Special Chapter #3

12.2K 426 10
                                    

Period


||Third Person||



Today is Sunday. At dahil walang pasok ay nakatambay lang si Kira sa condo at walang magawa. Bored na bored 'tong nakahilata sa mahabang sofa. Medyo okay lang naman kung bored lang siya pero ang matindi ay masakit din ang puson niya. Alam niyo na.


"Ako lang ba.. o ang weird ata ngayon ni Kira?" bulong ni Charlie kayna Yuki na sumangayon naman sa kanya.


"I noticed it too. Normally, kapag napunta tayo dito ay maiinis siya pero nginitian niya pa tayo kanina." sabi ni Dylan. Yes, hindi nagiisa si Kira. Kani-kanina lang kasi ay dumating sina Kevin para daw manggulo. Kahit na masakit ang puson ni Kira ay napagdesisyonan nitong umupo saka tiningnan sina Dylan.


"Im bored. Ano bang magandang gawin? Gala tayo? Wala akong magawa." suggestion nito. Nagkatinginan naman sina Alex at kahit na wala silang 'Telepathy' o ano pa man ay sigurado silang iisa lang ang iniisip nilang lahat. Something is definitely wrong with Kira.


"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" tanong ni Yuki kay Kira na ikinakunot naman ng noo nito.


"Bukod sa masakit 'kong puson, ayos na ayos naman ako. Bakit mo natanong?" sagot nito at ngumiti. Napatulala tuloy sila. Kapag ngumiti si Kira ng genyan ay may tatlo lang na posibilidad. 1st, magugunaw na ang mundo. 2nd, nanaginip lang sila ngayob or 3rd, may isang himalang nangyari.


"W-wala naman.." alanganang sabi ni Yuki saka muling binaling ang tingin kayna Johann.


"Guys, kinikilabutan ata ako. May mali talaga! Di kaya alien 'tong nasa harap natin na nagpapanggap bilang si Kira?" tila na natatakot na sabi ni Charlie.


"I dont think so." malamig na sabi naman ni Alex at tumango lang naman si Johann habang si Cassidy ay nakakunot ang—ehem—maganda daw niyang kilay. Si Kevin naman ay naka poker face lang as usual habang nakatitig kay Kira.


"Anong binubulong bulong niyo? Ginagawa niyo ba yung whisper challenge? Sali niyo ako!" usisa ni Kira. Napakurap kurap naman sina Cassidy dahil sa naging ugali nito. She's being hyper. Which is rare. Super Ultra Volta Rare.


Just what in the world—no, universe is happening?


"H-hindi kami nag w-whisper challenge. Anyway, wala ka ba talagang weird na nararamda-man?" tanong naman ni Johann. Kahit na sobrang minsan lang mangyari ay nautal ito. Napa tilt nalang naman ng ulo si Kira.


"Kayo ata 'yong weird eh. Kanina niyo pa tinatanong yan sa akin eh ayos naman ako." tila nagtatampong sabi ni Kira. Nagulat sina Cassidy dahil hindi nila alam na kaya nitong gamiton yung 'nagtatampong' tono at ang mas ikinagulat nila ay ang pagnguso nito. Naalala tuloy nila yung linyang walang himala. May himala!


"Akira. Are you on your period?" sa gitna ng pagkatulala nina Cassidy ay yan ang tinanong ni Kevin kay Kira. Napabaling naman sina Johann sa kanya.


"Hey! Alam mo yung dahan dahan? At di mo ba alam na medyo rude kung basta basta mo nalang itatanong yan?" nakataas ang kanang kilay at masungit na tanong ni Cassidy kay Kevin na hindi naman naalis ang poker face.


"Oo nga naman pareng Lei! Akala ko pa naman gentleman ka." gatong naman ni Charlie na sinabayan niya pa ng pagtango tango. Nangunot naman ang noo ni Kira.


"Meron. Bakit—paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Kira kay Kevin. Napabuntong hininga naman siya.


"Iyon... ba yung rason kung bakit ganito siya ngayon?" alanganing tanong ni Dylan. Sabay sabay naman napatingin sa kanya sina Cassidy, "Parang imposible naman ata yan. Nagka mens lang naiba na ugali." naiiling na sabi ni Yuki.

"Well, its possible." napatingin naman silang lahat kay Kevin habang si Kira ay walang kamalay malay kung ano bang pinaguusapan ng mga kaibigan niya. "Nagulat din ako nung unang beses 'ko siyang nakita genyan." dugtong niya pa.


Nakatinginan naman silang lahat saka sila sabay sabay napatingin kay Kira na nagtataka sa mga kinikilos at mga sinasabi nila. Ano bang sinasabi nila? Bakit ayaw nila akong isali? Ang duga ka! Condo ko kaya 'to.


"Hey! Sali niyo kasi ako, ano bang pinag uusapan niyo? Kanina pa kayo genyan." nagtatampong sabi ni Kira saka ito muling ngumuso.


"Ang cute mo!" biglang sabi naman ni Yuki. Mabilis itong lumapit kay Kira saka walang pag aalinlangan na pinisil ang magkabilang pisnge nito. Bigla namang tumahimik ang buong paligid na parang may dumaang anghel. Ilang sandali ay napatigil din si Yuki nang mapagtanto ang ginawa niya.


"S-sorry! Please wag mo akong patayi—"


"Cute na kung cute pero wag naman sanang torture-rin yung pisnge ko!" sabi ni Kira saka pinalobo ang pisnge. Muli ay tumahimik ang paligid at walang nagsalita. Baka nga may marinig ka nang kru kru na tunog kapag nakinig kang maigi..


"Is there something you want?" pag basag ni Kevin sa katahimik. Parang nagningning naman ang mga mata ni Kira. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito saka nagtatatalon.


"French fries! Chocolate na rin at ice cream! Yung strawberry flavor ah." masayang sabi nito. Nakatinginan naman sina Cassidy. Nagsilapitan sila sa isa't isa na parang may pagpupulong saka nagbulungan.


"Isn't this our chance? We can take advantage of Kira's mood and personality right now." sabi ni Cassidy.


"Sa unang pagkakataon ay agree ako sa'yo, witch. Ang dami natin pedeng gawin!" tumatango tangong sabi naman ni Yuki. Nakatanggap naman siya agad ng masamang tingin galing kay Cassidy dahil sa tinawag nito sa kanya.


"Wag niyo akong isali diyan. Paano nalang pag wala na siyang period? Mahal ko pa buhay ko." iling iling naman na sabi ni Dylan na ikinatango nina Johann at Alex na halatang tutol din sa plano habang si Charlie naman ay ngumangatngat sa isang chocolate bar na hindi 'ko alam kung saan niya nakuha. Napasimangot naman si Yuki.


"Bahala kayo! Kami nalang ni isip bata!" sabi ni Yuki saka inakbayan si Charlie na agad naman nangunot ang noo.


"Isip bata ka rin 'no! At sinong may sabi na payag ako sa gagawin mo? Ayoko pang mamatay!" angal nito pero walang nagawa nang hilahin siya ni Yuki papalapit kay Kira na nakaupo na ulit sa sofa. Si Kevin naman ay umalis kanina para bumili nung mga gusto ng naglilihi niyang asawa—este Kira.


Napabuntong hininga nalang naman sina Alex.

"This is a really really bad idea."




——



Nagising si Kira sa kama niya. Naalala nito na nandito sina Kevin kahapon at inihatid niya pa 'tong mga ito palabas ng building nang umuwi sila. Dahil nga may menstruation siya ay sobrang sakit ng puson niya nung mga nakaraang araw pero ngayon ay wala na siyang nararamdaman ay sigurado siyang wala na siyang period.


Nangunot ang noo niya saka napahawak sa ulo niya.


"Headband.." nabulong niya habang nakatingin sa cat ears headband na hawak. Ilang sandali itong nakatingin sa headband na parang bang may naaalala at maya maya ay tumayo ito nang maalala ang nangyari kahapon. Napa facepalm nalang siya. What the hell did she do?


Napabuntong hininga siya saka napatingin sa orasan na nasa kwarto niya. 6:00AM. Monday na at may pasok kaya kailangan niyang maghanda. Napangisi siya bigla nang may naisip. She used to prank her maids, butlers and family at home before. Sa lahat ng prank niya ay wala pang pumapalpak.


Habang nagiisip kung ano bang magandang prank ang gawin ay naligo ito habang may nakakakilabot na ngisi sa labi. Oh, they're so dead later.




Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon