Epilogue

29.3K 940 215
                                    

Epilogue



"Habulin mo 'ko!" Hyper at energetic na sigaw ng batang lalake sa batang babaeng nakikipaglaro ng habul habulan sa kanya.


"Bagalan mo nga! Ang duga naman kasi sobrang bilis mo tumakbo kaysa sa akin." Nakasimangot habang nakanguso namang reklamo ng batang babae. Imbes na bagalan ng batang lalake ang takbo ay mas binilisan pa nito kaya mas lalong napasimangot ang batang babae.


"Habulan nga diba?" natatawa namang sabi ng batang lalake.


Napahikab nalang naman ako habang pinanunood ang dalawang batang naglalaro ng habul habulan. Nalipat naman ang tingin 'ko sa wrist watch na suot. 7:16. Kahit na hirap na hirap ay pinilit ko ang sariling bumangon ng mga 5:15 ng umaga para makapag handa at dumating naman ako sa park ng mga 6:45.


"Where are they?" Hindi ko mapigilang bulong sa sarili. Ang usapan ay 7:00 kami magkikita kita sa Park pero hanggon ngayon ay hindi ko pa nakikita ni-anino nila. They're late. Super.


Inilabas 'ko nalang ang cellphone mula sa backpack saka binuksan ang isa sa mga nilalaro kong puzzle game. Matapos ang ilang minuto ay nagsawa ako kaya naman muli kong tiningnan ang orasan na suot. 7:20. Napabun-tong hininga nalang ako. Ano bang ginagawa nila? Lalakad na sana ako paalis na Park nang bigla nalang may tumawag sa akin.


"Kira! Nandito na kami!" Napalingon ako at may nakitang malaking van na kulay puti. Bumukas ang bintana noon at nakita ko si Charlie na nakangiti habang kumakaway kaway sa akin.


"Tera na! Excited na akong pumunta na Boracay, ano kaya magandang unang gawin?" Bumakas din yunt isa pang bintana at nakangiting mukha naman ni Yuki ang nakita ko. Mabilis naman akong lumapit papalapit sa van. Pinagbuksan nila ako ng pintuan kaya kaagad akong sumakay sa loob.


"Bakit ngayon lang kayo?" Malamig kong tanong sa kanila nang simulan nang paandarin ng driver na ini-hire namin ang sasakyan.


"Sorry pinsan, nakalimutan kasi namin sa bahay ni Johann yung camera." Sabi ni Dylan at napatango nalang naman ako.


"Bwiset na Clein. Iwanan ba naman tayo." Masungit na sabi ni Cassidy. 2 weeks ago ay naging audience kami nina Dylan sa naging pilosopohan at sagutan nina Cassidy at Clein. Sa hindi malamang dahilan kung bakit ay para silang mga aso't pusa na hindi magkasundo.


"May gagawin daw kasi kaya nauna na sa boracay." Sabi naman ni Yuki. Bahagya naman akong nagulat nang may maramdamang mabigat sa balikat ko. Nang inilihis ko ang ulo ko ay nakita ko si Kevin na nakasandal ang ulo sa balikat ko. Hindi ko naman napigilan ang sariling pitikin ang noo niya.


"Kailan pa naging unan ang balikat ko?" Tanong ko pero hindi inalis ang pagkakasandal niya sa balikat ko.


"Ngayon lang." Sagot naman nito kaya pinitik ko ulit ang noo niya pero hindi naman siya umangal.

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon