Chapter 15

7.4K 251 2
                                    

Agad na nginitian niya ng ubod na tamis ang kanyang Papa Dave ng madatnan niya ito sa may salas. Nagtatsaa ito habang may hawak na papeles.

Maaga ito nagigising kapag tuwing weekend kaya tanghali na ito bumabangon.

Agad na humalik siya sa pisngi nito pagkalapit niya sa ama.

"Morning,Papa!" malambing niyang pagbati rito.

May pagtataka na sinuyod siya nito ng tingin sa ilalim ng suot nitong salamin saka sumulyap sa suot nitong relong pambisig.

"Ang pagkakaalam ko hindi ka pumapasok sa hospital tuwing sabado..?" matiim nitong tanong kunot ang noo at may pagtataka sa gwapo nitong mukha.

Matamis na nginitian niya ang ama.Umupo siya sa gilid nito sa may armrest ng inuupuan nitong single sofa. Inakbayan niya ito.

"I'm meeting with someone,later,Pa.." matapat niyang sagot.

Ipinaling nito sa kanya ang mukha ng ama. Naniningkit ang mga mata nito sa kanya na kinatawa niya ng mahina.

"With whom?"may istrikto nitong sabi.

She's smiled at him again so sweetly.

"Remember,Jeffrey? Yung anak po ni Tita Melissa,"paalala niya rito sa pangalan ng binata.

Agad na gumuhit sa gwapong mukha ng ama ang pamilyaridad sa binanggit niyang pangalan.

"Are you two dating?"matiim nitong saad pero mahihimigan ang pagkakaistrikto nito.

She chuckled. " I wish,Papa.."saad niya sa ama.

Tumiim lalo ang mukha ng ama sa sinabi niya. Malambing na niyakap niya ang ama.

"I know what you're thinking,Papa..wala kayo dapat ipag-alala,he's a good guy and loving son.."depensa niya sa binata.

"Wait..are you saying..that guy is your..mate?"dahan-dahan nitong saad pagkaraan na maisip nito na posible nga iyun.

Nakangiti na tumango siya bilang tugon.

Napabuga ito ng hangin ng kompirmahan niya iyun. Niyakap siya ng ama.

"Kaya naman pala nababanggit ng Mama mo ang lalaki na yun nitong nakaraang araw.." anito na may simangot sa gwapo nitong mukha.

Nahimigan niya na tila nagseselos ang ama.

"Are you jealous with him?!" mulagat niya ng matanto iyun. Pinakatitigan niya ang mukha ng ama.

Muli bumuga ng hangin ang ama at inalis nito ang suot nitong salamin sa mata.

"Well,perhaps but your mom is always keep saying na bagay kayo ng Jeffrey na yun hindi lang ako umiimik dahil ngayon ko lang nakita na matuwa sa isang tao ang mama mo.." tugon ng ama sabay iling.

Tumango siya. Hindi sinabi ng mama niya agad rito.

"Hindi agad pumasok sa isip ko na baka siya nga ang Mate mo," dugtong ng Papa niya saka siya nilingon nito muli.

"Now,you know.." aniya na may ngiti sa mga labi niya.

Tumango ito. "Yes..but I have to check anything about that guy history..mamaya maraming babae yun hindi ako papayag na mapunta ka lang sa kung sinu-sino.."seryoso nitong saad.

She sighed.

" He's a good man,Papa..I can sense it..may isang bagay po ako na hindi nasasabi sa inyo ni Mama.."sabi niya sa ama.

Nagsalubong ang mga kilay nito sa kanya.

"What is it?"agad nitong tanong na mababanaag ang kuryusidad sa mga mga ng ama.

"I..I already met him before..twenty years ago," tugon niya sa ama.

Natigilan ito at hindi makapaniwala sa sinabi niyang iyun.

"Twenty years ago? Nine years old ka pa lang noon na magtagpo kayo?" hindi makapaniwala saad ng ama pero nanatili ang maawtoridad nitong anyo.

Tumango siya. "Yes,Papa..pero di po ba noong labingwalong taon na ako noon ng sabihin niyo sakin ang tungkol sa mate ko? So,doon ko lang po natanto na baka siya nga po ang mate ko hanggang sa magkita kami ngayon ulit,"tugon niya sa ama.

Hinaplos nito ang pisngi niya pagkaraan.

"Gagawa ang tadhana ng paraan para patagpuin kayo ulit gaya ng kung paano kami pinagtagpo ng tadhana ng Mama mo," masuyo nitong saad habang sinasabi iyun. Mahihimigan ang labis nitong pagmamahal para sa kanyang ina.

Nginitian niya ang ama at tumugon naman ito ng ngiti sa kanya na tangi sila lamang ang nakakakita sa ngiting iyun ng isang kilalang malupet na businessman.

Strict and intimidating,Dave Dornan.

Lumalambot ito pagdating sa kanila at ganun din sa mga Titas niya. Nakwento ng kanyang ina. Overprotectivr ang kanyang ama sa mga Titas niya. Since ito ang unang nakakilala sa mga ito at nakakaalam sa pagiging lobo ng magkakapatid na Stonex.

Malambing na niyakap niya ang ama.

"Thank you,Papa.."madamdamin niyang sabi sa ama.

"Hmm? Para saan?"anito.

Ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "Sa lahat-lahat. Kayo na ang pinaka-dabest na ama sa buong mundo!"

Isang malalim na tawa ang kumawala sa mga labi ng ama at nginisihan naman niya ito.

"You know what,i already know that..inuuto mo lang ako,"anito na may ngisi na din sa mga labi nito.

Tumawa siya sa sinabi ng ama.

"Hindi po kaya,"nakanguso niyang turan.

Tumawa muli ang ama at pinatakan ng halik ang kanyang noo.

"Ang aga naman yan pa-baby mo ah?"

Sabay nila nilingon ng ama ang pagdating ng kakambal niya.

Yumukod ito at hinalikan sa ulo ang kanilang ama.

Nanatili siya nakayakap sa ama. "Doon ka nga,sakin lang si Papa!"pagtataboy niya sa kakambal.

Pinanlakihan naman siya nito ng mga mata saka umiling.

"Isip-bata ka na naman,"komento nito.

"I hate you,"maktol niya sa sinabi ng kakambal.

Inilingan siya muli ng kakambal niya si Jamiel.

"Uh,Dad..gusto niyo pabantay ko yan habang nakikipagkita yan dun sa Jeffrey?"untag nito sa ama nila.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kakambal niya.

"Papa,i told you..mabait po siya saka i can take care of myself. Paano ko makikilala ng mabuti yung tao kung pababantayan niyo ko?"kunwa'y nagtatampo niya turan sa mga itom

Istrikto na humalukipkip sa harapan niya ang kakambal niya. Kuhang-kuha nito ang pagiging istrikto at initimidating ng kanilang ama.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"So? Babae ka pa rin at hindi ka dapat basta-basta makikipaglapit sa lalaki na yun kahit na mate mo pa siya,iba na ang panahon ngayon,my twin sister,"sarcastic nitong sabi sa kanya.

"I know,kuya. Pero matanda na ko para pabantayan niyo pa!"giit niya na tanggihan ang gustong mangyari ng kakambal niya.

"That's enough,"sabad na ng kanilang ama.

"It's okay,Jamiel. We trust her na lang,"sabi nito sa kakambal niya at doon na siya napangiti at muli niya niyakap ang ama.

"I love you,Papa!"

"I love you more,baby.."

Agad na dinilaan niya ang kakambal na inilingan na lamang siya.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon