Chapter 14

33.3K 1.1K 30
                                    

Kira’s POV



"Wag niyo nga akong tingnan." inis kong sabi kayna Dylan na wala na atang ginawa buong araw kundi ang bantayan ako. Nandito kami ngayon sa classroom at walang teacher kaya naman eto sila nakatingin—wait, kahit naman may teacher sakin parin sila nakatingin. Tsk.


"Binabantayan kalang namin baka kasi mahimatay ka nanaman." sabi ni Johan habang titig na titig parin sakin. Pigilan niyo ako baka madukot ko yung mga mata nila.


Just kidding.


"Hindi na nga kasi ako mahihimatay." sabi ko pero ang mga loko, hindi parin tumitigil sa kakatitig sa akin. Lalo na si Kevin na sobrang sarap sapakin, kulang nalang matunaw ako sa tingin niya.

"Malay mo—?" hindi ko na siya pinatapos.


"Tatahimik ka o tatahimik ka?" pagputol ko sa sasabihin ni Charlie na napatahimik naman sa sinabi ko. Malamig na yung ginamit kong boses tingnan ko lang kung hindi pa sila tumigil. Tch.


"Oy, saan ka pupunta?" tanong ni Thunder nang tumayo ako mula sa upuan ko.


"Sa impyerno. Sama kayo?" sarkastiko at malamig kong tanong sakanila at agad naman silang umiling bukod nalang kay Kevin na tahimik lang na nakatingin sa akin.


Umalis na ako ng classroom at pumunta nalang ng garden. Tsk. Bahala sila don, ang kukulit nila eh.


"You again?"

Uupo na sana ako sa bench na nandito sa garden nang may marinig akong malamig na boses. Dahan dahan pa nga akong napalingon dahil boses palang alam ko na kung sino to.

"Ahhh.. Hi? Hehe." alanganin kong sabi kay Alex na nasa terrace ng tree house niya. Sa garden dapat ako ng school pupunta hindi dito sa secret garden niya. Tsk. Wala ata ako sa sarili ko ngayon.


"Do you want to die? Sinabi ko na sayo na bawal ka dito." malamig pa sa yelo niyang sabi. Geez, para naman akong nasa antarctica nito. Bawal kaming mag sama ng babaeng to, tiyak na magyeyelo yung nasa paligid namin.


"Dont hi me—" hindi ko na siya pinatapos.


"Babye!" agad kong sabi saka kumaripas na ng takbo paalis doon at pag sinabi kong kumaripas, talagang nag ala flash ako. Aba, baka bigla niya akong batuhin ng sandamakmak ng shurikens at daggers eh.


Hingal na hingal tuloy akong napatigil sa pag takbo saka napahawak nalang sa tuhod ko. Wooh, pinagpawisan ako doon ah. Napatingin ako sa paligid. Nasa parking lot na ako at hulaan niyo kung anong nakita ko.


Walang iba kundi si Kevin. Nakasandal ito sa sasakyan niya at naninigarilyo. Hindi ko alam na naninigarilyo pala ang lalaleng to. Tsk. Hindi niya ba alam na masama ang ginagawa niya at maaga siyang mamatay dahil diyan?


"Naninigarilyo ka pala." plain kong sabi saka lumapit sa kanya at sumandal din sa sasakyan niya. Saglit lang ako nitong tininingnan saka ibinalik ulit ang tingin sa kawalan.


"Who told you na pede mong sandalan ang sasakyan ko?" tanong nito nang hindi tumutingin sa akin.


"Wala." this time, tumingin siya sa akin at promise kulang nalang patayin niya ako sa tingin niya.


"Wag mo akong pilosopohin."

"Hindi kita pinipilosopo ah, sinasagot ko ng matino yung tanong mo."

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon