Chapter 21

6.8K 227 9
                                    

Unti-unti ng nawawala ang takot at kaba niya para sa kanyang ina habang hawak-hawak niya ang kamay ng ina na wala pa rin malay.

Ang sabi ni Sana'a ,low blood daw ang ina niya kaya ito nawalan ng malay.

Hinalikan niya ang kamay ng ina. Malaki ang pasasalamat niya na hindi ganun kalala ang nanyari sa ina at wala na siya dapat na ipag-alala pa.

Bumukas ang pintuan at sumungaw roon ang isang anghel na si Sana'a. Agad na sumilay ang isang pagod ngiti sa mga labi niya. Naalala niya ang ginawa niyang pagyakap rito kanina.

Matamis siya nitong nginitian.

"Masermunan nga si Tita pagkagising niya..sabi ko sa kanya alagaan niya ang kalusugan niya para kapag namasyal kami makakasabay siya sakin,"sabi nito ng makalapit sa gilid ng kama na kinahihigaan ng ina at kung saan siya nakaupo patagilid roon.

He chuckled. "May pagkamatigas din minsan ang ulo ni Mama,I'm sorry for that," aniya na siya ng humihingi ng sorry para sa ina.

Natawa ito."Gusto mo bang magkape?"aya nito pagkaraan.

Agad na naexcite siya sa pag-aya nito.

" Sure,"agad niya pagpayag.

Sa tabing coffee shop ng hospital sila nagpunta ng dalaga. Magkaharap sila nakaupo sa isang mesa na nasa banda dulong bahagi ng coffee shop. Mangilan-ngilan lang ang costumer na naroroon at sa bandang dong bahagi ay may umiidlip pa nga.

"Salamat ulit sa pag-asikaso mo kay Mama.." untag niya rito pagkaraan ilapag ang inorder nila kape.

"Trabaho ko yan saka kung si Tita Melissa ang pasyente ko ipapriotize ko siya,she's like my mother to me," masuyo nitong saad.

"Masaya ako na nagkakilala kayo ni Mama...at ganun din ako," matapat niyang saad at tumitig sa malaanghel na mukha ng dalaga.

Bakit hindi mo na tanungin ngayon kung pwede siyang ligawan?! usog ng isip niya.

Dinampot niya ang tasa. Ngayon na ba niya sasabihin? Baka hindi ito ang tamang panahon para dun,damn! Nakaadmit pa ang mama niya,for good's sake!

Tumikhim siya. Malakas ang udyok niya na gumawa na ng aksyon pero hindi ata tama na ngayon niya gawin yun. Ang lagay e parang sinasamantala niya ang pagkakataon.

Pero..damn,hindi na talaga siya makapaghintay pa!

"Ahm,Sana'a.." umpisa niya. Buo na ang loob niya na magsabi rito. Bahala na.

"Hmm?" agad nito tugon at nag-angat ng tingin sa kanya mula sa hawak nitong tasa.

Muli siya tumikhim. "Ahm,may sasabihin sana ako," kabado na niyang saad. Parang gusto na niyang umurong ah!

"Sure,what is it?"anito na mahihimigan ang hikayat na sabihin niya ang sasabihin niya.

Damn,paano ba niya sisimulan?

"Ahm,alam ko nakaadmit pa si Mama at dapat sya muna ang isipin ko pero..ahm,pero kasi gusto ko lang matanong kung.."putol niya sa sasabihin dahil pinangungunahan na siya ng kaba. Napakalakas na ng kabog ng dibdib niya.

Calm,heart!

Muli siyang tumikhim.

"Pwede ba kitang ligawan? Ahm,ayos lang kung hindi pa pwede..pwede naman na maging kaibigan lang muna tayo kung..kung gusto mo pa ko maging kaibigan ngayon.."kabado niyang sunod-sunod na sabi na hindi makatingin sa dalaga.

Hindi agad nakaimik ang dalaga nakatitig lang ito sa kanya.

Napapahiyang nginitian niya ito ng lakas-loob niya salubungin ang mga mata nito.

Aww,mukhang marereject siya nito?!

May nginig ang kamay na dinampot niya muli ang tasa niya at halos matapon yun dahil talagang nanginginig siya sa kaba at nararamdaman takot na baka ireject siya nito.

Well,tanggapin mo ang katotohanan.Acceptance is a best way to move on.

"Pwede naman.."mayamaya saad nito.

Muntik na niya mabitawan ang tasa ng bigla magsalita ang dalaga.

Maang siya tumingin rito. Nakangiti ito.

"Payag ako na ligawan mo ako," anito.

"T-talaga?"hindi makapaniwala niyang turan.

"Sino ba naman ako para tanggihan ang isang lalaking tulad mo na may pagmamahal sa Mama niya..isa yun malaking puntos sa lalaking gusto kong mapalapit sakin,"saad nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa hindi pagkapaniwala.

" Wow..."tangi nasabi na lamang niya.

Malambing ito tumawa sa reaksyon niya.

"Sigurado ka? Liligawan talaga kita?"parang tangang sabi niya.

Tumawa ito. "Oo nga..gusto mo bang bawiin ko?"biro nitong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Huwag! Uh,hindi lang ako makapaniwala. Salamat,"agad na tugon niya.

Nangalumbaba ito sa harapan niya at pinakatitigan siya. Hindi na niya ikukubli pa sa mga mata nito ang damdamin niya na makikita nito sa mga mata niya.

"I'm glad we met again,jeff.."anas nito.

May sumundot na pagtataka sa sinabi nito bago pa man niya matanong ito tungkol sa sinabi nito tumunog ang phone nito na nasa bulsa ng doctor's robe nito.

Agad nito iyun sinagot. Naulinigan niya na ang assistant nurse nito ang tumawag.

"Gusto ko pa sana magstay tayo dito pero may pasyente akong dumating,i need to check her,"inporma nito pagkatapos ng tawag nito.

"Alright,no problema. Let's go back..saka liligawan naman kita kaya maraming tsansa na makapag-usap ulit tayo,i mean..in a date,"turan niya rito.

Matamis na nginitian siya ng dalaga.

"Yes,of course. I am looking forward at our date,"anito.

Inalalayan niya ang dalaga ng makalabas sila ng coffee shop hanggang sa makapasok sila sa loob ng ospital.

Sigurado matutuwa ang Mama niya kapag nalaman nito ang tungkol sa panliligaw niya sa dalaga.

Sobrang saya ng pakiramdam niya. Pakiramdam nga niya ngayon lang siya sumaya ng ganitong katindi.

Liligawan pa lamang niya ito ganun na kaagad ang epekto nito sa kanya. Paano pa kaya kung sasagutin na siya nito?

Aba,baka mauna pa siya sa Mama niya!

Lihim siyang natawa sa kaisipan iyun.

Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi niya habang hinihintay pa rin na magising ang ina.

"Hey Mama,gising na masaya ang unico hijo mo. Buti na lang dahil kundi sermon ka talaga sakin pagkagising mo,"kausap niya sa Mama niya.

Hinaplos niya ang pisngi nito at pinatakan ng halik ang noo nito.

"Rest for now,hihintayin kita hanggang sa magising ka,okay?"anas niya at pinakatitigan ang ina na pinakamamahal niya sa balat ng lupa.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon