Chapter 52

16K 515 20
                                    

||Kira||



"It's an ambush." sabi 'ko na kinataranta naman nila maliban nalang kay Kevin na naka poker face lang habang nakatingin sa tatlong van sa harapan namin.


"Ano nang gagawin natin? Kailangan nating madala kaagad ang pinsan mo sa ospital kundi mauubusan siya ng dugo." seryosong sabi ni Alex. Tiningnan ko ulit ang tatlong van at mula doon ay may lumabas na lampas sa sampung lalake. Napabuntong hininga nalang ako saka binuksan ang pintuan ng sasakyan namin.


"May ibang daan papuntang ospital kapag umikot kayo. Alam ni Clein 'yon kaya itanong niyo nalang sa kanya." sabi 'ko. Akmang isasarado ko na yung pintuan ng van nang pigilan yon ni Dylan.


"Anong gagawin mo?" kunot noo niyang tanong sa akin. Kinuha ko naman yung baril na nakatago sa loob ng hoody ko saka yon kinasa, "Kill them, of course."


"Baliw ka ba? Mag isa ka lang at sampu sila o baka nga higit pa. Kahit saanh anggulo mo tingnan, pagpapakamatay yan." sabi naman ni Johann. Napabuntong hininga nalang naman ako saka sila hinarap at binigyan ng isang nakakakilabot ng ngisi.


"Nakalimutan niyo na ba kung sino ako?" mapaglaro kong tanong. Nakita na nila kung anong kaya 'kong gawin. Nakita rin nila yung mga bangkay nung lalakr kanina sa factory. Wala silang dapat na ipagalala.


"Still—"


"Were going first. Siguraduhin mo lang na makakasunod ka." putol ni Kevin sa sasabihin sana ni Cassidy na ikinangisi ko nalang. Sinara ko na yung pinto ng van. Nang makaalis na sila ay humarap ako sa sampung lalake na nakatingin sa akin na para bang isa akong prey o target.


Napatingin naman ulit ako sa tatlong van at medyo napangiwi nang may walo pang lalake na lumabas. Nilibot ko ang paningin ko saka sila inobserbahan. Bente silang lahat.


"Iniwan ka ba ng mga kasama mo bilang sakripisyo? Sa pagkakaalam ko ikaw si Jade. Kumampi ka nalang sa amin at mabubuhay ka pa." sabi nung isa sa unahan saka tumawa. Useless na ang mag maskara ngayon dahil alam na ni Clerick kung sino ako.


"No thank you. Ayokong kumampi sa mga katulad niyong basura." mapaglaro kong sabi na ikinasimamgot niya. Nawala ang ngitu nito saka ako binigyan ng sobrang samang tingin na sinuklian ko lang ng ngiti na mas lalong ikinainis nito.


"Patayin niyo siya." galit niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako saka iniwasan ang shuriken na ibinato sa akin nung isa sa kanila. Gamit ang baril 'ko ay binaril ko naman yung limang kunai na binato nila saka binaril yung dalawang lalake na susuntukin sana ako.


Sabay naman akong sinugod ng tatlong lalake kaya tinisod 'ko yung isa sa kanila saka binaril sa tiyan. Mabilis naman akong kumuha nh dalawang sleeping needles saka yon ibinato doon sa dalawang natitira. Akmang susugudin na ako ng limang lalake nang may magsalita.


"Break time! Tigil na muna!" napatigil silang lahat pati na ako saka napatingin sa lalakeng naka ngiti ng ubod ng laki habang nakatingin sa akin.


"Clerick.."


"Good to see you, Jade—no. Akira Jade Alford." nakangiti nitong bati sa akin. Binigyan ko lang naman siya ng isang malamig na tingin at hindi nagsalita.


"Ang lamig.." umarte ito na para bang nilalamig saka niyakap ang sarili. Tumingin ito sa mga tauhan niya saka ako binigyan ng malaking ngisi at pumalakpak, "Isa laban sa bente pero wala ka pa rin kahit na isang galos man lang. Nag aalala ako na baka ma-bored ka kaya naman nagdala pa ako ng mga kalaro mo."


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon