Chapter 29

6.4K 228 3
                                    

Hawak-hawak ni Jeffrey ang kanyang kamay habang ginigiya niya ito papasok sa bakuran nila. Wala naman makakakita sa kanila dahil malayo sila sa iba pang bahay at ang magulang naman niya ay nasa loob ng bahay na alam ang gagawin niya ngayon. Hindi umalis ang mga ito para sa kanya.

Nakangiti na sinulyapan niya ang magkahawak nilang mga kamay. Pinisil iyun ng binata.

"Isa sa mga katangian ko ang nakita mo noon..doble o triple ang bilis ko kaysa sa inyo mga karaniwan tao.."simula niya pagkaraan.

Nakinig ito sa kanya. Hinahayaan siya ng magsalita lamang.

Bumuga siya ng hangin.

"Isa din akong healer..ibig sabihin may kakayahan akong makagamot ng kahit anong klaseng sakit o sugat na hindi gumagamit mula sa siyensya..."patuloy niya.

Nangunot ang noo nito. Pero manabanaag ang pagkamangha sa mga mata nito.

Dahan-dahan ay binawi niya ang kamay na hawak nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Buong tapang na sinalubong ang mga mata mg binata.

Ang mga matang puno ng katanungan at naghahanap ng kasagutan.

Saglit na nilapitan niya ang kinauupuan kanina at dinampot niya ang bread knife na nasa may platito.

Muli siya humarap sa binata na lalong lumalim ang pagkakakunot-noo nito ng sumulyap ito sa hawak niya at muli ibinalik ang mata sa kanya na may pagtataka.

Mabilis niyang hiniwa ang palad niya na walang kahit anong sakit na naramdaman sa ginawa niya iyun mabilis na binitawan niya ang bread knife bago pa man siya mapigilan ng binata na napasinghap sa ginawa niyang iyun.

" Shit! A-anong ginagawa mo?!"nabiglang sita nito. Mabilis na lumapit ito sa kanya at tangkang gagamitin nito ang puting panyo para takpan ang hiwa niya. Bago pa man nito gawin yun maagap na inilayo niya ang palad rito.

"No,just..look what happen,Jeffrey,"pag-iwas niya sa gagawin nito.

Napaawang ang bibig nito at nanlaki ang mga mata nito ng makita nito ang kusang paghilom ng hiniwaan niyang palad.

"Kusang naghihilom ang sugat ko dahil isa iyun sa katangian ko..." saad niya habang nakatitig sa mukha ng binata na titig na titig sa palad niya.

Maang ito nag-angat ng paningin sa kanya.

"H-how? That's so impossible.."mayamaya usal nito.

Mataman niya ito tinitigan.

"Jeffrey,hindi ako basta tao lang..iba ako sa inyo..sayo," mahina niyang usal sabay baba ng paningin at tumitig sa palad niya na ngayon ay wala ng bakas na sinugatan niya iyun.

"Kung ganun...a-ano ka?" tuliro nitong turan.

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago niya buong tapang na tinitigan muli ang lalaki.

"I..isa akong lobo..at..at kaya kong magpalit ng anyo bilang isang lobo," pagsiwalat na niya sa totoong pagkatao niya.

Hindi na ko humihinga..sa kaba.

Hindi kaagad nakareak ang lalaki. Tila ba ito naestatwa sa kinatatayuan nito.

Nagbaba siya ng mukha. Ayaw niya makita ang takot sa mga mata nito.

Ayaw niya. Hindi niya kaya. Akala niya kaya niya makita iyun mula rito.

Pinilit niya na hindi maiyak sa harapan nito.

"Ako..ang kambal ko,si Mama..mga lobo kami," saad niya muli na pilit na pinatatatag ang kalooban.

Gusto niya malaman na nito ang lahat. Walang labis at walang kulang kahit masakit ang magiging dulot niyun.

Nararamdaman na niya ang tensyon sa buong katawan niya habang hinihintay niya ang magiging reaksyon ng binata habang tumatagal na hindi ito nagrireak lalo lang siya nakakaramdam ng takot.

Nakakatakot kasi..at ayaw din niya na pagtawanan siya nito. Na baka isipin nito isa siyang loka-loka o nagbibiro lamang siya.

O baka isipin nito na isa siyang pathetic na babae. Baka nagdadahilan lamang siya para hindi sila magkalapit dalawa.

Pero puro kaisipan lamang yan..

"Gusto ko makita..gusto ko makita kung totoo ngang lobo ka,"mayamaya sabi nito na siya nagpatigil ng pag-iisip niyang iyun.

Marahas siya napaangat ng mukha sa sinabi nito.

Nakita niya ang kaseryusohan sa gwapong mukha nito at sinseridad sa kagustuhan nitong makita siya na isa nga siyang lobo.

Naikuyom niya ang mga palad.

Heto na ang oras para sa kinatatakutan niya.

Umatras siya na hindi inaalis ang mga mata niya sa seryoso nitong mukha at sa isang iglap nasa anyong lobo na siya.

Nakita niya ang lalong panglalaki ng mga mata nito. Lalo bumukas ang pagkagulat at hindi pagkapaniwala sa nakikita nito mula sa kanya.

Napaatras siya. Ayaw niyang matakot ito at umatras pa siya muli hanggang sa lumaki na ang distansya nila ng binata.

Agad din siyang nagbalik sa dati niyang anyo upang mas masaksihan nito ang kaibahan nilang dalawa.

Mabilis na lumapit sa kanya ang ina na alam niyang nasa malapit lang. Pinasuot nito sa kahubdan niya ang dala nitong roba.

Naiiyak siya kaya hindi niya magawang tumingin na kahit kanino.

" It's alright,Sweetheart.."masuyong pagyakap sa kanya ng ina at puno ng pagmamahal na hinaplos ang kanyang buhok. Tila hinihele siya nito.

Yumakap siya sa ina at doon na siya tuluyang napaluha. Kahit alam niya na naroroon pa rin ang binata hindi niya magawa tumingin rito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Namalayan na lamang niya nanghihina siya at kusang pumipikit ang kanyang mga mata habang nakayakap pa rin sa mama niya.

Hinang-hina siya na tila ba ayaw na rin tumibok pa ang kanyang puso. Ayaw na rin mag-isip ang kanyang isip kung saan na nga ba hahantong ang lahat ng ito.

"It's alright,baby..we're here,"puno ng pagmamahal na alo sa kanya ng ina.

Nakakaramdam na siya ng pagod. Gusto na muna niya magpahinga. Pero hindi siya mapapagod na alalahanin ang mga araw na nagkasama sila ng binata. Hindi siya mapapagod na paulit-ulit na ireplay sa isip niya ang unang pagtatagpo nila ng binata noong mga bata pa sila.

Hinding-hindi rin niya makakalimutan ang gwapong mukha ng lalaki na alam niyang itinakda para sa kanya.

She love him so much.

Hinayaan na niya lukubin siya ng kadiliman at tuluyan ng mapadaig ang pagod sa buo niyang sistema.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon