Chapter 28

25.4K 718 19
                                    

Alexandra POV




Habang naglalakad ako sa hallway nitong Elite University ay nakasalubong ko si Cassidy. Isang himala lang na hindi niya ako pinansin at dirediretsyo lang siya ng lakad. Her face looks to gloomy, sad and angry at the same time. I wonder kung anong proble—tsk. Its not your business Alexandra, wag mong pakielaman ang buhay ng may buhay.


"Look who's here." napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Smiley—si Dylan. Smiley na yung tawag ko sa kanya dahil lagi siyang nakangiti, ang sarap lang burahin sa mukha niya yung ngiti niyang 'yon.



Tsk.


Hindi ko siya pinansin at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang hawakan niya yung braso ko at hilahin ako pabalik. Mediyo napalakas yung hila niya kaya naman nasubsob ako sa dibdib niya at ang loko, niyakap pa ako.



"Hand off me!" malamig kong sabi sabay tulak sa kanya. Nakangiti naman itong nag peace sign sa akin kaya mas lalo akong nainis. Hindi talaga niya iaalis sa bibig niya 'yang ngiti niya.



"Usap muna tayo, crush." nakangiti niyang sabi sa akin at pinigilan ko ang sarili ko na batuhin siya ng kunai. Crush. Iyan ang tinatawag niya sa akin dahil crush niya daw ako. Oo, crush niya daw ako at syempre hinding hindi ako maniniwala doon. Tsk. I hate mens, nakakainis sila. Mga bastos sila, manyak, manloloko at halos lahat ng kinaaayawan ko nasa kanila na.



"Kausapin mo yung sahig."

"Hindi naman makakasagot sa'kin yung sahig eh tsaka si crush ko yung gusto kong makausap."

"Stop pestering me, Smiley."

"Oh! Binigyan mo na ako ng nickname ah. Ang sweet naman ni crush."

"Ugh. Just stop talking to me."




Kapag hindi pa tumigil ang lalakeng 'to sa pangiinis sa akin ay mababato ko na talaga siya ng sandamakamak na kunai na may kasama pang shurikens. Napakakulit niya, sabing wag na akong kausapin at kulitin pero kinakausap pa rin ako.



"Kain tayo sa cafeteria, crush." yaya niya niya sa akin.



"Magsisimula na ang klase ko snd please, stop calling me crush because i know that your just playing with me." malamig kong sabi sa kanya.



"Im not playing with you Alexandra, im serious. Im serious about my feelings for you and i swear, I've never been this serious  in my entire life." nawala bigla yung ngiti niya at napalitan ng seryosong mukha. Napaatras naman ako at mediyo napalunok. Damn, that caught me off guard. Nakakainis talaga 'tong lalakeng 'to, kanina sobrang ngiti ngayon naman grabe kung makaseryoso.



"I dont care. I hate mens." baliwala kong sabi kahit sa loob loob ko ay kabaligtaran noon ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang kinakabahan rin ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung bakit.



"Look, alam ko kung bakit ka galit sa mga lalake pero hindi ako tulad ng ibang lalake. Hindi ako tulad ng tatay—." pinutol ko na yung sasabihin niya.


"Shut the fvck up! You dont know anything!" malamig kong sigaw sa kanya. He dont know anything, wala siyang karapatan na sabihin sa akin yung salitang 'tatay'.



"Alexandra, i dont want you to get angry at me. Pinaimbistiga ko lang ang background niyo ng family niyo dahil may pake ako sayo, dahil gusto pa kitang makilala." i see, pinaimbestiga pa talaga niya ako at ang pamilya ko. Damn.



"But its not right! Wala kang karapatang makielam sa buhay ko. May sariling buhay ka na dapat ayusin! I dont even know the reason why you like me." punong puno na ako sa lalakeng 'to. Wala siyang karapatan na paimbestigahan ako. He dont have the rights to know our family problem.



"I like you because i like you." sincere niyang sabi and it doesn't make sense.



"I dont like you and i will never like you." matapos kung sabihin 'yon ay mabilis ko siyang tinalikuran saka mabilis na tumakbo paalis doon.









Dylan POV



"I dont like you and i will never like you." napangiti nalang ako ng mapait nang makaalis na siya. Damn. I fvcking know about that, alam kong imposibleng i-like back niya ako pero hindi ko pa rin siya sinusukuan. Minsan lang ako magkaganito dahil sa isang babae—scratch that. Ito ang unang beses na nagkaganito ako sa isang babae.



Alam ko namang inis na inis sa akin 'yang si Alexandra lalo na sa mga ngiti ko pero ano bang magagawa ko, siya ang tinitibok nitong puso ko eh. Im willing to give up anything just to have her, handa akong isakripisiyo ang lahat para lang sa kanya. Hindi ko nga alam kung kailan ba ako nagsimulang magustuhan siya. Unang kita ko palang sa kanya noon ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.




Alam kong magagalit siya kapag pina- imbestigahan ko ang background niya at ng pamilya niya pero makulit ako eh, desperado na talaga akong malaman yung mga bagay bagay sa kanya at higit sa lahat, desperado na akong mapalapit sa kanya. Its been 3 months simula nung makilala ko siya at sa loob ng tatlong buwan na 'yon ay lagi niya akong pinagtatabuyan. Nalaman ko na galit siya sa mga lalake dahil sa tatay niya na iniwan sila. Lumaki siya na walang kinikilalang tatay at ang masaklap, namatay yung nanay niya nung bata palang siya. Ang lolo't lola niya nalang ang nag alaga sa kanya at doon din niya sinisi ang tatay siya sa pagkamatay ng nanay niya.



"Oh welcome back!" salubong sa'kin ni Charlie nang makapasok ako ng HQ namin. Sumalampak ako sa sofa katabi ni Johann na mukhang problemado din at malalim ang iniisip.



"Para naman kayong mga na-heart broken niyan eh." sabi ni Charlie at napabuntong hininga lang naman ako dahil na-heart broken talaga ako.


"Buti pa ako walang problema puro kain lang ng chocolate hihi. Nga pala, nakita ko yung kanina Johann! Ayiee, sinubukan niyang kausapin si Cassidy!" agad akong napatingin kay Johann dahil sa sinabi ni Charlie nanlalaki pa nga yung mga mata ko eh. Cassidy is Johann ex girlfriend. Yeah, may past relationship silang dalawa at kahit mahirap paniwalaan ay paniwalaan niyo nalang.


"Ayaw niya akong kausapin." simpleng sabi niya na para bang wala lang pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Makikita mo doon yung pain and longing. I feel bad for him, sinusubukan niya nang sinusubukan na kausapin si Cassidy pero lagi siya nitong tinataboy.


"Eh ikaw Dylan, ano namang problema mo?" tanong naman sa akin ni Charlie kaya napabuntong hininga nanaman ako.



"Alexandra rejected me again." malungkot kong sabi. Hindi ko naman sinisikreto sakanila na may gusto ako kay Alexandra. Meron kasi kaming rule na walang taguan ng lihim at sikreto. Ganun kami ka-close.


"Sabi sayo magagalit 'yon kasi pina-imbestigahan mo sila ng pamilya niya." naiiling na sabi ni Johann kaya naman napabuntong hininga nalang ulit ako ng ikatlong beses. Alam ko, pinagsisisihan ko na nga yung ginawa kong pagpapaimbestiga sakanila ng sobra. Ayokong magalit sa akin si Alexandra.



"Nasaan pala si Lei?" tanong ko sakanila. Buong araw ko nang hindi nakikita si Lei at hindi namin alam kung saang lupalop na siya napunta.



"Wala pa rin, di pa rin namin mahagilap." nakangusong sagot ni Charlie.




Napasandal nalang ako sa sofa.



















Sulat mula kay abnormal na otor pero normal naman minsan:

Guys! Basahin niyo po yung author's note ko doon sa chapter 27 ah. Ang dami ko nang draft na mga stories, kapag natapos ko na 'tong Badass Genius mag pa-publish ako ng isang action story na syempre merong romance and more. Kyahhh, exited na ako! HAHA. Vote, comment and be a fan. Maraming salamat po sa pagbabasa! Mahal na mahal ko kayo. Muah! xD.



Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon