Chapter 19

6.8K 232 2
                                    

Napangiti siya nang pagbuksan siya ng pintuan ni Jeffrey.

"Thank you," aniya ng makababa na siya ng kotse.

"Welcome.."nakangiti nitong tugon sa kanya.

"Salamat nga pala nag-enjoy ako kanina pati na rin sa brunch natin kanina nabusog ako,salamat.." saad niya.

"Ahm,wala yun tinupad ko lang pangako ko sayo.." anito na sinamahan pa ng nahihiyang ngiti.

Bumukas ang pintuan ng gate nila at agad na naramdaman niya ang presensya ng kambal niya di pa man ito lumalabas roon.

Matiim ang anyo nito nang mapatingin sa kanila.

"Hi,Jamiel! " bati niya rito.

Agad na inakbayan siya nito na ikinatingin ng binata. Marami ang nag-aakala na hindi sila magkambal dahil nga hindi sila magkamukha.

Napangisi siya.

"Jeff..please meet my twin brother,Jamiel..Jamiel,si Jeff..kaibigan ko," pakilala niya sa dalawang lalaki.

Nakita niya ang pagkamaang nito .

"Nice to meet you,"pakikipagkamay ng kambal niya rito habang matiim na tinititigan ng kambal niya ang binata na alam niyang tinitiyak nito na ito nga ang mate niya.

Agad naman inabot iyun ng binata.

"Nice to meet you,too.."pakikipagkamay naman nito kay Jamiel.

"Ahm,hindi na ko magtatagal,Sana'a.." paalam na nito sa kanya.

"Okay,ingat sa daan.."pagngiti niya rito.

" Okay,uhm,maiwan ko na kayo,"baling nito sa kambal niya.

"Sabi ni Papa nameet mo na daw siya twenty years ago?" agad nito sita sa kanya.

Nginisihan niya ito habang tinatanaw nila ang paglayo ng sasakyan ni Jeffrey.

"Tama!"agad na tugon niya rito.

Nangunot ang nuo nito.

"Sa loob ko ikukwento sayo bago yun gusto ko muna makita ang kambal!" aniya at nauna ng pumasok sa bahay nila.

Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa mga labi niya habang nagmamaneho. Ngayon lang talaga siya nakaramdam ng saya. Saya dahil sa isang babae.

Natigilan siya at binagalan ang pagmamaneho ng mapansin ang lugar na kinaroroonan niya.

Bakit ngayon lang niya naalala amg lugar na ito?

Bigla niya naalala na tumira sila dito ng magulang niya twenty years ago. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid. Hindi niya agad nakilala ang lugar dahiL hindi na ito tulad ng dati na mapuno at madamo kumpara ngayon na puro bahay na walang tao. Ngunit sa isang particular na lugar ang nakakuha ng atensyon niya.

Bigla bumuhos sa alaala niya na doon siya nag-aaral magskate board at doon din muntik siyang masagasaan ng isang kotse at isang batang babae ang nagligtas sa kanya.

Shit,hindi niya agad napansin ito kanina dahiL sa excitement niya kanina na makita si Sana'a.

Saglit siya huminto sa pagmamaneho.

Isang buwan lang sila tumagal sa lugar na ito dahil kinailangan nila magpunta sa ibang bansa at doon na sila tumira at nakapagtapos siya ng pag-aaral ng kolehiyo.

Kung dito nakatira si Sana'a. Hindi kaya posible na siya nga ang batang babae na nagligtas sa kanya noon?

Sigurado ka ba sa iniisip mo? Baka naman nadadala ka lang ng pagkamangha mo sa kanya kaya siya ang iniisip mong first love mo..sita ng isip niya.

Naipilig niya ang ulo.

Damn,sumasakit na ang ulo niya!

Pero wala naman imposible sa mundo eh.

Bakit hindi mo tanungin?

Napabuga siya ng hangin at bumalik na muli sa sasakyan niya at nasa isip pa rin niya ang katanungan iyun hanggang sa tuluyan na siya nakauwi sa bahay nila.

Hindi naman siya kaagad nakatulog sa kakaisip niya sa alaala iyun.

Paano kaya kung ang doktora iyun at ang guardian angel ay iisa?

Marahas siya napahilamos sa mukha.

Baka nagiguilt lang siya sa First love niya dahil nahuhulog na ang loob niya kay Sana'a.

Ipinikit na niya ng mariin ang mga mata.

Posible ba na ma-in love ka ng sabay sa dalawang babae?

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon