Chapter 30

6.9K 250 7
                                    

Tila sasabog ang ulo niya habang iniisa-isa ang mga nalaman niya tungkol sa tunay na pagkatao ni Sana'a.

Wala siya maunawaan pero iisa lang ang naiintindihan niya. Magkaiba sila ng pinagmulan ng lahi ng dalaga.

Tao siya at isang lobo naman ang dalaga. Pero paano nangyari iyun? Paano naging totoo ang isang kwento lang sa libro?

Nasapo niya ang ulo ng kumirot iyun.

"Inumin mo ito para marelax ka," pukaw sa kanya ng Mama ni Sana'a.

Nanatili siya sa bahay ng mga ito. Nag-alala siya kanina ng mawalan ng malay ang dalaga. Nakahinga lang siya ng maluwag ng sabihin sa kanya na kailangan lang ng pahinga ng anak nito.

Hindi pa raw ito nagpapahinga mula ng makabalik ito mula sa pinuntahan nito.

Natuon ang mga mata niya sa nilapag nitong tasa.Rose tea yun nakainom na siya niyun ng minsan binisita niya si Sana'a sa opisina nito.

"Alam kong naguguluhan ka pa,Jeffrey..pero huwag mo muna pilitin ang sarili mo," malumanay nitong saad mahihimigan ang pang-unawa nito sa boses ng ginang.

Napatingin siya rito. Ang sabi ni Sana'a. Isa din itong lobo.

Nginitian siya nito ng buong suyo.

"Iba man kami sa inyo hindi kami nanakit ng mga tao.."masuyo nitong sabi at makikita sa matamis nitong ngiti na hindi nga dapat katakutan ang isang katulad nito.

Ang isang katulad ni Sana'a.

Bigla siya nagbaba ng paningin. Awkward kasi pakiramdam niya hinuhusgahan niya ito. Nahihiya siya sa sarili niya dahil...aminin man niya o hindi hinusgahan niya ang dalaga hindi man niya iyun naisawika.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.

"Masaya ako na nanatili ka dito pagkatapos mo makita ang tunay na Sana'a.."pagpukaw nito sa kanya.

Ikinuyom niya ang mga palad niya. Nahihiya siya na tapatan ang mga mata nito. Nababahala siya na baka makita nito ang panghuhusga niya sa mga ito .

"Ngayon ko lang nakitang may kinakatakutan si Sana'a,Tita Amelia.."wika niya ng makalma na niya ang sarili.

" Mahirap sa amin mga lobo na ipaalam sa mga taong mahal namin ang tunay namin katauhan,natakot na rin ako..natakot ako na baka hindi ako tanggapin ng Tito Dave mo,"masuyo nitong saad.

Napatingin siya sa paglapit ng Papa ni Sana'a sa asawa nito at puno ng pagmamahal ang makikita sa mga mata nito na akala mong wala itong damdamin ganun. Inakbayan nito si Tita Amelia at nanatili nakatayo sa gilid nito.

Muli bumalik sa nakakaintimidate na tingin ang mga mata nito na bumaling sa kanya. Agad na dinunggol siya ng kaba.

"Nauunawaan ko ang mararamdaman mo dahil napagdaanan ko na yan..hindi talaga madali mapaniwalaan pero kailangan maging malawak ang kaisipan natin sa ganitong bagay..hindi lamang tayong mga tao ang may karapatan na dumanas ng saya at ng pag-ibig.." sabi nito sa kanya.

Mas lalo lamang siya nakaramdam ng kahihiyan sa sarili niya.

"Sila din..iba man sila satin hindi sila nananakit kumpara sa mga tulad natin tao na kayang manakit ng kapwa..mas may puso sila kaysa satin," dagdag pa nito.

Mas lalo niya naikuyom ang mga palad.

Sang-ayon siya roon. Nakita niya kung paano napakabuti ni Sana'a. Ang iligtas siya noong bata pa sila at ang pagsagip nito sa batang babae iyun ang nagpapatunay kung gaano kalaki ang puso nito sa hindi naman nito kauri.

Gusto niya murahin ang sarili sa sobrang pagkapahiya niya sa sarili.

Buong tapang na humarap na siya sa mag-asawa na mataman na nakamasid lamang sa kanya.

"Hayaan niyo po sana akong protektahan ang anak niyo kahit alam kong mas kaya niya protektahan ang sarili niya pero gusto ko ..gusto ko iparamdam kung gaano ko siya kamahal.." lakas-loob niyang saad sa mga ito. Determinado. Puno ng pangako.

"Mahal ko po ang anak niyo,Tita,Sir..tanggap ko po ang anak niyo..kaya sana po matanggap niyo rin ako para sa anak niyo," may pagsusumamo niya saad sa mga ito. May kaba man siya nararamdaman mas nangingibabaw ang kagustuhan niya makasama at manatili sa tabi ng dalaga.

Kahit ano pa man ito. Kauri man niya o hindi.

Pero hindi niya maiwasan na mangamba siya na baka hindi paboran ng mga ito ang pakikipaglapit niya sa dalaga dahil sa mga katotohanan na magkaiba sila ng dalaga.

"Oo naman..mate ka niya eh,"nakangiti tugon ni Tita Amelia na siyang pumukaw sa kanya mula sa pag-aalala niya.

Tumingin naman siya sa haligi ng bahay ng mga Dornan.

" Kailangan muna kita makilatis ng mabuti..wala akong pakielam kung ikaw pa ang mate niya gusto ko lang masiguro na hindi mo siya sasaktan talaga at talagang kaya mong panindigan ang aming dalaga, "madiin nitong saad. Mahihimigan na may babala sa tono nito.

Ngunit naguguluhan siya. Anong mate? Gusto man niya tanungin iyun isinantabi na lang niya muna. Malalaman din niya iyun at ang mahalaga sa kanya ngayon na pumayag ang mga ito sa gusto niya na hinayaan siya ng mga ito na patunayan na totoo ang intensyon niya kay Sana'a.

Makakasama pa niya ang dalaga. Iyun ang importante sa kanya.

Si Sana'a ang kaligayahan niya. Ang pag-ibig niya. Ang babaeng gusto niya makasama habam-buhay.

"Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sakin na mahalin ang anak niyo,Tita,Sir.." nakangiti na niya turan.

Tumango ang haligi ng bahay at matamis na nginitian naman siya ng ginang. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyun.

"Maraming salamat,hijo..maraming salamat na pinairal mo ang pag-ibig mo para sa kanya. Hindi mo siya kinatakutan,"masuyo nitong sabi sa kanya.

Isang pangakong ngiti ang pinukol niya sa ina ni Sana'a.

"Pangako po,Tita Amelia..hinding-hindi ko po sasaktan si Sana'a at hinding-hindi din po ako papayag na hindi ako lalaki na makakatuluyan niya. Siya po ang first love ko at magiging last ko,"puno ng pangakong sabi niya sa mga ito.

"Good to hear that,hijo..."komento ng ama ng dalaga.

Ito ang first love niya. Ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya. Sisiguruduhin niya na siya lang din ang magiging una at huli nitong pag-ibig.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon