Chapter 43

17.2K 610 24
                                    

||Kira||



"Dear lolipop, ikaw ang isa sa mga paborito 'kong candy at gusto ko lang magpasalamat dahil naging malaki kang parte ng buhay ko. Paalam na rin dahil malapit na ang kamatayan 'ko. Minahal kita ng lubos at lord, kayo na ang baha—"


"Isip bata, tumigil ka nga diyan at tulungan mo kami dito!" singit ni Charlie kay Yuki na nakatayo lang sa gilid. Muntik na nga akong matawa dahil nakapikit pa talaga ang mga mata nito na parang nagdadasal.


"Isip bata ka rin na—"



"Shut the hell up! Parehas kayong isip bata! Tumulong nalang kayo nang matapos na'to!" sabi naman ni Cassidy habang iniilagan yung mga shurikens, daggers, at kunai. Tila ingat na ingat ito para hindi siya mataaman. Ganun din naman ang ginagawa nina Charlie habang ako ay pinapanuod lang sila.


"Oy Lei! Pindutin mo na yung pulang button!" sabi ni Dylan kay Lei na medyo nahihirapan din sa pagilag. Napatawa na tuloy ako dahil para silang mga ewan. Sobrang dami kasing inilalabas na daggers, kunai at shurikens yung machine na siyang inimbento 'ko at sobrang bilis din nito.


"Hoy nerdy! Wag kang tatawa tawa diyan—shit!" mura ni Cassidy nang madaplisan siya ng isang kunai sa braso.

"Bilisan niyo nalang. Pindutin niyo na 'yong red button—"


"Were trying!" sabay sabay nilang sigaw na tila inis na inis na kaya napatawa nalang ako. Kailangan nilang pintutin yung red button na nakalagay sa pinaka mismong machine na nagpapaulan sa kanila ng daggers, kunai at shurikens pero nahihirapan silang lapitan 'to.


"Are you guys really the Queens and Kings of Underworld?" pangiinis 'ko pa sa kanila na mukhang um-effect naman dahil mas ginanahan pa nila ang pagilag at paglapit doon sa machine. Ito muna 'yong pinagawa ko sa kanila at pagkatapos ay ako naman ang haharapin nila. Hayaan muna natin sila mag warm up.


"This is really hard!" sabi ni Johann. Medyo malapit nang makalapit si Kevin sa machine kaya naman napangisi ako. No yet.


"Fuck." mura ni Alex dahil mas bumilis ang paglabas ng mga daggers, kunai at shurikens. ini-program 'ko ang machine na yan na magkaroon ng 3 levels. Easy, medium at hard. Nasa medium palang sila ngayon.


"Hayup! Ayoko pa mamatay!" sabi ni Charlie saka iniwasan yung mga dapat ay tatama sa kanya. Napatawa nalang ako saka in-off na yung machine. Napaupo naman sila sa sahig habang pawis na pawis at habol habol ang hininga. Napabuntong hininga nalang ako.


"You guys are getting weak," napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko, "Its obvious that your not having a proper training lately." pagpapatuloy ko pa.



"I changed my mind. Bago niyo 'ko kalabanin, mag 1000 push up muna kayo at 1000 sit ups." nanlaki kaagad yung mga mata nila sa sinabi ko except kay Kevin na nakatingin lang sa akin.


"Papatayin mo ba kami?!" tanong ni Dylan.


"Ayokong mamatay dahil sa sobrang kapaguran!" Charlie.


"Kira naman! Mahal ko pa ang buhay ko!" Yuki.


"Gawin niyo nalang. Hindi niyo ba napapansin? Humihina na kayo." madiin 'kong sabi na ikinatigil naman nila na tila umaayon sa sinabi ko. Obvious na hindi na sila nakakapag training masyado. Nagiging pabaya na sila.


"Bakit ka ba namin kailangan sundin? Hindi mo pa nga sinasabi sa amin kung sino ka ba talaga at kung bakit alam mo lahat ng 'to." masungit na sabi sa akin ni Cassidy pero halata sa mukha nito na seryoso ito sa sinabi niya. 


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon