Chapter 59

12.7K 486 9
                                    

Author's Note:
Meron pong tatlong Pov dito.
Sorry for the typos and grammatical errors.


||Kira||



"Ha,"


Kahit na hinihingal na ako't nanghihina ay pinilit ko pa rin ipagpatuloy ako pagtakbo dahil baka makita ako ni Trey. Nang lumiko ako ng daan ay bigla nalang naman akong napayuko dahil may lumipad ng shuriken sa direksyon ko.


"Bad girl, bad girl. I told you to behave didn't i? Bibigyan kita ng chance. Kung babalik ka doon ay kakalimutan ko 'to." mabilis kong iniangat ang paningin ko nang marinig ang boses ni Trey. Sa harapan ko ay merong limang robot na ang mukha ay gawa sa screen kung saan kita 'ko si Trey.


"No. Thanks." mabilis akong tumakbo sa isa pang daanan at agad naman nila akong hinabol. Paliko liko at pabago bago ako ng direksyon. Dahil mala maze ang building na'to ay sinusubukan ko silang iligaw pero nakasunod pa rin sila sa akin.


"Give up. Naka save sa mga robot na'to ang map nitong building pati na rin lahat ng tungkol sayo kaya mahahabol ka kahit saan ka pa sumoot." hindi 'ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagtakbo.


Gusto ko mang kalabanin sila para matapos na ang habol habulan namin ay masyadong delikado. Baka may inilagay si Trey sa kanila na kung anong function at mahuli nila ako lalo na't nanghihina pa ako ngayon. Lumiko ako ulit sa pero napatigil dahil isang pader ang bumungad sa akin.


"Uh oh, a dead end?" napaharap ako sa mga robot na ngayon ay nakaha-rang na sa dadaanan. Napatingin tingin ako sa paligid at napabuntong hininga nalang dahil wala talaga akong malulusutan.


"Binigyan kita ng chance hindi ba? Napakakulit mo kas—" bago pa matuloy ni Trey ang sasabihin niya at mabilis kong inatake ang mga robot. Parang ahas 'kong ipinulupot ang dalawa kong binti sa ulo ng isang robot saka ito buong lakas na hinila dahilan para mahiwalay ito sa katawan ay bumagsak sa sahig.


"Tsk. Your as stubborn as always."
Napatambling ako upang maiwasan ang suntok nung isang robot. Bahagya rin nanlaki ang mga mata 'ko nang ang kamay nito ay naging parang baril.


Yumuko kaagad ako kaya naman hindi ako natamaan. Sunod sunod ako nitong binaril kaya naman tumakbo na ako saka dumaan pakanan at mabilis naman nila akong hinabol. Napangiwi nalang ako nang mabaril nila ako sa braso. Ininda 'ko ang sakit at nagpatuloy lang sa pagtakbo habang iniilagan ang mga bala.


Naalala 'ko bigla ang tungkol sa mga secret passage na nalaman ko sa panunood kayna Kevin. Tiningnan ko naman ang mga pader at sahig. Shall i try my luck?










||Clein||



"Clein, duck!"

"Alam 'ko!"


Mabilis akong yumuko para iwasan ang sipa ng isang robot saka kinuha ang nakatago kong baril at binaril 'yong isa na susuntukin dapat ako. Habang iniiwasan ang atake ng ibang robot ay nagtama ang likod naming dalawa ni robot.


"Sabi ko naman kasi sa'yo na baka trap ito pero di ka nakinig! Kapag ako talaga namatay.." inis kong sabi saka binaril yung isa na umamba ng sipa sa akin.


"Hindi ko kasalanan kung mamatay ka dahil lampa ka." napaigting naman ang panga ko sa sinabi ni robot. Aba't!—Okay. Nagbago na ang isip ko. Hinding hindi talaga ako sangayon sa kanila ni Akira! Masama ang budhi ng lalakeng 'to!


"Sobra ka nang—" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglaan itong humarap sa akin saka ako tinulak ng malakas. Hindi naman ako natumba at nagawang maibalanse ang sarili. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon