Chapter 27

27.7K 763 7
                                    

Kira's POV




Inis akong lumabas ng mansion niya pero agad ding napatigil dahil hindi ko nga pala alam kung nasaang lumapalop ng mundo 'tong mansion niya. Agad akong bumalik sa loob ng mansion at naabutan ko si Kevin na nakadekwatro pa talaga.


"Ipapahatid nalang kita kay butler Kim." malamig niyang sabi nang hindu man lang ako tinitingnan. Tsk. Alam na alam na talaga niya kung anong sasabin ko at kung bakit ako bumalik. Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya. May tama rin nga ata 'tong lalakeng to eh. Kanina bigla nalang siyang naging malambing tapos ngayon balik nanaman sa pagiging taong yelo. Abnormal lang.



Sabagay, ganun din naman ako minsan. Malala nga lang siya. Tsk.



"Tera na po, ma'am." sulpot ng isang butler sa tabi ko. Siya siguro si butler Kim. Tinanguan ko nalang siya at sumunod sa kanya palabas ng mansion. Hindi na ako nag bye kay Kevin, bahala siya. Ang gulo niya. Ang hirap pa rin paniwalaan nung mga sinasabi niya sa'kin.


"Butler Kim, nasaan po ba tayo?" tanong ko kay butler Kim nang makasakay na kami ng sasakyan. Nakalimutan kong itanong kay Kevin kanina kung saan ba naka locate 'tong mansion niya, para kasing sobrang layo. Literal ba namang nasa gitna ng gubat, puro nga puno at halaman yung nakikita ko tapos yung kalsada dito na parang pang one way lang.



"Nasa Cavite po tayo." muntik na aking masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Heck, tulalang tulala ba ako kanina sa sasakyan ni Kevin nung papunta kami dito at hindi ko narealize na sobrang layo pala talaga ng binyahe namin? Parang kanina lang nasa Manila kami tapos ngayon nasa Cavite na kami. Kailangan mo talagang umayos Kira, madalas ka nang natutulala at nawawala sa sarili. Tsk.



Sinimulan nang paandarin ni butler Kim yung sasakyan kaya naman sumandal nalang ako sa upuan saka ipinikit yung mga mata ko. Geez, naaalala ko nanaman yung sinabi ni Kevin sa'kin na girlfriend niya daw ako. Parang hindi pa rin siya nagsi-sink in sa utak ko. Ang hirap naman kasi paniwalaan, eh! Bigla nalang niyang sinabi 'yon sakin tapos dati kung umasta siya sa akin ang sungit sungit. Ang cold niya tapos kanina bigla nalang siyang nanghalik.



Speaking of that kiss, papatayin ko talaga ang lalakeng 'yon kapag nagkita ulit kami. Pasalamat siya at hindi ko siya nasapak kanina.



Makatulog na nga lang. Tsk.










Cassidy POV


"Ang ganda mo talaga."

"Nakakainlove ka."

"Sobrang ganda mo at—."




"Cassidy, stop talking to your reflection in the mirror." napatigil ako sa pagpuri ng sarili ko sa salamin ng hawak ko nang bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Pinky. Err—ang weird talaga ng pangalan niya. Masyadong girly eh but dont get me wrong, i love pink. Sadyang nawi-weird-dohan lang talaga ako sa name niya. I mean, pink yung name niya pero heck, adik yang bruhang yan sa color violet.



"Anong ginagawa mo dito bruha?" mataray kong tanong sa kanya sabay tingin sa mga kuko ko na maganda tulad ko.


"Malamang nandito ako kasi dito rin ako nag aaral." sinamaan ko siya ng tingin tingin sa sinagot niya. Pilosopa rin 'tong lokang 'to eh. Pasalamat siya at kaibigan ko siya kundi matagal ko na siyang nasabunutan.



"Wag mo akong pilosopohin bruha, what i mean is anong kailangan mo at nilalapitan mo ako ngayon?" taas kilay kong tanong sa kanya. Aba, first time 'tong paglapit niya sa'kin ngayon week eh. Nilalapitan lang naman kasi ako ng babaeng yan kapag bored o kapag may hihingiing pabor.



Btw, nasa cafeteria kami ngayon at halos lahat ng estudiyante dito ay nasa amin ang atensyon. Nasa gilid na nga kami nakaupo pero nakakaagaw pansin pa rin kami. Hays, ang hirap talagang maging maganda.



"Pag ba nilapitan kita may kailangan agad? Di ba pedeng na miss ko lang ang aking pinakamamahal—."



"Tigilan mo ako Pinky Fajardo, kilalang kilala kita." pagputol ko sa sinasabi niya. Magde-deny pa siya eh kilalang kilala ko na 'yang ugali niya. Magsasalita na dapat siya nang bigla nalang may umupo sa upuan na katabi niya. Tumaas ang kilay ko sa taong 'yon.



"Pede ba kitang makausap... privately?" plain niyang tanong habang seryosong nakatingin sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ko.



"Ahh—eh, bye!" napasimangot ako nang mabilis na tumakbo paalis ng cafeteria si Pinky. Yung bruhang 'yon! Matapos ko siyang pautangin ng pera last week iiwan niya lang ako sa bwiset na lalakeng 'to! Patay talaga siya sa'kin kapag nakita ko siya.



"Wala tayong dapat na pag usapan, mr. Johann." mataray kong sabi sa lalakeng ito. Yeah, its Johann. Ang lalakeng pinakaiinisan ko. Makita ko lang ang mukha niya nagiinit na yung dugo ko, ang sarap niya lang ipatapon sa bermuda triangle. Kung pede nga lang siyang ipasend sa mars o kaya naman sa venus para matusta siya doon.



"I know your mad at me, Cassidy. But i want to talk about us." sincere niyang sabi at napairap naman ako.



"There's no us, Johann. Kung alam mo palang galit ako sayo edi dapat di mo na ako kinausap. I hate you." madiin kong sabi. That's right, there's no us. Walang kami. Wag mo siyang papakinggan Cassidy, lolokohin ka lang niya tulad ng ginawa niya sayo noon. I hate him!



"Just let me explain about what you saw 5 months ago. Please Cassidy, lets fix this. Lets fix out relation-ship." hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay napayukom nalang ako ng kamao ko na nasa ilalim ng lamesa. Damn Johann! Kailangan mo pa ba talagang ipaalala sa akin kung anong nakita ko 5 months ago? Ayokong nang maalala 'yon. Ayoko nang maalala kung paano niya ako niloko.



"Dont talk to me again. I hate you, i hate you so much Johann. I hate you." gusto kong isigaw yan sa pagmumukha niya pero ayokong marinig ng mga estudiyanteng nandito kung anong pinag uusapan namin. Tumayo ako at mabilis na lumabas ng cafeteria.




I hate him. I hate him so much! Sana hindi ko nalang siya nakilala. Kung hindi ko siya nakilala ay malamang buo pa 'tong sira kong puso ngayon. Damn him.











Johann POV



Naiwan akong mag isang nakaupo dito nang umalis si Cassidy. Napabuntong hininga ako, galit na galit pa rin siya sa'kin. She doesn't even let me explain my side. Hindi ko ginusto ang nangyari noon, hindi ko ginustong makita niya 'yon. Hindi ko ginustong masaktan siya.






Hindi ko ginustong masaktan ang babaeng mahal ko.





















Sulat mula sa otor niyong abnormal: Omy gosh! May past pala sina Cassidy at Johann, bakit di ko alam 'to? xD.

So ayun, wala akong maisip na ideya at ito lang yung nakayanan ko. Bibigyan pansin ko po muna yung ibang mga characters at ngayon palang nararamdaman ko nang magiging mahaba 'tong storyang 'to. HAHA. Lilinawin ko po dito na ang spelling ng name ni Johann ay Johann hindi Johan. Double 'N' siya. May mga chapters po ata na ang naging spelling ng name niya ay Johan, aayusin ko po 'yon. Maraming salamat po sa pagbabasa! Mahal ko po kayo!











Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon