Nag-eenjoy siya ng labis habang humaharap siya sa mga costumer ng shop na namimili ng mga kailangan ng mga ito. Ilang araw na siyang nagpi-Feeling promodizer at Sales lady at hindi siya papayag na lalabas ang costumer na walang nabibili.
"Pwede bang araw-araw ka na lang dito? Mas dumadagsa ang costumer namin dahil sayo,"untag sa kanya ni Ed.
"Huwag ka nga abuso diyan,Ed..pinagbigyan ko lang siya tumulong dito," sabad ni Jeffrey na nakasimangot ang mukha.
Natawa siya. Ayaw talaga nito payagan siya kasi puro lalaki nga daw ang costumer nila at may pagkakataon na imbes na bumili gusto lang pala makipag-usap sa kanya kaya pumasok rito.
"Asus,nanliligaw ka pa lang uy! Possessive na agad?" pang-aasar ni Ed rito.
Sinamaan naman ni Jeff ng tingin ang kaibigan. Napailing na lang siya.
"Jeff,gutom na ko," sabad na niya sa mga ito.
Agad na nabura ang madilim nitong anyo para sa kaibigan.
"Tara kumain tayo sa labas," agad na pagtigil nito sa ginagawa.
"I-take out niyo ako ah," pahabol ni Ed ng igiya siya ni Jeff palabas na ng shop.
Nakaalalay ito sa kanya. Nakasapo ang palad nito sa likod ng beywang niya.
Nasa ligawan stage pa lang sila nito pero touchy na ito sa kanya.
Asus,alam ko naman na gusto mo na ikiss ka niya! Pag-alingawngaw ng inner wolf niya.
Bastos ka,wolf. Gentleman si Jeffrey kaya manahimik ka dyan,darating din kami dyan.
Palapit na sila sa parking area ng mahagip ng mga mata niya ang isang batang babae na nasa gilid ng kalsada at hinahabol nito ang gumugulong na bola.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang paparating na truck.
Masasagasaan ang bata!
Malakas na sigawan ang bumasag sa buong paligid kasabay ng malakas na pagpreno ng isang truck.
Mahigpit niyang yakap-yakap ang batang babae na muntik ng masagasaan kung hindi lamang siya naging mabilis sa pagsagip rito.
Whew! Muntikan na yun!
"Anak!!" umiiyak na pagdaluho sa kanila ng isang ginang.
"Mama!!" umiiyak na tugon ng bata sa ina nito.
"Miss! Diyos ko,salamat sa pagligtas mo sa anak ko!" humahagulhol na saad ng ginang habang yakap-yakap na nito ang anak.
Tumango lang siya rito habang nagkakagulo ang iba sa kinaroroonan ng truck na nabangga sa isang abandonadong bahay dahil sa pag-iwas nito sa bata.
"Sana'a!" humahangos na paglapit ni Jeffrey sa kanya.
Niyakap siya nito habang nakasalampak pa rin siya sa maruming kalsada.
"A-are you okay? N-nasaktan ka ba?" sunod-sunod nitong saad habang sapo-sapo nito ang kanyang mukha.
"Okay lang ako.." saad niya.
Puno ng pag-aalala ang gwapo mukha nito muli siya nito niyakap ng mahigpit.
"Tinakot mo ako bigla ka na lang nawala sa tabi ko," usal nito sa gilid ng ulo niya.
Saka lang rumihistro sa utak niya ang ginawa niya. Hindi man nakita ng lahat ang ginawa niya alam niyang nasaksihan iyun ng lalaki nakayakap sa kanya ngayon.
Uhm,mag-iexplain ba tayo?
Kung kinakailangan mag-iexplain siya.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)
Werewolf#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove