Chapter 56

12.4K 454 5
                                    

Author's Note:

Here it is. 2 chapters.

||Kevin||




"What's with this maze like building?" rinig 'kong sabi ni Dylan mula sa earpiece na suot naming apat. We formed 2 groups. Group one is me and Clein while group two is Dylan at Alex.


Halos ilang minuto na naming nililibot 'tong building pero hindi pa rin namin makita kung nasaan si Akira. Ang nakakapagtaka pa ay wala kaming nakikitang tauhan ni Trey. We've seen many man guarding outside so how come there's no one guarding inside?


"Weird.. sabihin natin na lahat ng tauhan ay nagbabantay sa labas kaya wala dito sa loob pero yung mga robot sa balita.." biglang sabi ni Clein na kasama kong ichini-check bawat kwarto sa building. Napatango naman ako. Surprisingly, he's quite sharp.


"Is this a trap?" tanong naman ni Alex mula sa earpiece. Saktong pagkatanong naman niya non ay ang pagtunog ng isang nakakabinging ingay. The sound is similar to that of an ambulance but noisier. Makalipas ang ilang segundo ay nawala din 'to at narinig ko ang pinakaaayawan kong boses na marinig.


"Welcome! You've arrived earlier than i have expected." na alerto kaming dalawa ni Clein saka tiningnan ang paligid namin pero ang nakita lang namin ay isang speaker sa bandang taas na corner nitong kinaroroonan naming floor.


"You've grown a lot 02. Halos hindi na kita nakilala. Pero sino bang mag aakala na magkikita ulit kayo ni 01? Ah, wag kang magalala. Hindi ko ginalaw ang—"


Bago pa matuloy nito ang sasabihin ay pinaputukan ko na ng bala ng baril ang speaker dahilan para masira ito.


"Masyado naman atang mainitin ang ulo mo? Wala nga akong ginawa sa kanya. Promise mamatay ka man." tumawa pa ito na siyang mas ikinagalit 'ko. Nilingon ko ang kabilang side ko at may nakita akong isa pang speaker doon. Handa na sana akong barilin yon nang magsalita siya.


"Sirain mo 'to at hinding hindi niyo makikita ang hinahanap niyo." malamig na sabi ni Trey. Napahigpit naman ang kapit ko sa baril.


"Bastard! Ilabas mo na si Akira bago kami mismo ang pumunta diyan at basagin yang bungo mo!"
Galit naman na sigaw ni Clein pero tanging flat na tawa lang ang isinagot sa amin ni Trey.


"Excited? Well, let's play a game first.. and i will call it 'find the treasure!' cool ng name 'no?" may sound effect pa na 'ting' nang sabihin nito ang kalokohan niya. Fucking bastard.


"Of course, ang treasure na hahanapin niyo ay si 01. This building is like a maze and you guys will be the maze runners!" medyo naalarma kaming dalawa ni Clein nang yumanig ang sahig na parang lumilindol. Napahawak kaming dalawa sa pader. Halos 20 seconds din ang lumipas bago humupa ang pagyanig at muli naming narinig ang nakakairitang boses ni Trey.


"No one from the outside can go in now. Lumubog na sa lupa 'tong buong building at naging underground base at ang tanging paraan lang para makalabas kayo ay ang hanapin ang management room dito sa loob." At muli itong tumawa na tila nae-excite. I clench my fist.


"You psychopath! Kung gusto mo ng katuwaan, wag kami!" galit na sigaw naman ni Clein.


"Of course, hindi magiging ka-enjoy enjoy ang laro kung ordinaryong maze lang ang mangyayari kaya naman nag set up din ako ng iba't bang klase ng trap sa iba't ibang bahagi ng building," sabi ni Trey na hindi pinansin ang sinabi ni Clein, "Well, bye bye players! Me and 01 are going to play too while waiting."
Pagpapatuloy nito.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon