Masakit ang ulo niya ng gumising siya kinabukasan. Kahit ganun ang resulta sa tuwing iinom siya gabi-gabi.
Marahas siyang bumuga ng hangin. Agad na tinungo niya ang kusina nila. Bigla kumalam ang sikmura niya ng maamoy niya ang niluluto ng mama niya habang pababa siya ng hagdanan nila.
"Goodmorning,Ma.." malat ang boses na bati niya sa ina.
"Malat ka na naman dahil sa pag-inom mo ng alak kagabi," pasermon nitong sita sa kanya.
"Isang baso lang po yun,Ma.."depensa niya.
Madali siya mabubuking ng Mama niya kapag nakainom siya ng alak. Minamalat siya kapag nakainom siya ng alak. Alam din nito kung ano nagyayari sa kanya nitong nakalipas na mga araw hindi lamang ito kumikibo sa kanya.
Nakuha ng mga pagkain na nasa harapan niya ang atensyon niya.
Parang galing sa isang probinsiya ang mga yun. May gulay at ilang nakaplastic gaya ng banana chip , polvoron at yema.
Inabot niya ang isang niyog. Nakita niya na hati iyun sa gitna at nabuksan iyun namangha siya ng makita ang loob. Kulay brown na malagkit ang laman ng niyog.
"Saan galing ang mga ito,Ma?" kuryuso niyang tanong sa ina.
Nilapag nito sa harapan niya ang mainit na sabaw na bulalo na niluto nito kagabi.
"Pasalubong sakin," tugon ng ina.
"May bumisita ba sa inyo na kamag-anak natin galing sa malayong lugar?" aniya habang hinihipan ang sabaw sa kutsara niya.
"Wala..galing ito kay Sana'a.."tugon nito.
Bigla niya nabitawan ang kutsara na isusubo ng mapaso naman siya dahil na rin sa kabiglaan ng marinig ang pangalan ng doktora.
"Shit! Aray!" bulalas niya ng mapaso ang bibig niya.
"Ano ba,anak?! Hindi ka nag-iingat!"pag-abot sa kanya ng ina ng tubig.
"K-kailan po siya pumunta dito?" agad na pagtatanong niya at tila nakalimutan na ang tinamong pagkapaso kanina.
"Kani-kanina lang..dumaan muna siya rito satin bago siya umuwi sa kanila para ibigay itong pasalubong niya sakin," tugon ng ina.
"T-talaga po.." usal niya.
Agad na nakaramdam siya ng pagkadismaya. Pakiramdam niya balewala na siya rito. May kung anong dumakot sa puso niya at masakit iyun sa pakiramdam!
"Kung maaga kang nagising malamang nagkita kayo kanina," parinig ng ina habang nilalagay sa ref ang mga kailangan ilagay roon.
Natahimik siya. Wala naman siya natanggap na reply mula rito.
"Anak.." pukaw sa kanya ng ina.
"Ma,"tulala niyang anas.
Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.
"Sabihin mo nga,anak..mahal mo na ba siya?" seryosong tanong ng ina.
"Mahal ko siya,Mama.." matapat niyang sagot sa ina at nilingon ito.
Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ng ina. Pinatakan ng halik ang kanyang nuo.
"That's my boy!" anito.
"Anyway,may pinabibigay sya sayo," anang ng ina.
Nangunot ang noo niya sa sinabi ng ina.
"Heto.."anito na may ilahad ito sa kanya.
Natigilan siya ng makita ang hawak ng ina.
Pamilyar sa kanya ang puting panyo hawak ng ina.
"Pamilyar sakin ang panyong ito.." anang ng ina.
Nanginginig na kinuha niya ang panyo sa ina.
Mabilis na nagreplay sa isip niya ang nangyari twenty years ago.
Ang panyo hawak niya ngayon ay ang panyo na binigay niya sa batang babae,ang kanyang guardian angel noon.
"Jeffrey! Saan ka pupunta?!"pagtawag sa kanya ina ng walang paalam siya na tumakbo palabas ng bahay nila.
Mabilis na sumakay siya sa kanyang kotse.
Damn! Si Sana'a at ang batang babae na nagligtas sa kanya noon ay iisa!
Ang kanyang Angel at ang first love niya!
Sabi na!
Tama ang nasa isip niya!
Shit!
Talagang binabaliw mo ako,Sana'a.
Yeah,you crazy in love with her.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove