Chapter 11

35K 1.1K 57
                                    

Kira’s POV

"H’wag na yang buhayin!"

"Kill him! Barilin mo na!"

Puro sigawan ang naririnig ko ngayon dito sa Gangster World. Hindi ba sila namamaos? Kanina pa sila sigaw ng sigaw eh, ang sakit rin kaya sa tainga. Meron parang ring dito at may dalawang lalake ngayon doon na naglalaban. Yung isa ay nanghihina na at dugaan habang yun isa naman ay may hawak na baril.

Using a weapon in a match here in Gangster World is just fine. Pero sa Underworld, hindi ka pedeng gumamit ng armas sa tuwing maglalaban. Its the first and most important rule of Underworld.

Kailangan niyong mag laban ng patas, sa ganung paraan ay malalaman talaga kung sino ang malakas.

Ang dapat talaga ay hindi ako makakapasok dito sa Gangster World. Hindi naman kasi ako gangster, assassin, mafioso o ano. Im just a simple and ordinary girl with a twist. Oo, ordinaryo ako pero hindi rin ako ganun ka-ordinaryo. Ah basta, ang hirap i-explain eh at isa pa tinatamad akong mag explain ngayon.

Nakapasok lang ako dito sa Underworld dahil gumawa ako ng pekeng ID. Hindi yung ID na parang pang school ah, ibang klaseng ID to kasi imbes na totoong pangalan mo yung nakalagay ay code name mo lang yung makikita mo dito at kulay itim ito. Actually, para siyang credit card pero kulay itim at code name mo yung nakalagay.


Nakasuot lang ako ng kulay itim na hoody ngayon at face mask na natatakpan ang bibig ko hanggang ilong, kulay itim din ito. Tinernohan ko lang siya ng itim na short at ang sarap lang tumakbo paalis dito saka mag bihis ng ripped jeans. Tae, iksi kasi nitong short ko pero wala naman akong magagawa dahil nasa labahan ang iba kong damit na sinasuot kapag nagpupunta sa mga ganitong lugar.

Patuloy lang ako sa panunood nung boring at nakaka antok na laban nang may mahagip ang mga mata ko.

May nakita akong babae na nakasuot ng maskarang kulay itim at isang fitted dress, pinagtitinginan tuloy siya ng iba dito dahil ang sexy daw at ang lakas ng dating niya. Tch, buti nakaya niyang mag suot ng ganun. Kapag ako kasi nag pinag suot ng genyan ay baka sumakay ako ng space ship at itapon yon sa isang black hole kung pede. Haha—okay, joke po yon. Tawa naman kayo.

Ang suot na mask nung babae ay tinatakpan naman ang kanyang mga mata at ilong, may design pa nga yon eh. Nangunot ang noo ko nang may inilabas itong kutsilyo at parang alam at nahulaan ko na kung anong gagawin niya doon kaya naman nag ala-flash ako at tumakbo ng sobrang bilis papunta sa kanya.

"F’ck" napamura siya nang makita niya akong nasa tabi niya, nagulat ko ata.

"What are you planning to do, lady?" tanong ko sa kanya gamit ang malamig kong boses. I dont have time to be friendly with her and besides, this is the real me. Being cold is a part of my personality. Bipolar to eh.

"The hell you care?" balik din nitong tanong sa akin gamit ang malamig ng boses. Nagulat nalang ako nang batuhin ako nito ng shuriken pero agad ko naman itong nasalo at pag tingin ko sa kanya at ayun, tumatakbo na palayo sa akin. Damn, nawala yung focus ko sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na babatuhin niya ako ng shuriken.


Tumakbo ako ng sobrang bilis para mahabol siya hanggang sa lumabas na kami ng Gangster World. Just to inform you, ang Gangster World ay located sa isang gubat. Sa gubat kasi na ito ay may abandonadong were house at doon ay may secret room na sobrang lawak at laki, yun ang gangster World.

"Sh•t" rinig na rinig ko yung pagmumura nung babae habang patuloy parin kami sa paghahabulan. Tsk. Akala niya titigilan ko siya? Never.

Ilang minuto narin kaming nagpaikot ikot sa gubat at masasabi kong pagod na siya kaya naman napangisi nalang ako sa isipan ko. Hindi ako madaling mapagod dahil sanay na ako sa mga takbuhan at palagi akong nag te-training.


"Stop following me." tumigil siya saka ako hinarap kaya naman tumigil din ako.


"Then stop running." malamig ko ring sabi sa kanya. Aba, titigil ako sa pag sunod sa kanya kung titigil din siya sa pag takbo niya. Tsk. Hindi naman ako nangangagat pero tinatakbuhan niya ako. Hindi ako nangangagat pero pumapatay ako. Haha. Napailing nalang ako sa naisip ko.


"Why the f'ck are you even following me?!" pasinghal na tanong nito sa akin.


"Tinatanong kita ng maayos kanina pero bigla kana lang tumakbo, malamang hahabulin kita." sagot ko naman. Totoo naman eh, tinatanong ko siya ng maayos kanina pero bigla nalang siyang tumakbo. Hinabol ko tuloy siya.



Tiningnan naman niya ako na parang anytime ay susugod na siya sa akin. Pikunin pala to.


"Alam mo bang anytime ay—" pinutol ko na yung sasabihin niya.

"Hindi ko alam." bagot kong sabi at binato naman ako nito ng dagger na agad akong nadalo. Haha, pikunin nga siya! Oh, nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na minsan ay mahilig din akong mang bara at mangasar? Ngayon alam niyo na.


"F’ck you!"

"Sorry, i dont f’ck girls."


Mas lalo siyang nainis at nagalit sa sinabi ko. Agad niya akong inambahan ng suntok pero agad kong nahawakan yung kamao niya. Inpernes ah, ang lakas rin niyang sumuntok.

Sisipain na dapat ako nito nang itulak ko siya ng malakas at ayun, napaupo siya. Natulala siya na parang hindi mskapaniwala sa ginawa ko sa kanya saka nanlilisik ang mga matang tumungin sa akin kaya napabuntong hininga ako sa isip isip ko. Mukhang hindi titigil tong si ate hangga’t di njya ako nasusugatan o napapatay ah.


"Miss, chill lang tayo. Kailangan ko nang umalis dahil may gagawin pa ako." walang emosyon kong sabi sa kanya pero sinugod niya ako. Kaya naman agad akong umiwas pero di sinasadyang nadaplisan siya nung dagger na hawak ko, hawak ko parin kasi yung dagger na ibinato niya sa akin kanina.


Nagulat siya dahil doon pero mas nagulat ako. Natanggal yung maskara niya. As in kitang kita ko na ngayon yung buong mukha niya. Damn, tama nga ang hinala ko.
















Sulat mula kay otor na abnormal:
Maraming salamat po sa pagbabasa! Comment naman kayo oh, kahit hi lang. HAHA.

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon