Chapter 25

26.7K 921 31
                                    

Kira’s POV



Huminga ako ng malalim saka pilit na pinakalma ang sarili saka muling dumilat.


"Normal na ulit yung mata niya!" hindi ko pinansin ang sinabi ni Andrea pati narin ang baril nilang nakatutok samin. Tumingin ako kay Kevin at nakita kong nakatingin din ito sa akin. Wala akong nakikitang kahit anong bakas ng pagtataka o pagkagulat sa mukha at mga mata niya. Para bang hindi ito ang unang beses na nakita niyang naging pula ang mga mata ko.


Idagdag mo pa na hindi rin ako nakasuot ng salamin ngayon kaya kitang kita talaga ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko.


"I told you Andrea, stop playing around. Papagalitan tayo ni Dr. Trey nito mamaya pag di natin sila nadala sa laboratory." saway ni Felix sa kapatid niya at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng marinig ko yung salitang laboratory. Heck, inaasahan ko na nandito sila dahil pinadala nga sila dito ni Trey but damn. I hate that laboratory word. Ayoko nang mapunta pa sa ganung klase ng lugar.


"Sorry pero may lakad kami, sa ibang panahon niyo nalang kami isama sa inyo." nagulat nalang ako nang mabilis akong hinila ni Kevin patakbo ng condo ko.


Pinagbababaril kami nina Felix pero inilagan lang namin ito. Magkahawak ang mga kamag namin and geez, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kailangan kong magpa check up, baka mamaya may sakit pala ako sa puso.


"Wait Kevin, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang natakbo pa rin kami dahil hinahabol pa rin kami nina Felix at Andrea. Nakasunod lang sila sa may likuran namin habang pinag bababaril kami.



"Somewhere safe." malamig at maiksing sabi nito bago bilisan ang takbo kaya naman tumakbo rin ako ng mas mabilis. May mga ilang taong nagtatakbuhan at nagkakagulo. Lumabas kasi sila ng mga condo nila nang marinig yung mga putok ng baril, mga wala kasing silencer yung baril nina Felix at Andrea.


"Dont tell me tatalon tay—sh't." napamura nalang ako nang dumretsyo kami papuntang bintana. Tumalon kami! Ang akala ko ay may balak siyang magpakamatay nalang tapos naisip na isama ako pero nakahinga ako ng maluwag nang lumanding kami sa sanga ng malaking puno. Nasa mataas na palapag pa naman kami non.


Hinila niya ulit ako patalon ng puno saka muling tumakbo. Nasa parking lot na kami at hinila niya ako pasakay sa sasakyan ng kulay itim saka niya yon pinaharurot paalis ng sobrang bilis. Lumikha pa nga 'yon ng usok sa sobrang bilis. Nakaupo ako sa harapan katabi siya di ko tuloy maiwasan ang di magtaka. Gulong gulo na ako. Sino ba talaga 'tong si Kevin sa buhay ko?


"Save your questions for later." hindi nalang ako umimik sa sinabi niya at tinikom nalang ang bibig. Masunurin naman ako minsan, save my questions daw for later eh. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa isang napaka laking mansion sa gitna ng gubat. Oo, gitna ng gubat.



Ang ganda lang nung mansion, namimiss ko tuloy yung mansion namin nina mama. Mas malaki pa 'yon dito at literal na may elevator pa 'yon dahil sa sobrang laki at lawak. Hindi pedeng mag hagdan, mapapagod ka ng sobra.


"Kaninong mansion 'to?" tanong ko kay Kevin nang makapasok kami sa loob ng mansion. Ang bastos nga ng lalakeng 'to kasi basta nalang niya ipinark yung sasakyan niya sa labas, may magpapasok na daw nun sa garahe.



"Its mine. Sit down." gusto ko sanang sabihin sa kanya na h'wag niya akong utusan dahil uupo naman talaga ako sa sofa na nandito kahit di niya sabihin kaya lang wag na, manahimik nalang tayo. Baka mamaya magalit pa 'yang pikon na yan at hindi na sagutin yung nga katanungan ko. Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa na tila ba nagpapakiramdaman hanggang sa magsalita na siya.



Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon