Chapter 2

8.9K 298 8
                                    

Agad na nginitian ni Sana'a ang isang ginang na nagbabantay sa pasyente niya na si Mrs.Smith.

"Doktora.."nakangiti nitong bati sa kanya.

"Goodevening po,itsi-check ko lang po ang vital signs ni Mrs.Smith.."magalang niyang sabi rito.

Mabait itong ngumiti sa kanya.

"Sister po ba kayo ni Mrs.Smith?" untag niya rito habang kinukuhanan niya ng BP ang natutulog na pasyente.

"Yes,Ate Miriam ko siya,bukas pa lang makakarating ang dalawang anak niya mula sa States kaya ako na muna magbabantay sa kanya.."pagsagot nito sa tanong niya.

Agad na nagustuhan niya ang presensya ng ginang. Napakabait ng bukas ng mukha nito pati na rin ng pananalita nito.

"Maganda rin po kayo,Ma'am.."papuri niya sa ginang. Maganda talaga ito kaya nga hindi na niya napigilan sabihin iyun.

Bahagya itong tumawa. "Naku,salamat pero mas maganda ka kaysa sakin..para kang anghel," matapat nitong saad sa kanya.

Bigla naman siya nahiya sa papuri ng ginang. Marami nga nagsasabi na mukha siyang angel at pinagpapasalamat niya iyun sa kanyang ina na may malaanghel din mukha hindi lamang sa panglabas na anyo pati na rin sa panloob nito.

"Wala nga po naniniwala na anghel ako kasi evil angel daw ako,"tugon niya na binuntutan niya ng maikling tawa.

"Naku,sino naman nagsabi niyan sayo?" mangha saad ng ginang.

She chuckled.

"Mga manliligaw ko po,"agad na sagot niya sa ginang.

Natawa ang ginang sa sagot niya. Hindi niya alam pero mabilis niya nakagaanan ng loob ito gayun ngayon lamang sila nagkita nito.

"I like you,doktora..I'm Melissa Evans," pagpapakilala na nito sa kanya.

Inabot niya ang kamay nito.

"It's nice to meet you,Ma'am.."pag-abot niya sa palad nito.

Tatlong beses siya kumatok bago niya tinulak pabukas ang pintuan ng private room na inuokupa ng Tita Miriam niya.

"Mom," tawag niya sa ina.

"Jeffrey,mabuti naman dumating ka na,"paghalik ng ina sa pisngi niya.

"Kamusta po si Tita M?" aniya habang pinagmamasdan ang natutulog na tiyahin.

"She's stable now..sabi nga ni Doktora mabuti na naagapan ang namuong dugo sa ugat niya. She's safe now.." inporma ng ina sa kanya.

Tumango siya at bumaling sa ina.

"Mabuti pa po umuwi na muna kayo sa bahay ako na ho magbabantay sa kanya hanggang umaga.."sabi niya sa ina.

Magbubukas pa rin naman ang shop niya dahil nandun naman si Ed.

"Oh sige..babalik ako ng maagang-maaga bukas,kumain ka na ba?"pagtango nito sa sinabi niya.

"Nagtake out ako ng pagkain natin,Ma..kain muna po tayo bago kayo umuwi.." aniya habang nilalabas sa dalawang plastic ang inorder niyang meal sa isang restaurant na nadaanan niya kanina.

"Mabuti pa nga para deretso higa na lang ako pagkauwi," anang ng ina niya.

Ito na ang nagsalin ng binili niyang pagkain sa pinggan na mismo ang ospital ang nagproduce niyun. Kumpleto talaga sa pangangailangan ang ospital para sa mga pasyente rito.

Tahimik na pinapanuod lamang niya ang ina habang inaasikaso nito ang pagkain nila para sa kanilang dalawa. Spoiled na spoiled siya nito bata pa lang siya kaya nga Mama's Boy talaga siya

Kaya nga kapag napapagalitan siya nito agad naman siya nito susuyuin at pangangaralan. Busog na busog siya sa mga paalala nito at pangaral kaya ginagawa nga niya kapag nagiging maloko siya hindi dapat nito malaman dahil hindi niya gugustuhin nga ito madismaya sa kanya pero hanggat maaari naman nagpapakabait siya at umiiwas na makagawa ng ikakadismaya nito.

Sila na lang ng mama niya ang magkasama ngayon sa bahay. High school pa lang siya noon ng atakehin sa puso ang papa niya na isang amerikano.

Namana niya ang kaguwapuhan ng ama pero kulay brown ang kulay ng mga mata niya na namana niya sa kanyang ina.

He love his mother so much. Kaya nga minsan iniisip niya na sana makatagpo siya ng babae tulad ng Mama niya o sabihin na sana ganun ang first Love niya gaya ng kanyang ina. Mapagmahal,maalalahanin at malambing.

Hinahangaan niya ang love story ng magulang niya. First love ng mga ito ang isa't-isa at siya ang naging bunga niyun.

Napangisi siya sa tuwing naiisip niya ang nangyari noon sa kanya.

Gusto niya matawa kasi sa batang edad niya noon alam na niya kung ano ang first love.

Nasaan na kaya siya? May pamilya na kaya siya ngayon?

Kung meron man na gusto pa rin niya makita ito at magpasalamat muli. Marahil tatanggapin na lamang niya na hindi lahat nagkakaroon ng forever.

Sakali man na mangyari yun. Makakahanap pa naman siguro siya ng babaeng mamahalin niya at mamahalin siya. Ang bawat isa naman ay may nakalaan na tao na makakasama habambuhay.

Sa ngayon,hahayaan na lang muna niya ang sarili na umasa sa first love niya hanggat hindi pa sila nito nagkikita muli.

Inabala ni Jeffrey ang sarili sa paglalaro ng games sa phone niya habang nagpapaantok. Ayon sa kanyang ina bukas pa daw magkakamalay ang Tita Miriam niya at may nurse naman daw na magtsicheck sa vital sign ng tiyahin niya.

May isang nurse na pumasok bago pa siya antukin. Agad na inusisa niya ang kalagayan ng Tiyahin.

Nang matapos ang nurse agad na pumuwesto na siya ng higa sa nakalaan na higaan para sa nagbabantay. Nakadim light na ang ilaw.

Ipinikit na niya ang kanyang mga mata hanggang sa unti-unti nabuo sa likod ng mga mata niya ang eksena iyun dalawapu't taon na ang nakakaraan.

Eksena na sinusubukan niyang aralin ang pagsakay sa skate board na binili ng kanyang Mama at nakita sa kabilang kalsada ang isang batang babae na agad din umiwas ng tingin sa kanya kaya hindi niya kaagad nakita ang mukha nito.

Mabilis ang naging pangyayari niyun namalayan na lamang niya niligtas siya ng batang babae iyun at matulala sa malaanghel nitong mukha.

Ang panaginip na iyun na paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ay hindi niya pagsasawaan. Iyun lang ang alaala na meron siya na masasabi niyang doon niya unang naramdaman ang pagtibok ng puso niya.

Naging payapa na ang pagtulog ni Jeffrey.

That dream make him sleep peacefully and contented.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon