Chapter 1*Laya*

1.3K 71 9
                                    

Napangiti si Emerald Euxine nang makita ang muling pagbubukas ng tarangkahan ng Venus.

Sa wakas ay mayroon na ulit mga bilanggo na lalabas mula rito.
Pinangunahan niya iyon.
Ngayon ay nasundan na siya.

Sa madaling salita, hindi na lang isa kundi marami na ang nagtagumpay na makalabas sa sikat na bilangguan ng kaharian ng Liro.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Emerald nang mapagtanto na wala sa mga lumabas ang kanyang inaasahan.

"Mama?" Isang batang babae ang humila sa palda ni Emerald.
Si Yessamin iyon, ang limang taong gulang niyang anak.

Nakita ni Emerald sa mga mata nito ang pananabik.

"Sino po sa kanila si papa?" tanong nito.

Wala sa kanila.

Hindi alam ni Emerald kung paano niya iyon sasabihin.

Ang totoo, kahit nakalaya na si Emerald ay lagi pa rin siyang bumabalik sa tarangkahan ng Venus. Nagbabakasakali siya na makita rito ang ama ng kanyang anak.
Hanggang ngayon kasi ay pinanghahawakan niya pa rin ang pangako nito.

Alam kong darating siya.
Hindi pa lang siguro ngayon pero siguradong darating siya, sabi ni Emerald sa sarili habang tinitingnan ang mga bilanggo na isa isang lumalabas mula sa tarangkahan.

Kinakapkapan muna ng mga nagbabantay na Regulator ang mga ito bago tuluyang paalisin.

Aminado si Emerald na wala ni isa sa mga lumabas ang kakilala niya.
Malamang kabilang ang mga ito sa ibang Squad o region.
Ngunit bakit ganoon?
Bakit sa nakalipas na anim na taon ay wala siyang kakilala na nakalaya? Wala tuloy siyang matanong tungkol kay Nikela. Si Nikela na lalaking mahal niya.

Kung tutuusin ay puwede naman niyang tanungin ang kahit sinong laya dahil kilala si Nikela sa loob ng Venus, ngunit hindi niya ginagawa sa takot na may makaalam kung sino ang ama ng kanyang anak.

Nasabihan kasi siya na kailangan niya iyong itago.

"Mama!" isa pang tawag ng kanyang anak.

Nginitian ito ni Emerald bago hinawakan sa ulo.
"Wala sa kanila ang papa mo. Wala pa siya, pero hayaan mo. Darating na rin siya. Kaunting hintay na lang."

"Mahal ko!"

Biglang napatingin si Emerald sa nagsalita.
Isa iyong lalaki na kalalabas lang ng Venus.
Mabilis itong tumakbo palapit sa isang babae na malamang ay asawa nito.
"Namiss kita," sabi nito sabay yakap sa babae. "Kung hindi lang dahil sayo hindi na ko lalabas ng Venus. Ikaw lang talaga ang dahilan. Ikaw lang, mahal ko."

"Oh, mahal ko. Namiss din kita," sabi ng babae.

Napangiti si Emerald.
Nakakainggit, naisip niya. Mabuti pa sila, dagdag niya pero agad niya iyong binawi.
Hindi siya dapat mag-isip ng ganoon. Hindi dapat. "Halika na anak." Inaya na niya si Yessamin.
Sumakay sila sa sasakyan at bumalik sa kanilang tahanan.

Nakatira ang mag-ina sa mansiyon ng mga magulang ni Emerald.

"Nakabalik na pala kayo," sabi ng ama ni Emerald na kasalukuyang nanonood ng telebisyon. "Anak, tingnan mo ito." Itinuro nito ang pinapanood.

Napakunot ng noo si Emerald nang makita na ang nagsasalita sa telebisyon ay ang tagapagsalita ng hari.

"Tama ang dinig n'yo," sabi ng tagapagsalita ng Hari. "Hindi na tayo magpapatapon ng mga bilanggo sa Venus. Isasara na natin ito tulad ng matagal n'yo nang inaasam. Gagawa tayo ng bagong bilangguan para sa mga tunay na bilanggo. Oo. Hindi na tayo basta magkukulong. Magkakaroon na tayo ng paglilitis."

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now