Chapter 62

12.6K 428 7
                                    

||Charlie||



"Motherfu--ilan pa ba sila? Nakakapagod na ah!" medyo inis kong sabi. Hinihingal na rin ako dahil sa kapaguran--pero hindi ako napagod kakalaban sa mga robot ah. Sisihin niyo sina Yuki! Sinusubukan ba naman nila akong sugatan habang nakikipaglaban.


"20 or so.." sagot naman ni Johann saka binaril yung pinakamalapit sa kanya. Muntik naman na akong mapamura nang may bigla nalang sumabog sa may bandang likuran 'ko. Napalunok ako saka dahan dahang ibinaleng ang ulo ko at pinigilan ang bibig na umawang sa nakita.


"Right, nakalimutan nating may robot pala na may bazuka." sabi ni Cassidy.


"Wag ka ngang mag-right right diyan! Mamatay na tayo! Ah, pero ayoko pa mamatay! Kakain pa ako ng chocolate!" madrama kong sigaw pero napangiwi nalang ng bigla akong batukan ni Yuki. Aba't! Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.


"Wag ka ngang praning. Hindi pa tauo mamatay. Weak ka kung mamamatay ka." sabi nito saka ako inirapan. Nagsalubong naman agad ang kilay ko.


"Kung may weak man dito, ikaw yon. At di pa nga ako mamamatay kasi kakain pa ako paguwi." balik kong sabi dito. Napataas naman ang kilay nito saka ako sinamaan ng tingin pero syempre, hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan sa kanya.
Hindi sana kami titigil nang bigla nalang kaming batukan ni Cassidy. Kawawa na yung ulo ko ah!


"Tumigil nga kayo mga isip bata." sabi nito saka nag flip hair. Magsasalita na sana akong nang maunahan ako ni Johann.


"Here's the plan. Kayo ni Yuki ang bahala sa bazuka habang kami ni Cassidy sa iba." bago pa ako makapagprotesta ay hinila na nito sa Cassidy at nagsimulang makipaglaban sa mga robot. Mabilis naman akong napailag dahil muntik na akong matamaan ng bala ng baril. Yumanig din ng bahagya ang lupa at nakarinig ulit ako ng pagsabog.


"Bata, ayokong makipag cooperate sa'yo pero wala akong choice." sabi ko.


"Isip bata ka rin and wag kang magalala, may MU tayo pagdating diyan." irap naman na sabu nito. Muli ko naman binalik ang tingin sa robot na may hawak na bazuka. Sunod sunod na ang pagtira nito non kaya naman sunod sunod din ang pagsabog sa paligid. Nangunot bigla ang noo ko.


"Ako lang ba o parang nakatutok sa atin yung bazuka?" kinakabahan kong tanong kay Yuki. Nanuyot ata bigla ang lalamunan ko. Ayokong maging roasted manok!


"No.. Nakatutok talaga sa atin!" sabi ni Yuki at nagsimulang tumakbo. Aba, magaling ah. Iniwan talaga ako. Muli kong tiningnan ang robot at nang makitang itinaas nito ang bazuka para i-aim sa amin ay tumakbo na rin ako.


"Bakit mo ako sinuaundan? Doon ka sa kabila! Pag ako namatay, mumultuhin kita!" inis na sabi sa akin ni Yuki. Hindi niya na ako mamumulto 'no! Mamamatay na rin kasi ako kasi nasa iisang direksyon lang naman kami! Ayoko talaga makipag cooperate sa isip batang 'to pero ayoko ring matusta!


"Sugudin natin yung robot, sa kaliwa ka sa kanan ako. Bilisan mo yung lapit para di ka matamaan ng bazuka." sabi ko.


"Wag mo nga akong utusan, alam ko!" sigaw naman nito. Alam daw? Ako kaya nakaisip ng plano! Copyright eh.


Dahil ayaw pa naming mamatay ay wala naman na kaming sinayang pa na oras. Mabilis naming sinugod ang robot na may hawak na bazuka. Dahil dalawa kami ni Yuki na sumugod ay nakita ito, mabilis din kaming nakalapit dito kaya wala na itong oras para patamaan kami ng bazuka. Naglabas ako ng dagger saka sinaksak ang leeg nito dahilan para masira ito.


"Im alive!" sigaw 'ko--namin pala. Sinamaan ko ng tingin si Yuki. Hilig talaga manggaya nito eh.


"Alam ko yang tingin na yan. Hindi kita ginagaya, baka nga ikaw itong ginagaya ako." masungit na sabi nito sa akin. Nahahawa na ata siya kay Cassidy. Pero ano daw? Ako? Manggagaya sa kanya? No way!
Magsasalita na sana ako nang bigla nalang sumulpot sina Cassidy at Johann sa tabi namin.


"Stop it already. Kailangan na nating pumasok ng building." sabi nito. Nangunot naman ang noo ko saka napatingin sa paligid at lahat ng mga robot kanina ay sira na at nakaratay sa sahig.


"But how?" nakataas naman na kilay na tanong ni Cassidy na ikinatango tango ko naman. Nasa ilalim ng lupa yung building at yung roof lang yung nakikita namin. Wala kaming papasukan.


"We just have to destroy it." napatingin naman kami kay tita Samantha na naglalakad palapit sa amin habang may dalawang katana. Wala na guys, may nanalo na. Naniniwala na akonsa kasabihang like mother, like daughter. Parehas silang cool eh! Ang lakas pa.


"Meaning..?" kunot noong tanong ni Cassidy. Oo nga. Ano yung sisirain namin?


"Sisirain natin yung roof. Gagawa tayo ng butas para makapasok." pagpapaliwanag nito na kinatango tango ko naman. Oo nga naman, bakit ba hindi ko naisip yon? Pero paano naman namin gagawin yon? May mga bakal din kayang nakapalibot doon sa roof kaya siguradong hindi tatalab ang baril lang.


"Using this." pinitik bigla ni tita ang daliri niya. May lumapit naman sa kanyang tauhan niya na may dalawang rectangle na case. Nangunot naman ang noo namin nina Johann pero napanganga nang ilabas ni tita ang laman non.


"Hindi lang sila ang may bazuka. Ang kaibahan lang, mas advance at upgraded itong akin."













||Kira||



"Hmm.. They're taking too long to come back. Bakit hindi muna tayo maglaro?" nakangiting sabi ni Trey sa amin. Malamig ko lang naman siyang tiningnan. Mula kanina ay tahimik lang kami pero ni-isa sa amin ay walang nag-relax. Masyado ring tense ang atmosphere na kung hindi ka sanay dito ay baka mahirapan kang huminga.


"Bakit hindi ka maglaro magisa?" pabalang na balik tanong naman ni Clein dito. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Trey kaya palihim kong hinawakan ang dagger na nakatago sa likuran ng damit ko.


"That wont do. I cant take a 'no' for an answer." umiiling iling sabi nito sa amin saka pumalakpak. Nangunot ang noo ko saka napatingin sa paligid. Nahagip naman ng paningin 'ko yung maliliit na butas sa corner ng silid na bigla nalang lumitaw at mula doon ay may nalabas na tubig. Ang pintuan rin na nasa likuran namin ay natabunan ng bakal at nawala.


"What did you you?" malamig na tanong ni Kevin dito.


"Sa loob ng 30 minutes ay mapupuno ng tubig ang buong silid at malulunog tayong apat. Hindi rin magandang choice ang patayin ako dahil walang magagawa yon." casual na pagkakasabi nito. Napahigpit naman ang hawak ko sa dagger.


"Kung wala pa ang mga kaibigan niyo dito ay natalo nila ang mga tauhan ko. Mabubuhay lang kayo kung mahahanap nila kayo at mailalabas dito." saka siya ngumisi sa amin. Tatakbo na sana sina Clein at Kevin para sugudin siya pero hinarang ko sa harapan nila ang kamay ko.


"Okay. Fine." sabi ko saka naupo sa pangalawang pinakamalaking upuan na nandito. Lumawak naman ang ngisi ni Trey pero malamig 'ko lang siyang tiningnan.

"Sigurado ka ba dito?" bulong naman sa akin ni Clein habang si Kevin ay nagaalalang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga nalang naman ako.


"Ang pinakamagandang magagawa nalang natin ngayon ay hintayin sila." sabi 'ko nalang. Kahit nagaalanagn ay parehas silang umupo rin. Sa kanan ko si Kevin at sa kaliwa si Clein. Nabaling naman ulit ang tingin ko kay Trey na nakatingin naman sa daliri niyang panay ang pag-tap sa lamesa. 100% sure ako na may pinaplano siya pero 100% sure rin akong kaya ko yung pigilan.















Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon