sa'kin. Ipangako mo na magiging ligtas ka, na parehas tayong makakalabas ng buhay dito.”

“Pangako, 02. Sabay tayong aalis sa impyernong 'to ng buhay.”




Napapikit ako bigla ng makarinig ng boses sa utak ko. "Are you okay?" lumapit sa akin si Kevin at marahan naman akong napatango. 02, who is she/he? Bigla nalang siyang nag pop sa isipan ko. Pero yung boses niya.. Parang kay—



"Kira." napatingin ako kay Kevin nang tawagin niya ako. Nakita ko yung pag aalala sa mga mata niya pero agad din yun naging malamig.


"Im fine." sabi ko.



"I.. I just want you to be always careful, Kira. Nasa paligid lang ang mga kalaban." sabi niya saka ako iniwang mag isa sa garden na naguguluhan. Damn Kevin, anong bang nalalaman mo? Parang ang dami mong alam tungkol sa akin. Parang matagal ko na tayong magkakilala pero hindi kita maalala.









Charlie's POV



"Lalalalala~." pakanta kanta ako habang naglalakad sa hallway, iniwan ko na sa cafeteria sina pareng Thunder dahil tapos naman na akong kumain. Ang sarap talaga ng chocolate! Gusto ko pa nga sana kumain kaya lang ay pinag bawalan na ako ni Johann, madami na daw kasi akong nakain.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon