Chapter 34

6.6K 238 9
                                    

Hindi niya inaasahan na may mga bisita siyang darating sa shop niya. Isa-isa siya pinakilala ni Jamiel sa mga pinsan nito.

"Sabi ni Sana'a..may skate boarding Area ka dito?"untag ni Dwayne.

" Oo nasa rooftop,"mabilis niyang tugon.

Namamangha na isa-isa niya tinitigan ang mga hindi niya inaasahan bisita.

Biglaan ang pagbisita ng mga pinsan ni Sana'a. Kaya..damn,kinakabahan tuloy siya.

"Wow,mukhang gusto ko itry yang pag-iiskate na yan ah," si Erol habang sinisipat ang kabuoan ng shop niya.

Hindi pa dumadating si Ed mukhang natraffic na naman ito.

Kung nakikita lang nito ngayon ang mga bisita niya malamang nakatulala lang ito sa sulok.

"Pwede ko kayo dalhin dun?" aniya.

"Paano ang shop mo?" si Stanley. Ang pinsan ni Sana'a na may weird na mga mata.

"Okay lang na muna iclose ko hanggang sa dumating ang kasama ko dito," aniya.

"Pasensya na,naabala ka namin gusto lang nila makita ang shop mo," anang ni Jamiel.

"Ayos lang..natutuwa nga ako dahil may oras kayo para sa ganitong pagbisita gayun alam kong may kanya-kanya din kayo ginagawa," tugon niya sa kambal ni Sana'a.

Inaya na niya ang mga ito sa elevator pagkaraan niya iclose pasamantala ang shop niya.

Agad na namangha ang mga pinsan ni Sana'a ng marating nila ang rooftop.

"Exciting nito,mga pinsan!"bulalas ni Dwayne.

" Hindi ka naman marunong mag skate board eh,"si Erol.

"Mga tulad natin mga lobo wala tayo inuurungan kaya makikita mo lumilipad na ko mamaya dyan," anang ni Dwayne.

Nalulula siya sa pag-uusap ng mga ito habang pinapakinggan niya ang mga ito. Alam niyang mga lobo ito pero minsan hindi naman maiwasan na mabahala ka.

Deym,siya lang kaya ang tao sa kanila tapos nasa rooftop pa sila kung saan pwede sya lapain ng mga ito ng wala makakakita sa kanya.

Bigla parang gusto niya tuloy tawagan ang nobya at papuntahin ito ngayon sa kinaroroonan nila.

"Siguradong marunong ka magskate board?" pukaw sa kanya ni Stanley.

Matiim na nakatitig sa kanya ang kulay pilak nitong mga mata.

"Uh,medyo napokus na kasi ko ngayon sa shop ko," aniya.

"Kung ganun baka pwede sample naman dyan?" nakangisi saad ni Dwayne na agad naman sinigundahan ni Erol.

Naghihintay naman si Jamiel at Stanley sa sagot niya.

"Ahm,s--" bigla naputol ang sasabihin niya ng may bigla na lamang sumulpot sa harapan niya.

"Oh Gian? Bakit ngayon ka lang?" si Dwayne.

"Pasensya na hinatid ko pa station si Misis," tugon nito.

"Kamusta,Jeff?" baling sa kanya nito.

Totoo ba ang nakita niyang iyun?

"Nakakapag-teleport siya," pagsagot ni Jamiel sa tanong niya na nasa isip niya.

Damn,for real?!

"That's nice..uh,mabuti naman ako," mangha saad niya.

"So,ano na,Jeff? Isang palabas naman dyan!" muling udyok ni Dwayne na ipakita niya ang galing niya sa pagskate board.

Ayaw niyang ipahiya ang sarili sa mga ito lalo pa at malalapit sa puso ng dalaga ang mga bisita niya.

"Sure.."pagtango niya sa gusto ng mga ito gawin niya.

Hindi niya ipapahiya ang sarili sa mga ito at gusto niya na maging proud sa kanya ang kasintahan niya.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon