Chapter 32

6.9K 239 12
                                    

Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi niya habang nakaakbay siya sa balikat ng kasintahan. Kasulukuyan sila nasa may Hardin habang nakatingin sa kalawakan na puno ng bituin.

At tama,kasintahan na niya ang dalaga.

Kinuha niya ang palad nito na hiniwa nito kanina at namangha siya ng makita na wala kahit anong bakas na nahiwa iyun.

Hinaplos ng hinlalaki niya ang bahagi na sinugatan nito kanina.

"Nakakamangha..kusang gumaling ang sugat mo," mangha niyang usal.

Tumawa ang dalaga sa sinabi niya.

"Gusto mo makita ulit?" nakangisi nitong baling sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya.

"N-no..ayoko,ahm,ano..takot akong makakita ng dugo saka please lang wag mo ng uulitin yun,"aniya sabay buntong-hininga.

" Okay,I won't do that again!"anito.

Pinatakan niya ng halik ang noo nito.

"Wait," may bigla siya naalala.

"Hmm?"

"Hindi ba nasugatan ka noong niligtas mo ako? I'm sure naghilom na agad ang sugat mo ng mga oras na iyun?" aniya.

May ngiti sa mga labi nito na tumango sa kanya.

"Yes..tinanggap ko ang panyo na binigay mo sakin para takpan ang sugat ko sa tuhod ng sa ganun hindi mo makita na kusa iyun naghihilom," anito sabay kagat sa pang-ibaba labi nito.

Naagaw niyun ang atensyon niya. Awtomatikong dumapo ang mga daliri niya roon at inalis ang pagkakagat nito sa labi.

Hinaplos ng hinlalaki niya ang pang-ibaba labi nito na natural ng mapula.

"Kung sana may ginawa ako para magkita tayo muli ng mga panahon iyun siguro noon pa lang hindi na tayo nagkalayo pa,"matiim niyang saad habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.

" Siguro nga..pero pinagtagpo muli tayo dahil ikaw ang mate ko,"anito.

Natigilan siya ng marinig ang salita na narinig niya sa magulang nito.

"Mate..?" usal niya sa nakakacurious na salitang iyun.

Iyun na lang ang katanungan na gusto niya masagot na.

"Ahm,sa madaling salita ikaw ang lalaking itinakda sakin..mate ka ng isang lobo..sakin," paliwanag nito.

Namangha siya sa sinabi nito.

"Wow,as in destined na tayo noon pa lang?"mangha niyang saad.

Nakangiting tumango ito. "Yes,ahm..may isang bagay pa na dapat mong gawin bilang mate ko,Jeff.." anito.

Bigla siya naexcite roon.

"TaLaga? Gaya ng ano?"agad na turan niya.

Natawa ito sa mabilisan niyang tugon. Hinaplos nito ang pisngi niya at tila bata na umaamot ng init mula sa nanay nito iyun ang ginagawa niya ngayon. Alam na niya kung bakit napakainit nito kaysa sa normal na init ng isang tao.

" Mayroon kaming tinatawag na ritual na kailangan gawin ng magka-mate,"pukaw nito sa kanya.

Namumungay ang mga mata na tumingin siya sa dalaga.

"Anong ritual?" mahina niyang usal. Hinawakan niya ang malambot at mainit nitong kamay sa pisngi niya at pinatakan niya iyun ng matagal na halik.

"Ang pagtatalik ng dalawang itinakda para sa pangangailangan ng lobo mula sa mate niya,"saad nito na nagpamaang sa kanya.

Napakurap-kurap siya ng makitang seryosong usapin iyun.

Bigla siya nakaramdam ng pagkailang dahil doon. Bigla tuloy siya nag-init.

Damn!

" Wow..that's ..that's nice.."naiilang na saad niya.

Tumatawa na niyakap siya ng dalaga.

"Don't worry..hindi naman natin gagawin yun agad-agad," anito.

Natawa siya pakiramdam niya siya ang babae sa kanilang dalawa. Niyakap niya ito.

"Okay..ahm,di ako sanay sa censored na usapan,actually.." aniya.

Tumawa ito. "Ako din naman," anito.

Nagkatawanan sila.

"It's getting late now..it's time to go home,mister," pagsasalita niyun sa likuran nila.

Bigla siya kinabahan sa ama ng dalaga. Hindi mawawala yun sa kanya pero Kailangan niya ng masanay para sa kasintahan.

"Yes,Sir.."masunurin niya tugon.

Hinarap niya ang dalaga. Pinatakan niya ng halik ang nuo nito.

" Pahinga ka na,goodnight.."paalam na niya sa kasintahan.

"Okay,ingat ka sa daan,"tugon nito sa kanya.

May ngiti sa mga labi niya na lumulan siya sa kanyang sasakyan.

Crazy in Love with Her : Sana'a Stonex-Dornan byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon