Chapter 25

6.8K 235 1
                                    

"Kanina ka pa walang imik? Hindi ako sanay,"sita ni Dra.Amore sa kanya.

Bahagya siya natawa sa sinabi nito bumaling siya rito mula sa pagtanaw niya sa madilim na kagubatan . " Ayaw mo ba na minsan tumikom naman ang bibig ko?"aniya.

Ngumisi ito. "Well,maganda sa tainga ang boses mo kaya hindi nakakarinde pakinggan kahit maghapon ka magsalita," tugon nito.

She chuckled.

Sumama siya sa medical mission nito sa isang kabundukan. Ilang araw na sila doon at bukas pa ng umaga sila bababa ng bundok pabalik ng maynila.

"Alam mo kayong magpipinsan iisa lang ang itsura niyo kapag lovelife ang usapin eh noh," anito na kinalingon niya rito.

Nginisihan siya nito. "Alam ko na natagpuan mo na ang mate mo.."nakangisi nitong turan.

She sighed.

"Nakalimutan ko malapit na kaibigan ka pala ni Mama at halos kapatid na nga ang turing niya sayo.."saad niya mayamaya.

Sigurado naman na ang Mama niya ang nagsabi rito.

"Alam mo..tayong magagandang lobo hindi dapat namomoblema sa ganyan dapat proud tayo kasi hinahabol tayo ng mga kalalakihan!"saad nito na sinamahan pa ng pagngisi.

Sinamangutan niya ito.

Tumawa naman ito.

"Mas mahirap umamin sa taong mahal mo na mahal mo siya kaysa aminin mo kung ano ka talaga.." litanya niya na mahihimigan ang hinanakit roon.

"Oo naman..isa iyun mahirap na pagsubok sa atin..ang aminin na isa tayong lobo sa mga taong madali manghusga.."sang-ayon nito sa sinabi niya.

Bumuga siya ng hangin at tumingala sa kalangitan na puno ng mga bituin.

Wala kasiguruduhan kung matatanggap siya ni Jeffrey sa oras na malaman nito ang tunay niyang katauhan.

" Mahal ko siya..pero alam kong mahina ang mga tao..madali sila panghinaan ng loob..kung malalaman niya ang tungkol sakin paniguradong katatakutan niya ko,"saad niya na hindi inaalis ang mga mata sa mga bituin.

Iniisip kaya siya ng binata sa mga oras na ito? Namimiss ba siya nito sa mga araw na lumipas na hindi sila nagkita?

"Mas makapangyarihan ang pag-ibig sa kahit na ano pa man sa mundong ito,Sana'a..perpekto man o hindi kung malalim ang pag-ibig na meron sya sayo matatanggap ka niya," pinukaw siya ng mga sinabi iyun ni Dra.Amore.

"Kailan lang kami nagtagpo ni Jeffrey,Doktora..at gusto pa lamang niya ako," baling niya rito.

"Well,mas maganda nga kung maaga niya malalaman kasi doon niya marirealize kung anong damdamin ba meron siya para sayo," kibit nito ng balikat sa kanya.

Hinaplos nito ang buhok niya.

"Tandaan mo lang palagi hindi ka man niya tanggapin agad nandito lang kami lahat para sayo.." matiim nitong saad.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi nito.

"Hindi ko akalain na maliban na isa kang doktor .. isa ka rin love adviser..how to be you po?" aniya.

Sabay sila nagkatawanan sa sinabi niyang iyun.

Inakbayan siya nito. "Iyun ang papel ko dito saka isa sa happy pill ko ang makita kayong lahat na masayang-masaya sa mga taon itinakda sa inyo,"malugod nitong sabi sa kanya.

Pareho na silang nakatingala sa kalawakan.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon