Chapter 38

6.5K 219 6
                                    

"Is there something wrong?" sita niya sa kasintahan na tahimik lang habang kumakain sila sa Rose-taurant.

Inaya niya ito mag-lunch date sila ng araw na iyun.

Marahas ito bumuga ng hangin at nag-angat ng paningin sa kanya na masasalamin sa mga mata nito ay ang pagkadismaya. Nakagat niya ang pang-ibaba labi niya.

Alam niyang siya ang dahilan niyun.

"Ilang gabi mo na akong tinatanggihan magdinner tayo," saad nito.

Agad siya nagbaba ng paningin at tumitig sa plato niya na may laman pang pagkain.

"Ahm,hindi ko sinasabi ito para gawin big deal yun,naninibago lang ako.."matiim nitong saad.

She heave a deep sighed. Inaasahan na niyang kokomprontahin siya nito.

" I'm sorry about that,Jeff..but you have no idea kung gaano kita kagusto makita at makasama sa nagdaan na gabi,"aniya sa mahinang boses.

"Ahm,nagsasawa ka na ba sa lagi natin ginagawa?"

Napaangat siya ng paningin rito.

"I mean yung palagi ako nagtitxt sayo.." anito na mahihimigan ang pangamba sa boses nito.

Agad na nabahala siya. Iniisip na nito na baka ayaw na niya rito at ngayon pa lang nakikini-kinita na niya na labis ito masasaktan.

Jeffrey loves her much likes she do.

Inabot niya ang kamay nitong nakakuyom sa gilid ng plato nito.

"I'm sorry..sorry kung napaparamdam ko sayo na nagsasawa na ako sayo..hinding-hindi mangyayari yun..nakalimutan mo na ba? Ikaw ang mate ko. Ikaw lang ang magiging lalaki sa buhay ko..habambuhay," matiim niya saad rito.

Nasilayan niya ang bahagyang pagliwanag ng mukha nito. Nanatili pa rin ang pangamba sa anyo nito.

Napabuga siya ng hangin. Sumasakit ang puso niya sa nakikita niya sa mga mata nito.

"Alright,Sumama ka sakin mamaya gabi..sa Sagradong-gubat ako nagpapalipas ng gabi nitong mga nakaraan gabi,"saad niya.

May dumaan na kuryusidad sa mga mata nito sa sinabi niyang iyun.

" Gusto ko burahin yang iniisip mo nitong nakaraan gabi..stay with me tonight,"aniya.

"Okay.." matiim nitong tugon agad sa kanya.

Nginitian na niya ito pagkaraan. Dinala nito sa bibig ang kamay niya at pinatakan ng halik ang likod ng palad niya.

"I'm sorry..ahm,nagiging paranoid lang siguro ako.." usal nito pagkaraan halikan ang kamay niya.

"It's alright,naranasan ko na rin yan..yung time na hindi ka nagrireply sakin kaagad yun pala kasama mo ang mga pinsan ko ng mga oras na iyun..naging paranoid din ako..syempre ang gwapo kaya ng boyfriend ko!" aniya na sinamahan pa niya ng panlalaki ng mga mata at butas ng ilong ang huling mga salita na binitawan niya.

Natawa ang kasintahan.

"Don't worry I'm yours..all of me," matiim nitong sabi sa kanya.

Puno ng pagmamahal na nginitian niya ito.

"Mahal na mahal kita,Jeff..and I'm all yours,too.."saad niya naman rito.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon