Chapter 48

18.4K 578 27
                                    

||Kira||



"So, pinsan.. kailan at paano nga ba nagsimula ang love story niyo ni Lei—aray!" hindi na natuloy ni Dylan yung sinasabi niya nang bigla nalang piningot ni Alex yung kanang tainga niya.


"Shut up. It's obviously not a happy love story." seryosong sabi ni Alex at napabuntong hininga nalang naman ako. Kailan pa 'to naging love story? Well, hindi talaga maganda ang pagkakakilala namin at pagkikita ni Kevin. Ano bang maganda kung nagkakilala kayo sa laboratory kung saan pinapahirapan kayo at pinage-experiment-tuhan? But..


"Im thankful that i met him back there.." sabi 'ko na ikinatingin nila sa akin habang ako ay napangiti nalang.



"Hey. Bago ka dito di ba? Anong pangalan mo at paano ka nila na-kidnapped?" tanong sa'kin ng batang lalake nasa kwarto katabi nitong kwarto 'ko. Magkabukod ng kwarto namin pero ang humaharang ay glass kaya kita namin ang isa't isa. Hindi ko nga alan kung matatawag pa itong kwarto dahil puro puti at higaan lang ang nandito.


"Hindi ako bago. Last week pa nila ako kinuha pero ngayon lang ako dinala dito." sagot ko saka umupo malapit sa glass wall. Nag indian seat ako at ganun din naman ang ginawa niya.


"Mas nauna ka pala. Kahapon lang ako dinala dito, eh. Ano nga palang pangalan mo?" pag uulit nito sa tinanong kanina.


"Akira. Akira Jade Alford pero tinatawag ako nung mga kumuha sa atin na 01. Ikaw?" nakangiti kong pagpapakilala sa sarili. Ngumiti rin naman siya ng bahagya sa akin bago sumagot.


"Kevin Lei Archangelo. Tinatawag din nila ako na 02 pero di 'ko alam kung bakit." sabi naman niya.


"Edi tawagin na rin nating 01 at 02 ang isa't isa. Baka nickname nila yon sa atin tsaka okay na din yon para mas maiksi." sabi ko at napatango tango naman siya saka nakangiting ngumiti.


"Pero ang ganda ng name mo, Akira. Bagay sa'yo."



"Shit. Ang galing talaga ni pareng Lei! Kahit bata pa magaling nang duma-moves sa babae!" sabi ni Charlie matapos kong ikwento kung paano kami unang nagkakilala ni Kevin. Bata pa kami non kaya sigurado akong wala kaming naisip na ganon. Kung sasabihin man sa'kin yan ni Kevin ngayon ay baka mapa 'what' nalang ako.


"What happened next?" tanong naman ni Alex.



"It's been 5 days since I've been here. Wala ba silang balak na gawin?" nagtatakang tanong 'ko kay Kevin. Araw araw ay may nagdadala sa amin ng pagkain pero 'yon lang yon. Wala silang ibang ginawa sa loob ng limang araw na yon.


"Wala rin silang ginawa sa'kin. Tanong lang, hindi ka ba natatakot? Na-kidnapped tayo pero parang wala lang sa'yo." tanong naman sa akin ni Kevin na ikinangiti ko nalang. Nangunot naman ang noo niya.


"Wala naman kasing magagawa kung iiyak ako at magpa-panic. Hindi ba't mas maganda na maging kalmado at mag isip ng paraan kung paano makatakas?" sabi 'ko at tiningnan niya naman ako na parang humahanga.


"Wow. Your really different from the other kids that I've met. Mature ka kahit bata pa." sabi niya at napataas naman ako ng kilay.


"Your also mature. Kahit na bata ka pa lang sobrang seryoso mo na." sabi ko at napatawa naman kami parehas. Maka 'bata' kami parang ang tatanda na namin.


Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon