Chapter 65

12.7K 426 15
                                    

Please read the Author's Note.
—-


||Kira||



"No--What are you doing here? Why are you here? Paano ka nakapunta dito?" naguguluhan at nagtataka kong tanong kay mom. Imbes na sumagot kaagad ay nagawa pa ako nitong tawanan ng mahina. Mom, even though I love your laugh, I really need answers.


"Calm down, mahina ang kalaban. Isa-isa lang ang tanong." natatawang sabi nito. Nawala ako atensyon 'ko kay mom nang biglang pumalakpak si Trey nang tatlong beses na siyang ikinatingin ko dito.


"Nagkita na ang mag-ina, how lovely." sarkastiko nitong sabi habang nakangiti ng matamis. Mabilis namang nawala ang ngiti nito at napalitan ng isang nakakatakot na ngisi. Ipinitik nito ang daliri at sa isang iglap lang ay may nagsilaban at datingin na mga robot, karamihan sa mga ito ay may kakayahan pang lumipad.


"Hayup, kanina robot na may bazuka tapos ngayon nalipad naman? Masyadong advance ang technology niyo!" sigaw ni Charlie. Sabay sabay kaming napailag nang paputukan kami ng isang robot.


Mabilis 'kong sinipa ang isang robot na malapit sa akin saka inagaw ang hawak nitong baril. Nag tambling naman ako para mailagan ang sunod sunod na pamamaril ng dalawang robot na nasa harapan namin. Kanya kanya kami ng laban, umilag ako nang may nagtangkang sikmuran ako saka 'yon pinaputukan sa ulo. May lumipad naman papalapit sa'kin na robot.


Sinubukan ko 'yong barilin pero lumipad lang ito pakanan upang maiwasan ang bala.


"Ang unfair niyo!" sigaw ni Yuki na nasa tabi ko na pala. I agree.


Hinanap naman kaagad ng mga mata ko si mom na nakikipaglaban din sa mga robot--Alam 'kong marunong siyang makipaglaban dahil sinabi niya sa akin noon na nagaral siya ng self defense, martial arts at boxing. Pero hindi ko alam na ganito siya kagaling. Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla nalang may sumipa sa kamay ko.


Tumalsik ang hawak kong baril palayo dahil doon. Malamig ko.namang tiningnan si Trey na binigyan lang naman ako ng isang ngisi.


"Hindi ako ganon kadali matalo, 01. At kung mamatay man ako ngayon ay hihigitin kita kasama ko sa impyerno." nakangising sabi niya.


"Alam ko. Sabi nga nila, hindi kaagad namamatay ang mga masasamang damo." balik ko namang sabi nito. Nawala ang ngisi nito pero kaagad ding napalitan ng isang malaking ngiti. Kimuha ito ng baril mula sa isang robot malapit sa kanya saka ito tinutok sa akin.


"Madaya ka na rin pala." malamig pero may himig ng pang aasar kong sabi. Nginisian lang naman ako nito. Akmang kakalabitin na sana niya ang gatilyo at handa na rin sana akong umilag nang bigla nalang may bumaril sa baril sa hawak niya at tumalsik din 'yon palayo.


"Oh no, you dont." napalingon ako at nakita si mom na ngayon ay may hawak na ring baril. Lumapit naman ito sa akin.


"Mom, how did you--"


"The Q and A can happen later, sa ngayon ay kailangan na nating bilisan para makauwi na tayo." putol nito sa sasabihin ko. Kahit na kating kati na ako malaman kung bakit nandito siya at paano niya nalaman na nandito ako ay napatango nalang ako.


"1vs2. Sinong magaakala na makakalaban ko ang nanay ni 01?" nakangising sabi ni Trey na ikinatingin namin dito.


"You fucker, I know all of the shitty things you did to my daughter." nagulat ako sa sinabi ni mom--hindi dahil sa kung paano niya nalaman ang tungkol doon kundi dahil sa pagmumura niya. Ito ang pangalang beses na nakita at narinig 'ko siyang nagmura. Ang unang beses ay noong nagaway sila ni dad noong bata pa ako.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon