Chapter 60

12.5K 423 8
                                    

||Kira||



"Akira!" rinig 'kong sigaw ng dalawa. Yumuko naman ako para umiwas sa atake nung isang robot pero muntik nang matumba nang may nagtangkang tumisod sa akin. Nabalanse ko ang sarili ko saka sinipa at sinuntok ang nga robot na nakapalibot sa akin.


"Are you alright? Paano ka nakatakas—bago yon, wala bang ginawa sayo yung Trey na yon?" sunod sunod naman na tanong ni Clein sa akin nang makalapit sila sa akin ni Kevin na titig na titig sa akin.


"Ask later. Kailangan muna natin makalabas dito." malamig na sabi ni Kevin pero sa'kin pa rin nakatingin. Umiwas naman ako ng tingin saka inilagan ang suntok ng robot sa kanan ko.


"Eh paano tayo lalabas dito?" tanong naman ni Clein saka binaril yung mga robot malapit sa kanya. Kahit na napapatay—nasisira namin yung mga robot ay may mga parang pintuan na bumubukas sa pader at mula doon ay lumalabas ang mga robots.


Mabilis ko namang inilibot ang paningin ko hanggang sa mag-landing 'to sa isang nakaumbok na tile sa sahig. Kahit na parehas ang itsura nito sa ibang tiles ay nakaangat ito kaya kapansin pansin.


"Push that tile." sabi ko. Mabilis namang lumapit doon sa Kevin at pinundot yon. Sabay sabay kaming napamura nang bigla nalang bumukas ang sahig na tinutung-tungan namin at malaglag.


"Akira! Akala ko ba way out yon?" pasigaw na sabi ni Clein. Hindi naman ako nagsalita. Bahagya naman akong magulat nang habang nalalaglag kami ay lumapit sa akin si Kevin saka ako niyakap ng mahigpit.


"Hoy robot, bitawan mo nga si Akira! Sa harap ko pa talaga ah! PDA!" sa halip na pansinin ang sigaw ni Clein ay mas hinigpitan lang ni Kevin ang pagkakayakap sa akin. Itutulak ko na sana siya para lumayo sa akin nang bulungan niya ako.


"Dont. I'll protect you from the fall. Kung sakaling lupa ang bagsak natin ay mapupuruhan tayo." hindi naman na ako nagsalita. Stupid. How about your own safety?


Patuloy lang kami sa pagbagsak hanggang sa tumama kami sa isang parang kutsyon.


"Ligtas na tayo! Tama na ang yakapan." sabi ni Clein. Tinulak ko naman agad si Kevin palayo sa akin saka maayos na tumayo. Umalis na rin kami sa ibabaw ng kutsyon saka tiningnan ang paligid.


"Nasaan na ba tayo? Wala akong makita, baka mamaya may kung ano diyan." sabi ni Clein. Wala kaming ibang makita kundi itim. Ang maliwanag na part lang dito at may ilaw ay 'yong kutsyon. Nanggaling sa taas yung ilaw pero di naman matukoy kung saan talaga dahil sobrang lalim na kinalalagyan namin.


"Kasasabi mo lang. Wala tayong makita kaya malamang hindi natin malalaman kung nasaan tayo." malamig na sagot naman ni Kevin.


"Aba't! Ang sama talaga ng budhi mong lalake ka. Ano bang problema mo sa akin?" inis naman sabi ni Clein. Napabuntong hininga nalang naman ako at hindi pinansin ang bangayan nila. Hindi 'to oras para magbangayan sila. Bakit ang init ng dugo nila sa isa't isa?


Muli kong tiningnan ang paligid nang may mapansin akong kumikisang sa bandang kanan. Nangunot ang noo 'ko.Maglalakad na sana ako papunta doon nang may humawak sa wrist ko.


"Saan ka pupunta? Masyadong delikado." kahit na medyo madilim ay kitang kita 'ko ang nakataas na kilay sa akin ni Clein. Magsasalita na sana ako nang bigla nalang rin hinawakan ni Kevin ang wrist ko saka yon tinangkang alisin sa pagkakahawak ni Clein na hindi naman nagpatinag.


Napabuntong hininga nalang ulit ako saka inalis ang pagkakahawak nila sa akin, "Hindi tayo makakaalis dito kung wala tayong gagawin."


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon