Chapter 44

16.3K 573 5
                                    

||Kira||



"Kira, sure ka ba na aatake talaga sila? Ilang oras mo kaming pinahi-rapan at halos 20 minutes na rin tayo naghihintay dito." paninigu-rado ni Dylan at tumango nalang ako bilang sagot. Kasalukuyan kaming nasa living room ng mansion 'ko at hinihintay ang pag atake ni Clerick.


"Pero hindi tayo mukhang aatakihin o sasabak sa laban." sabi ni Charlie at napatingin naman ako kay Cassidy.


Feel at home itong nakaupo habang naka dekwatro pa. Nalipat naman ang tingin ko kay Alex na nagbabasa ng libro na sigurado akong kinuha niya sa library. Si Johann naman ay ganun din habang si Yuki at Charlie ay nakain ng chocolate na pinabili 'ko pa sa mga butler at katulong ko dahil ungot sila nang ungot, si Dylan naman ay tahimik at nagce-cellphone. Napatingin naman ako sa katabi ko pero napaiwas agad dahil nakatingin din ito sa'kin.


"Ang tagala nila ah! Naiinip ako kakaintay sa kanila. Mga pa VIP." maarteng sabi ni Cassidy. Napatingin naman ako kay Dylan.


"Dylan," tawag ko sa kanya. Napatigil 'to sa pagkutingting ng cellphone niya at napatingin sa akin, "Can we talk? Privately." seryoso kong sabi sa kanya. Nangunot naman ang noo nito pero tumango rin naman. Ramdam 'ko ang tingin nina Alex sa amin pero hindi ko yon pinansin.



"Follow me." pumunta kami sa opisina 'ko dito sa mansion. Naupo ako sa swivel chair ko at naupo naman si Dylan sa upuan sa table na nasa harap ko rin.


"What do you know about your father?" direct to the point kong tanong sa kanya. Nangunot naman ang noo nito na tila nagtataka pero sumagot rin.


"Wala talaga akong masyadong alam. Palagi lang naman niya akong inuutusan pero kahit na ganon ay ama 'ko pa rin siya. I badly want to kill him pero di ko kaya." sabi nito habang nakayuko. Nakakuyom ang mga kamao nito at napabuntong hininga naman ako. Binuksan ko yung drawer ng lamesa sa harap namin saka may kinuhang picture doon. Binigay ko yon sa kanya.


"Sino 'to? Bakit mo pinapakita sa akin?" tanong nito habang pinagmamasdan maiigi ang picture na binigay ko sa kanya.


"That man is Riley Alford, my tito. Namatay siya years ago—let me rephrase that. Pinatay siya." malamig kong sabi. Nanatili namang nakatingin si Dylan sa akin na para bang hinihintay ang sunod kong sasabihin kaya nagsalita ulit ako, "He was killed by your father."


"W-what? But why? I dont really know what to say but im sor—"


"Hindi ka dapat mag sorry. Wala kang kasalanan. Hindi ikaw ang pumatay sa kanya." pagputol ko sa sasabihin ni Dylan.


"Para naman sa tanong mo kanina, tatamungin din kita. Gaano ka kasigurado na anak ka ni Clerick Lee?" tanong ko sa kanya. Nangunot ang noo nito at ang ekspresyon niya ay tila gulong gulo kung bakit ko yon tinanong sa kanya.


"Bakit mo naman tinatanong 'yan? Kahit naman demonyo siya at wala akong nakikitang dahilan para magsinungaling siya." sabi niya saka umiling iling. Napabuntong hininga nalang ako.


"Dylan, Clerick Lee is not your real father. Your real father is my tito, Riley Alford. Magpinsan tayo."


"W-what?"


Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.


"Nagbibiro ka lang di ba?" nakangiting tanong nito sa akin pero unti unting nawala ang ngiti niya nang umiling ako.


"No. Siya na mismo ang magsabi sa'kin, your not his real son." napatawa ito ng mapakla at unti unting tumulo ang mga luha nito. Napasuntok ito sa hita niya saka napamura.


"What the hell.. just what the hell.. ang demonyong yon ay hindi ko pala ama. Ang masakit pa siya ang pumatay sa totoo kong ama tapos ang nakakatawa pinsan pala kita.. nalaman ko pa na peke yang pangalan o apelyido na gamit mo.. haha.." mapaklang bulong nito pero sapat na para marinig ko.


Tahimik lang akong nakatingin sa kanya at makalipas ang ilang minuto ang kumalma na rin 'to.


"Shit. Umiyak pa talaga ako sa harap mo. Hindi ako bakla ah." sabi nito at napatawa naman ako ng bahagya. Tinanggal ko yung salamin na suot suot ko pa rin hanggang ngayon saka siya nginitian.


"Im Akira Jade Alford. Nice to meet you, Dylan." napatawa ito saka rin ako nginitian ng malapad.


"Nice to meet you din pinsan. Hindi ko naman inaasahan na ang lapit lang ng tunay kong pinsan sa'kin." nakangiti nitong sabi. Muli ko namang sinuot yung salamin at nagtanong naman siya sa akin.


"Bakit mo binago ang pangalan mo?"


"Your father—i mean Clerick mafia, Three star, you know it right?" tanong ko at tumango naman siya, "Kasali ako doon dati pero umalis ako. Nalaman 'ko ang plano nila kaya naman para hindi nila ako mahanap agad ay binago ko ang pangalan ko." dugtong ko pa at medyo nanlaki naman ang mga mata nito.


"Kasali ka sa isang mafia? Wait, ibig sabihin ba nun marunong ka makipag laban? Kaya ba alam mo lahat ng 'to?" tanong niya sa akin at tumango nalang ako bilang sagot.



"Pumasok lang ako sa Elite University dahil pinilit ako ni Thunder pero hindi ko naman inaasahan na makikilala 'ko kayo." pagke-kwento ko pa. Pumayag ako noon na mag aral sa Elite University at ang plano ko lang ay ang tahimik na mag aral doon pero nagulo dahil nga nakilala ko sila.


"At pinagkamalan pa talaga kita dati na kalaban. Naisip ko pa nga na bala spy ka na pinadala ni dad." sabi naman ni Dylan saka tumawa. Napangiwi nalang naman ako. Wala rin sa plano na malaman ni Dylan 'yon.


Tumahimik naman ang paligid dahil wala nang nagsalita sa amin ni Dylan pero maya maya lang ay nagtanong ito, "Say.. Riley Alford—my dad, what is he like?"



"Mabait siya. Isa sa mga taong hinahangaan 'ko. Marami siyang naituro sa akin at medyo magkatulad kayo ng ugali." nakangiti kong sabi at napangiti naman siya ng mapait.


"Sayang at hindi ko siya nakilala." napangiti nalang rin tuloy ako ng mapait. Magsasalita ulit sana si Dylan pero napatigil kaming dalawa nang makarinig ng sunod sunod na gunshot. Nakatinginan kaming dalawa saka sabay na napatayo. Sakto namang bumukas ang pintuan ng opisina 'ko at iniluwa si Johann na pawis na pawis.



"Nandiyan na sila at ang dami nila. May mga dala rin silang baril at katana."













Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon