Chapter 23

27.8K 890 40
                                    

Kira’s POV



"ID niyo po, ma'am." ipinakita ko sa nagbabantay yung ID ko para makapasok ng Underworld. Kitang kita ko pa yung panlalaki ng mga mata nito nang makita ang codename ko.

"Shhh, wag kang maingay, my dear." nakangisi pero malamig kong sabi. Hindi naman rin niya makikitang nakangisi ako dahil nakasuot ako ngayon ng half mask na ang natatakpan ay bibig hanngang ilong ko. Nanginginig ako nitong tinanguan saka binuksan yung pibtuan na may nakalagay na ‘Dont enter’.

Isang hagdanan na paibaba yung bumungad sa akin at bumaba naman na ako. Underworld is located in a bar, hindi lang talaga siya sa mismong bar kundi sa underground nitong bar.
Matapos ang ilang minutong pagbaba ay isang double door na pinto naman ang sumalubong sa akin.


Lumapit ako sa tapat ng pinto saka pinindot yung hidden switch sa pader at sa isang iglap lang ay bumukas na yung pintuan at pagpasok ko palang ay maiingay na sigawan na ang bumugad sa akin. Hindi bubukas yung pinto hangga't di mo napipindot yung hidden switch.


"Pare, nabalitaan mo na ba? Nandito daw ngayon si Jade!"

"Sh't. Hindi nga? Malupit 'tong gabing 'to. Dadating din daw mamaya dito ang mga Queens and Kings."

Napapalatak nalang ako nang marinig yung usapan ng dalawang lalakeng malapit sa'kin. Ang ingay naman nung taga bantay na 'yon, kumalat agad na nandito ako. Dapat fake ID nalang ulit yung ginamit ko.


Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakapasok dito sa Underworld kung hindi naman ako gangster, yakuza, mafioso o assassin. Well, sabi ko naman sa inyo na dito mo sa Underworld makikita ang lahat. Lahat pede dito basta meron ka nung black card, yun yung tawag sa ID namin. Fake ID yung ginamit ko noon para makapunta ng gangster world, pekeng codename yung nakalagay doon.


Sikat ako bilang isang dakilang hacker dito. I can hack anything, kahit anong ipa-hack mo sa'kin ay makakaya kong i-hack pero hindi lang 'yon. Kaya ko ring lumaban. Im good at fighting. Simula bata pa lang ay nag aaral na ako ng mga iba't ibang martial arts and self defence.


"Nandiyan na sila! Kyahhhh!"

"T'ngina, ang gaganda pa rin nila!"


"Ang pogi ng mga Kings! Kyaah!"



Mabilis akong umakyat sa second floor nitong Underworld. Meron kasing hanggang limang floor 'tong Underworld pero hindi lahat ay pedeng makapunta dito. Allowed ang iba na pumunta hanngang third floor pero sa fourth and fifth floor ay hindi na pede. Tanging mga nakakataas lang ang pede tulad ng mga Kings and Queens.


"Shete, nakakagulat talaga na nandito na ang mga Queens! Ang tagal din nilang nawala." rinig kong sabi nung babaeng nandito rin sa second floor pero uy, di ako nakikinig sa usapan nila nung kasama niya ah. Sadyang malakas lang talaga yung boses niya.


Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi sa sinabi niya. Tsk. Hindi naman nawala ang mga Queens, lagi lang silang nandiyan sa tabi tabi. Napatingin ako kay Alex or also known as Queen Hell, the brutal and cold Queen. Iba na yung suot nitong maskara at damit doon sa dating suot niya nung nagkita kami sa Gangster World.


Si Queen Hell ang In charge sa pagaasikaso at pagpapanatiling maayos ng Gangster World.


Nakalimutan kong sabihin pero alam ko na rin ang identity ng dalawa pang Queens. Madali ko lang nalaman yung mga identity nila dahil unang una, magkakaparehas sila ng ugali. Pangalawa, magaling din silang makipag laban. Pangatlo, una palang may hula na ako na sila nga yon. Pang apat, wala lang, sadyang malakas lang talaga ang instinct ko.

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon